JeDean XXXVIII

14.4K 265 1
                                    

" Kayo na ba? Kung tumambay ka sa apartment ni Jema parang doon ka na nakatira " puna ni Ponggay sa kakapasok lang na si Deanna

" Pakialam mo Pongs " sagot naman ng isa sabay labi

" Ahh ginaganyan mo na ako ha, d porket may Jema kna " kunwaring nagtatampo Ponggay

" Ikaw naman, I was joking " at inakbayan siya ni Deanna

" Subukan mo lang humingi ng tulong sakin, tandaan mo hindi kita tutulungan " umismid si Ponggay

" Joke lang nga, ang sensitive mo naman ngayon. ilang days lang ako nawala "

" Naman Ponggay to no, wait, alam mo ba na candidate ka as Best Setter? pag iiba ni Ponggay ng usapan

" yup, Coach texted me na yesterday " kaswal na sagot Deanna 

" Iba talaga pag inspired ehh.. mgkaka award na   " pagbibiro ni Ponggay

" I don't even know if I'll win eh. marami kaya magaling " sabi ni Deanna habang inaayos ang gamit niya

" dito ka na ulit matutulog? " habng pinapanuod si Deanna sa ginagawa nito

" Yup! Umuwi sa laguna si Margarett and makikipag kita ako kay Luigi mamaya, nagtatampo na ehh " 

" iba na tlaga ang maganda maraming gustong makasama ka "   natatawang sabi ni Ponggay

" baliw, sige na ligo muna ako " at pumasok sa banyo

---

"Congratulations!"  bati ni Jema kay Deanna

" Thank you " sagot naman nito

" wow Best Setter! Idol " dagdag pa ni Jema

" Congratulations Ate Deanna, " singit ni Mafe

" Thank you Mafe " pagpapasalamat ni Deanna

" Oh dali pose na kayo dyan kuhanan ko na kayo ng pic, baka mag transform naman tong kapatid ko pag wala kayong remembrance na dalawa "

Babatukan na sana ni Jema ang kapsatid pero sinaway siya ng katabi

" sabi ko na ehhh, sige na one two three smile " at pinicturan silang dalawa

" oh ayan ang ganda ganda ng kapatid ko tlaga " sarkistong sabi ni Mafe

" libre mo naman kami Ate Deanna "

" Mafe yang bibig mo nga " saway sa kapatid

Natatawa naman si Deanna sa dalawa

" Okay pero may kakausapin lang muna ako ha, babalik ako agad " paagpapaalam ni Deanna 

" okay take your time Ate Deanna " sabay ngiti ni Mafe

" sayo ba nagpaalam? sakin nakatingin yun dba? " mataray na tanong nito sa kapatid

" Si Jema selos agad " nakalabi niyang sabi

" ikaw tlaga hindi kna nahiya " at kinurot si Mafe

---

" So san tayo?"  tanong ni Deanna habang nagddrive ng kotse

" Chowking! " masayang sagot ni Mafe

" Sure ka Mafe? marami pa naman restaurant dyan, kakahiya naman kung dyan ko lang kayo e lilibre " engganyo ni Deanna

" bakit? may problema ba sa chowking? " tanong ni Jema

" ha? ahhh.. wala.. wala..  " at nag focus na lang sa pag drive

" Shit! bakit dun pa? ayaw na ayaw ko pa namang tumayo at pumila ng matagal hindi ako sanay " kausap ni Deanna sa sarili

Pagka park nila ng kotse agad na bumaba si Mafe at nauna ng pumasok sa Chowking

" Pasensyahan mo na kapatid ko" sabi ni Jema

" Okay lang, nakakatatuwa nga ehhh nakikita ko sa kanya si Ponggay " nakangiting sabi ni Deanna

" Jem Pork Lauriat sakin tas halo2x dagdagan mo na rin ng siopao " sabi ni Mafe ng makaupo na ito

" ang dami mo namang inorder, mahiya ka nga " saway sa kapatid

" okay lang, baka gutom lang siya " awat naman ni Deanna

" sure ka? " tanong ni Jema

" oo naman, so ano yung sayo ? " baling ni Deanna sa katabi

" Ganun na rin kay Mafe pero wala ng halo2x at siopao" at umupo na rin

Hindi pa umaalis si Deanna sa kinatatayuan niya

" may kailangan kpa? " tanong ni Jema

" ahhhh wala, sige order na ako " at akmang aalis ng biglang tumayo si Mafe

" Ate Deanna picture muna tayo dito bilis, Jem kuhanan mo muna kami, popost ko lang "  at hinila si Deanna papunta sa tabi niya

" kita mong oorder yung tao dba? pwede ba mamaya na lang yan " masungit na wika ni Jema

" Sige na jem please..." padabog na kinuha ni Jema ang phone ni Mafe at pinicturan niya ang dalawa

" mas maganda talaga ako sa kapatid ko, db Ate Deanna? " habang nakatingin sa picture nilak ni Deanna sa phone

Umirap lang si Jema at umupo ulit, natatawa namang naglakad si Deanna papuntang counter para umorder

The Queen meets The Setter - Book I ( Jema Galanza, Deanna Wong )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon