JeDean XXXIII

16K 308 10
                                    

" relax sila lang yun " pagpapakalma ni Deanna sa kasama

Nandito na sila sa labas ng restaurant na pina reserve ng ka teammates niya

" okay lang ba tong suot ko? " kinakabahang tanong ni Jema, naka suot ito ng white shirt, na pinatungan niya ng black jacket, shorts shorts, rubber shoes at nike cap

" shhhhhh " pagpapatahimik nito kay Jema, pinaharap niya ito sa kanya at tinanggal ang suot na cap ng babae tsaka inayos yung buhok nito

" you look perfect " nakangiting sabi ni Deanna kay Jema

Hindi naka react si Jema sa bilis ng pangyayari lalo na ngayon hawak na ni Deanna ang kamay niya, papasok sa restaurant. Ginuide naman sila ng waiter papasok sa VIP Room kung nasan ang mga ka teammates niya

Nadatnan nilang kumakanta si Ponggay habang pinagtatawanan naman siya ng ka teammates dahil sa boses niya,  nagkakasayahan sila ng mapansin nila ang magkahawak na kamay na sina Deanna At Jema na papasok

" Presenting!!! Deanna Wong!!! " hyper na wika ni Ponggay gamit ang microphone

Natawa naman si Deanna sa ginawa ni Ponggay, sobrang lakas ng boses niya. nakakabingi

" Girls meet Jessica Margarett Galanza " pagpapakilala niya sa mga ka teammates niya sa babaeng kasama niya

" Margarett, meet my teammates "

Isa isa namang nakipagkamay at nakipag beso si Jema sa ka teamamtes ni Deanna, at masaya naman itong pinanuod ng huli

" Finally na meet rin kita "

" Maddie " pagpapakilala niya sa sarili, sabay lahad ng kamay niya sa babae

" Jema " sabay tanggap ng kamay ni Maddie

" Welcome to our life, since kayo rin naman nitong si Deanna "
nakangiting sabi ni Maddie

Napaubo si Deanna, habang si Jema naman ay nabigla sa sinabi ni Maddie, Napansin naman ni Maddie ang pagiging tahimik ng dalawa..

" wala pang kayo? " gulat na tanong ni Maddie

Kagat labing umiling si Jema

" ano ba yan Wong ang bagal mo, makapag drama ka sakin the other day akala ko kayo na yun pla hindi pa " hysterical na sabi ni Maddie

" Captain naman " pigil ni Deanna sa sasabihin ng babae

" Jema may tanong kami, may chance ba tong bata namin sayo? "

Tumingin naman si Jema kay Deanna na ngayon ay pulang pula na sa kahihiyan dahil sa pinanggagawa ng Maddie

" Hindi naman siya nanliligaw ehh..  " sabi ni Jema sabay yuko

" yun naman pla, hinihintay ka naman pla manligaw Dean " sabad ni Ponggay nakisali na rin ang ibang ka teamates nila

" Seriously girls? Need talaga nyo ako ipahiya dito?  " d makapaniwalang tanong ni Deanna

" tinutulungan ka na nga... " irap na sabi ni Ponggay

The Queen meets The Setter - Book I ( Jema Galanza, Deanna Wong )Where stories live. Discover now