JeDean LXX

11.1K 205 2
                                    

" bat kba ganyan? hindi mo ba pwedeng baguhin yang ugali mo? " habol ni Jema sa babaeng nauuna ng maglakad sa kanya

" ano bang problema sa ugali ko? " tanong ni Deanna

" nakita ko ang nangyari kanina, wala ka na bang pakialam sa kanila? " tanong pa ni Jema

Huminto si Deanna at hinarap ang kausap

" anong gusto mong gawin ko? sabhin ko na may nangyari satin kanina kahit wala naman?, para may mapag usapan lang? " sarkistong tanong pa ni Deanna

" bat kba ganyan mag isip alam mo malala na yang kasungitan mo, patingin ka kaya sa doctor " masungit na wika ni Jema

Inis na tinalikuran naman sya ni Deanna

" oh san ka  na pupunta?  " habol na tanong ni Jema

" uuwi na "

" so ako ano iiwan mo na lang dito at hindi mo ihahatid? " naka cross arm na tanong ni Jema

Huminto sa paglalakad si Deanna at binalingan ng tingin ang girlfriend  

" pumasok kna sa kotse at ihahatid na kita sa inyo " walang emosyong wika nito at nagpatuloy sa paglakad

" ayoko pang umuwi " sabay padyak ng paa ni Jema

" ano? akala ko ba gusto mo ihatid kita? " naiinis na tanong ni Deanna

" oo nga pero gusto ko munang maglibot, tsaka mo ako ihatid samin  " pag papa cute na sabi ni Jema

Napahimas ng noo niya si Deanna

" san mo ba gustong pumunta? " mahinahong tanong niya pa kay Jema sabay bukas ng passenger seat door

" ehh d kung san tayo dalhin ng kotse mo " sabay pasok sa kotse ni Deanna

Pagkasara niya ng pintuan ng passenger seat ay agad itong pumasok sa driver seat at nag simula ng mag drive

Kanina pa sila paikot ikot sa daan, ilang beses na rin silang naipit sa sa traffic hanggang ngayon hindi pa nila alam kung san ang destinasyon nila,

"wala ka bang balak na umuwi? pagabi na oh. kanina pa tayo dito sa daan, ilang beses na rin nating tong nadaanan itng lugar na ito, " reklamo ni Deanna sa katabi na busy naman sa phone niya

Nang biglang nagsalita ito 

" ihinto mo dyan Bib oh sa nagbebenta ng balot bilis " utos nito kay Deanna

" sandali e park ko lng to ng maayos " pagka park ni Deanna ng kotse ay agad naman bumaba si Jema

Naabutan ni Deanna na tinatanong ng nagbebenta ng balot si Jema kung ilang piraso bibilhin niya

" Bib gusto mo? "

Umiling naman si Deanna

" sige manong bigyan mo kami ng apat ng kasama ko " nakangiting sabi ni Jema

The Queen meets The Setter - Book I ( Jema Galanza, Deanna Wong )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon