JeDean XLIII

13.3K 258 7
                                    

Shakey's

" Anong ginagawa pa natin dito B? may hinihintay ba tayo dito? " tanong ni Deanna sa katabi, kanina pa kasi sila dito nakaupo at paubos na rin ang kinakain niya.

Niyaya siyang mag date ni Jema kaya napunta sila sa restaurant na ito

" may ipapakilala ako sayo B " sagot ni Jema habang hindi maalis ang mata sa hawak na phone

Nakataas ang kilay na tiningnan niya si Jema

" Okay. nasa parking na sya " dagdag pa ni Jema sabay lapag ng phone niya sa table at ngumiti

Hindi na lang umimik si Deanna at itinuon na rin ang tingin sa sariling cellphone

" Sorry na late ako "  sabi ng boses ng lalakeng narinig ni Deanna, pero hindi niya ito pinansin at nakatutok lang sa pinapanuod niya sa phone

" B, I want you to meet Cy " pakilala ni Jema

Umangat ng tingin si Deanna at nakita niya ang lalakeng ayaw niya sanang makita

"Hi! I'm Cy " lahad ng kamay nito kay Deanna

Tiningnan muna ni Deanna si Jema bago binaling ang tingin sa lalake

" Deanna " malamig niyang pakilala at nakipag kamay dito

Napangiti si Cy at mabilis na umupo sa tabi ni Jema, tsaka nakipag usap sa babae dahilan para mabadtrip si Deanna lalo na nakikita niyang tumatawa si Jema, tapos si Cy na naman ang tatawa sabay hawak sa balikat ng girlfriend niya.

" B paubos na yung Ice Tea mo gusto mo order kita ulit? " singit ni Deanna

" wag na, si Cy na lang ang e order mo. magpadagdag ka na lang ulit ng pizza B " sagot sa kanya ni Jema at nagpatuloy sa pakikipag usap sa lalake

" ilang years ba silang hindi nagkita? kung mag usap sila  parang wala ako dito ah " nailing na kausap ni Deanna sa sarili 

Napahimas sya ng kanyang ulo, bigla na naman kasing sumakit ito

" B comfort room lang ako  " pagpapalam ni Deanna sa kasintahan

Sinenyasan lang siya ni Jema ng "okay " habang patuloy pa rin sa pakikipag usap kay Cy

Napailing na naglakad si Deanna papuntang Comfort Room, pagdating dun ay pumunta siya sa sink at naghilamos ng kanyang mukha sabay himas ng sumasakit niyang ulo

Pagkatapos ng ilang minutong paglagi sa Comfort Room ay naisipan niyang lumabas, babalik na sana siya sa table nila ng mapansin niyang hindi pa rin natatapos ang pag uusap ng dalawa, kaya imbes na bumalik ulit sa table ay dumiretso siya sa counter at binayaran ang bill nila sabay order ng pizza at ice tea na sabi ni Jema.

Lumabas na siya ng restaurant na hindi man lang napapansin ni Jema dahil busy ito kay Cy, after makalabas ay agad niyang tinawagan si Luigi.

---

" You ok? "tanong ni Luigi pagkapasok ng kaibigan sa kanyang sasakyan

" No, sumasakit yung ulo ko" daing ni Deanna

" May nangyari ba? " concern na tanong ni Luigi sa kaibigan

The Queen meets The Setter - Book I ( Jema Galanza, Deanna Wong )Where stories live. Discover now