JeDean XV

14.3K 295 9
                                    

Kanina pa nag do dorbell si Deanna sa labas ng apartment ni Jema pero walang Jema na lumabas sa gate

Hinarap nya muli ang phone ni Luigi at nag open ng facebook, nag send siya ng message na nasa apartment sya nito at naghihintay

" may tao ba dyan? kanina pa tayo dito Dean " bagot na sabi ni Luigi

" wait lang, i already sent her message.  hinihintay lang siyang magreply " sagot ni Deanna

" Dean let me remind you, before 6pm dapat nasa dorm na tayo " paalala ni Luigi sa kaibigan

" Oo na nga ang kulit, sandali na lang hintayin na lang natin siya darating na yun "

Nang biglang may humintong kotse sa tapat ng apartment ni Jema, at niluwa nito ang babaeng kanina pang hinahanap ni Deanna

" Sige Cy, salamat sa paghatid " pagpapaalam ni Jema sa taong naghatid sa kanya

Nang makita siya ni Deanna ay agad siya nitong niyakap

" Margarett, thank God you're here na " masayang sabi ni Deanna

" ano ginagawa mo dto? " tanong ni Jema na d man lang niyakap si Deanna pabalik

Umalis sa pagkakayakap si Deanna sabay kinuha sa loob ng kotse ang binili niyang food kanina para kay Jema

" for you pla, favorite mo yan dba? nabasa ko sa post mo kanina na nag ccrave ka, so binili kita " nakangiting sabi ni Deanna sabay abot ng pagkain sa babae 

" nawalan na ako ng gana " sabay tingin kay Luigi na nakasandal sa hood ng kotse nito habang nakatingin sa kanila ni Deanna

" ay wait! may ipapakilala pala ako sayo..."

" Luigi, " tawag niya sa kaibigan nito lumapit naman si Luigi sa kinaroronan nila

" Luigi this is Margarett, sya ang kinkwento ko sayo na alam mo na and Margarett si Luigi...

Hindi natapos ang sasabihin ni Deanna ng magsalita si Jema

" Pwede ba umalis kna? hind ako interesadong makilala siya " masungit na wika ni Jema at tinalikuran silang dalawa

Papasok na sana sa loob ng apartment si Jema na magsalita ulit si Deanna

" O-okay s-sige ito na lang. accept mo na lang ang foods na binili ko for you " pagpipilit niya

" pwede ba Deanna wag ka ng makulit!umuwi ka na! dalhin mo na yang dala mo at isama mo na yang boyfriend mo! gusto kong mawala na kayong dalawa sa paningin ko! " tumaas na ang boses ni Jema halatang galit na ito

Nabigla si Deanna sa sinabi ni Jema, ngayon niya lang nakita itong magalit at sumigaw, pinipilit ni Deanna na wag maiyak pero pucha yung luha niya hindi niya kayang pigilang tumulo.

Tumalikod siya kay Jema at pasimple niyang pinunasan ang luha niya, huminga muna siya ng malalim bago humarap ulit kay Jema

" hindi ko alam kung anong problema mo, nandito lang naman ako para ibigay sayo to kasi akala ko mapapasaya kita pero mali pla ako. I'm not feeling well, hindi ako pwedeng lumabas ng dorm, sira ang phone ko, pero look.... I'm here and patiently waiting for you, kasi na mi miss na kita...
First time kong mag effort ng ganito sa isang tao, at First time ko ring maramdaman to, masakit pla.. akala ko mutual ang feelings natin, ako lang pla yung nag expect. " emosyonal na sabi ni Deanna

Iniwan niya sa tabi ng gate ng apartment ni Jema ang dala niyang pagkain

" sayo to, binili ko to para sayo. ikaw na bahala kung anong gusto mong gawin dyan "

Naglakad na si Deanna papunta sa sasakyan ni Luigi nang bigla niyang nilingon si Jema

" Luigi.. he isn't my boyfriend "

" because he is my Bestfriend, sana nagtanong ka muna" mapait na wika ni Deanna bago tuluyang pumasok sa kotse ni Luigi

The Queen meets The Setter - Book I ( Jema Galanza, Deanna Wong )Where stories live. Discover now