JeDean XVIII

14.7K 299 0
                                    

Serve! Dig! Set ! Toss! Spike! Block!

Kasalukuyang nag trraining ngayon si Jema kasama ng Creamline players, na bagong team niya

" Prftttttttttt...... 5 minutes water break " sabi ni Coach Tai

Pagkarinig ng mga players sa pito at sinabi ni Coach Tai, ay sumalampak ng upo ang mga  ito sa sahig

" kamusta na si Deanna Ji? " Tanong ni Alyssa sa katabi nitong si Jia na umiinom ng tubig

Narinig ni Jema na tungkol kay Deanna ang pinaguusapan nila , as much as possible ayaw niyang makarinig ng kahit anong kwento tungkol kay Deanna dahil naaapektuhan ito, kaya naisipan niyang tumayo at maglakad palayo kina Jia at Alyssa nang marinig niya ang sagot ni Jia

" as usual sa Dorm pa rin at nagpapagaling  after syang ma hospital last monday. She lost consciousness daw eh in the middle of the punishment na binigay sa kanya ni Maddie. pero the same day she was released from the hospital and was advised to rest in the dorm. kaya 4 days na sya locked in sa dorm " pagkwento nya kay Alyssa

" Ano ba kasi nangyari? kilala ko si Deanna, she's a responsible player hindi yun nagpapabaya sa training or even in school, bakit binigyan siya ng punishment ni Maddie? " curios na tanong naman ng katabi

" sabi ni Madz in the middle of the night lumabas daw si Deanna, at morning na nakauwi... knowing Deanna she hates to break the rule, she's the obedient one, kaya nga nagulat ako sa kwento ni Bea sa phone kagabi na umuwi daw si Deanna na tulog sa car ni Luigi. who knows kung san sila nanggaling at kung bakit nagka ganun si Deanna" kwento pa ni Jia

Hindi nakagalaw si Jema sa narinig niya, napako ang tingin niya sa nag uusap na sina Jia at Alyssa.. akala nya kinalimutan siya ni Deanna matapos ang nangyari sa apartment.. yun pala she's sick, at wala syang kaalam alam.. napagsalitaan nya pa yung isa ng masama, nasapo nito ang kanyang ulo

" Stupid ka tlaga Jema stupid.. nagkasakit pala yung bata kaya hindi siya naka reply sa mga messages mo bakit hindi mo naisip yun... Hello nabasa siya ng ulan nung gabi na yun, at ano ini expect mo na hindi siya magkakasakit? ughhhhhh!!! " galit na kausap niya sa sarili

" Prftttttttt..... 5mins. water break finish, back to training "rinig niyang sabi ni Coach Tai

wala sa training ang isip niya, kundi sa Bata na napagsalitan niya ng hindi maganda kahapon

---

Naghahanda ng almusal ang mga Lady Eagles bago pumunta sa training nila, nagsimula na silang kumain ng mapansin nila si Deanna na pababa ng hagdan, na nakabihis na ng damit pang training nila.

Umupo ito sa tabi ni Kat, kumuha siya Tinapay at sinubo yun, kumuha din siya ng bacon at itlog nagsimula na ring kumain, tahimik ang lahat, at tanging tunog lang ng kubyertos ni Deanna ang naririnig, nakatitig lang ang buong team habang kumakain ito, hindi naman pinansin ni Deanna ang tingin ng mga kasama, pinagpatuloy lang nito ang pagkain. Pagkatapos uminom ng tubig ay tumayo na ito at kinuha ang backpack niya

" Una na ako sa gym Captain " pagpaalam ni Deanna bago sinirado ang pinto ng Dorm

Pagkaalis ni Deanna, tska lang ulit sila nagpatuloy ng pagkain

" Grabe, may ibibilis pa pala si Deanna sa pagkain.. that's the fastest and quietest that i've seen in my entire life " d makapaniwalang sabi ni Ponggay

The Queen meets The Setter - Book I ( Jema Galanza, Deanna Wong )Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt