JeDean XXIII

14.7K 280 4
                                    

Sorry Na
Parokya ni Edgar

Sorry na kung nagalit ka di naman sinasadya
Kung may nasabi man ako init lang ng ulo
Pipilitin kong magbago pangako sa iyo

Hinarap ni Jema ang nakaupong si Deanna, na hanggang ngayon ay wala pa ring nakikitang reaksyon sa mukha nito, habang si Luigi naman ay napatingin sa babaeng nasa harapan nilang nakatayo na kumakanta

Sorry na nakikinig ka ba? Malamang sawa ka na
Sa ugali kong ito na ayaw magpatalo
At parang sirang tambutso na hindi humihinto

Sorry na talaga kung ako'y medyo tanga
Hindi ako nag-iisip na-uuna ang galit
Sorry na talaga sa aking nagawa
Tanggap ko na mali ako
wag sanang mag tampo Sorry na

Pasulyap sulyap ng tingin si Luigi sa katabi nito na tahimik pa ring nakaupo, nang tingnan niya ng mabuti ang reaksyon ng mukha ng kaibigan nakita niyang parang nangingiti si Deanna pero bumabalik sa pagpapa ka poker face niya. Dumako naman ang tingin niya kay Jema na titig na titig kay Deanna habang kumakanta

Sorry na wag kang madadala
Alam kong medyo nahihirapan ka
Na ibigin ang isang katulad kong parang timang
Na paulit-ulit kang hindi sadyang nasasaktan

Sorry na saan ka pupunta?
Please naman wag kang mawawala
Kapag ako ay iwan mo mamamatay ako
Pagkat hawak mo sa iyong kamay ang puso ko

Kanina pa sa monitor ang mata ni Deanna nang magdesisyon itong tingnan si Jema, at nang magtama na naman ang paningin nila sa ikatlong pagkakataon ay may kung anong naramdaman si Deanna

" Mahal kita sobrang mahal kita, Wala na akong pwedeng sabihin pang iba, Kundi sorry talaga di ko sinasadya, Talagang sobrang mahal kita, Wag kang mawawala,
Sorry na " pagtatapos ni Jema

Natapos ng kumanta si Jema pero hindi pa rin natatapos yung titigan nila sa isa't isa, nagpalipat lipat naman ng tingin si Luigi sa kanilang dalawa

Nang biglang nag ring ang phone ni Luigi, natauhan naman si Deanna, at napatingin sa kaibigan

" Sorry, tumawag si Mom" at mabilis na lumabas ang lalake.

Nang ma realized ni Deanna ang ginawa niyang pag titig kanina kay Jema ay bigla niyang kinuha ang isang bote ng beer at ininom ito, napangiwi pa ito sa pait ng lasa.

Bumalik naman sa upuan nito si Jema, at kinuha ang naiwang isang beer at ininom din ito

Nadatnan ni Luigi na tahimik ang dalawa, nakita niyang may hawak na Beer si Deanna, nagtataka itong tiningnan ang kaibigan hindi naman kasi ito umiinom ng Beer, nangingiti siya ng may na realized siya habang tinitingnan ang kaibigan na hindi mapakali sa upuan niya.

Nahalata naman ni Deanna na nakatingin sa kanya ang binata

"What?"  inosenteng tanong ni Deanna

Napailing si Luigi sumubo na lang ng fries

"Excuse me, Cr lang ako " paalam ni Jema

Nakita ni Luigi na sinundan ito ng tingin ni Deanna

" you really like her" puna ni Luigi

"who? " kunot noong tanong ni Deanna

" galanza " sabi ni Luigi at mapait na ngumiti

" no! i mean.... y- yes b-before , b-but hindi na ngayon " nauutal na sabi ni Deanna, at ininom ang Beer na hawak niya

" you're not a good liar Dean " seryosong wika ni Luigi

" what you're trying to say is? " tanong ni Deanna na nakataas ang kilay

" Obvious naman ehh... Galanza likes you, and you still like her too, so why you're acting like you dont want to talk to her anymore? " tanong ni Luigi

" nonsense " iiling iling na sabi ni Deanna at akmang iinom na naman ng beer, pero kinuha ito ni Luigi

" C'mon Dean stop using me as your alibi, I want you to be happy and I know you're happy being with her. nakikita ko sa mukha mo kanina apektado ka sa kanya, give her another chance,give yourself another chance to love her, i know in the end.... it's worth it " at ininom ni Luigi ang natitirang laman ng Beer na inagaw niya sa kaibigang si Deanna

" It's bad for your health, Deanna " sabay tapik sa balikat ng kaibigan

The Queen meets The Setter - Book I ( Jema Galanza, Deanna Wong )Where stories live. Discover now