JeDean XXX

15.7K 321 8
                                    

" I kissed the Setter! " hindi makapaniwalang sabi ni Jema, ng makapasok na ito sa gate nila " nakakahiya, baka sabihin niya patay na patay ako sa sa kanya, pero nakakakilig kasi ang lambot ng labi niya " kausap ni Jema sa sarili

" Hayyy.. Deanna Wong ganito ka ba tlaga? ang galing mong magpakilig " at tiningnan ang hawak niyang paperbag at tickets Inamoy amoy niya pa ang hawak na ticket
" ambango, infairness ambango ni Bata " nangingiting sabi ni Jema hinalikan niya pa ito bago tuluyan pumasok sa apartment

" Sinong hinalikan mo Jem? " tanong ni Mafe

" Kanina ka pa? " gulat na tanong ni Jema sa kapatid ng bigla itong sumulpot sa kanyang harapan

" Oo narinig ko lahat pinagsasabi mo dyan ka pa lang sa may gate, nabubuang ka na ba Jem? " inosenteng tanong ng kapatid niya

" batukan kita diyan makikita mo " banta ni Jema

" para ka ngang tanga jem, gusto mo makita video mo na hinalik halikan mo pa yung ticket na binigay sayo ni Ate Deanna " nakangising sabi ni Mafe habang hawak hawak sng phone niya

" wag mong sabihin na kinunahanan mo yun? " gulat na tanong ni Jema

" Nakakatawa ka kasing tingnan " at tumawa ng malakas

" Delete mo yan Mafe, kundi kukutusan kita " inis na sabi nito sa kapatid

" Ang harsh mo sakin Jem, minsan hindi ko maintindihan yung mga manliligaw mo, may mga saltik ba sila o tlagang wala lang silang choice? ang sadista mo kaya " sarkistong sabi ni Mafe

" Maganda naman " sabay flip ng hair ni Jema

" Pak na Pak o ikaw na maganda akin na " sabay lahad ng kamay niya

" Anong akin na? " takang tanong ni Jema

" Yung pinabibigay ni Ate Deanna " sagot ni Mafe

" May pinabibigay ba siya sayo? " masungit na tanong nito sa kapatid

" Chocolate Jem, Chocolate wag kang tanga " irap na sabi ni Mafe

" Ikaw wag mo akong tatawaging tanga Ate mo ako " at binatukan na naman si Mafe

" ei.........dali na kasi akin na " sabay haplos ng ulo niyang binatukan ni Jema

" Oh heto na " at binigyan si Mafe

" Wow sosyal naman pla yung chocolates ni Ate Deanna, may ipagmamalaki " nang makita ang isang box ng Patchi

" Naman " pagmamayabang pa ni Jema

" Maiba ako Jem, ano ba real score nyo ni Ate Deanna? " curious na tanong ni Mafe

" bakit ka nagtatanong? " nakataas ang kilay nito sa kapatid

" siyempre interesado duhhh! " sabay paikot ng mata ni Mafe

" magkaibgan lang kami " kaswal na sagot ni Jema

" magkaibigan? may magkaibigan bang naghahalikan sa labas ng gate " hindi na naniniwalang sabi ni Mafe

" ang bastos tlaga ng bunganga mo Mafe "

" ano nga Jem" pangungulit niya pa dito

" magkaibigan nga lang kami " giit pa ni Jema

" may pa chocolates, may pa tickets, may kissing under the moonlight pa ang peg nyong dalawa tas sasabihin mong magkaibigan lang kayo " natatawang sabi ni Mafe

" hindi ka rin chismosa no? matulog kna nga " sabay lakad paakyat sa kwarto nya

" Sige ka Jem pag d mo sinabi sakin se send ko kay Ate Deanna tong video mo " banta ni Mafe sa kapatid

" Lahat na lang kayo ang hilig nyong mam blackmail gamit ang phone nyo, sa ulit ipapa ban ko na tlaga yang mga cellphones nyo para wala na kayong pamba black mail sakin, " naiinis na sabi ni Jema

" hugot Jem? " takang tanong ni Mafe

" bahala ka kung gusto mong e send yan sa kanya.. kung gusto mong kiligin yun at hindi na makatulog ng maayos .. may upcoming games sila at kung matatalo yang idol mo dahil diyan sa video mo kasalanan mo yun... Goodnight! " pangononsensya nya pa sa kapatid

The Queen meets The Setter - Book I ( Jema Galanza, Deanna Wong )Where stories live. Discover now