" gabi na ahh... bakit nasa labas ka pa? naku pagagalitan ka naman ni Maddie nyan " sermon nito sa batang nasa labas na naman ng apartment niya, at gaya ng nakagawian naka sandal ito sa kotse niya suot ang damit pang training niya na pinatungan ng kulay asul na jacket
Hindi kumibo si Deanna, malungkot lang itong nakatingin kay Jema napansin naman ito ng huli kaya agad niya itong nilapitan
" may problema ka? " tanong ni Jema
Nagpa lobo ng pisngi niya si Deanna, imbes magsalita ay hinawakan niya ang kamay ni Jema at hinila ito papasok ng apartment
" Si Mafe? " tanong nito ng makapasok na ito sa loob
" mamaya pa yun uuwi may group project daw sa school " sagot naman ni Jema
Tahimik na umupo ito sa sofa, nilabas ang phone niya at may tinype, kunot noo naman siyang tiningnan ni Jema, pagkatapos niyang mag type ay pinabasa niya yun sa babae
Lumapit naman siya dito at binasa ang tinype ni Deanna sa phone nito
" Hindi ako makapag focus sa training namin kanina, pinagalitan ako ni Coach, and si Captain pinag run laps pa ako punishment ko raw " basa ni Jema sa tinype ni Deanna
Magsasalita pa sana ulit si Jema ng biglang nilayo ni Deanna ang phone nito at nag type naman ulit
" I saw you earlier, with a guy :( " type ni Deanna
" sinong lalake? " takang tanong ni Jema
" and it hurts me :( sapul si heart, blood coming out " type ulit ni Deanna, binasa naman ulit to ng babae
" sino nga? " tanong ulit ni Jema sa bata
" I don't know his name, and I'm not interested. " type na ulit sa phone niya
Hindi na kumibo si Jema, nag isip siya kung sino tinutukoy nitong batang to
Nagtype naman ulit si Deanna
" do you like him? "
Tumaas bigla ang kilay ni Jema, sa tnype ni Deanna kinuha niya phone niya at nag send ng message sa dito
Nag beep ang phone ni Deanna, hudyat na may nag send ng message sa kanya, tiningnan niya reaction ni Bata
" Yes........" message na nabasa ni Deanna, biglang sumimangot mukha nito, nang biglang tumunog naman ulit phone niya
" But I still prefer the girl in front of me wearing that sad look face thinking that I like my bestfriend romantically 😅
Napatingin naman si Deanna sa kanya, nang bumalik ang tingin nito sa hawak na cellphone at mag ttype pa sana ito ulit nang bigla itong kinuha ni Jema
" pinagbigyan na kita sa kaartehan mo na to Wong, na mag ta type ka pa kesa sa kausapin mo ko ng maayos " sabi niya sa bata
Napakamot naman ng ulo si Deanna
" ano ba kasi ang nangyari bigla ka nag conclude tungkol samin ni Cy " tanong ni Jema
YOU ARE READING
The Queen meets The Setter - Book I ( Jema Galanza, Deanna Wong )
FanfictionLet me tell you a bed time story about how it is actually between the Setter and the Queen