JeDean XI

15K 324 14
                                    

" wow! nice room " puri ni Deanna ng makarating sila sa loob ng kwarto ni Jema nakayakap pa rin si Deanna sa bewang nito

" oh humiga ka na dun " utos nito sa bata

" alam mo Queen Margarett mas gusto ko na yata yung posisyon natin ngayon, parang nawala na bigla yung antok ko " at ngumisi ng nakakaloko, sabay pataas ng dalawang kilay niya

" tigilan mo ako bata, bitaw na magbabanyo pa ako " pilit na tinatanggal ni Jema ang kamay ni Deanna sa kanyang bewang

" naiihi ka na naman sa kilig " natatawang sabi ni Deanna sabay layo kay Jema

" abat...loko ka tlagang bata ka " kukurutin na sana niya ito pero agad naman itong lumayo at lumundag papuntang kama niya

Natatawa lang si Deanna sa babaeng kasama niya sa kwarto, ambilis kasi mapikon

" Bilisan mo Queen, mag ha honeymoon pa tayo " asar ni Deanna sa kanya

" Honeymoon mo mukha mo! " sabay irap sa bata at tuluyan ng pumasok sa loob ng banyo

Sa loob ay pinipigilan naman ni Jema na mapasigaw, hindi na niya kaya yung nangyayari ang gumugulo sa isip niya ng ilang araw na ay nandto sa loob ng kanyang apartment.. sa loob ng kwarto at katabi niya pa matulog ngayong gabi.

Huminga muna siya ng malalim bago maisipang lumabas ng banyo

Nadatnan naman niyang nakahiga si Deanna sa mismong gitna ng kama niya

" aba ang bata, at tlagang sinakop na niya ang buong kama ko " kausap nito sa sarili

" Bata usog ka nga dun sa kanan dito ako sa kaliwa " utos niya dito, at agad namang gumalaw si Deanna

Humiga na si Jema sa kaliwa habang nakatalikod ito kay Deanna ngayon

" Bata " mahinang tawag ni Jema

Pero hindisumagot ang katabi

" bata uy.. gising ka pa ba? " Tanong ni Jema

" Ano yun Ate? " sagot ni Deanna na nakapikit na ang mga mata

" Ate mo mukha mo! "

Narinig niyang mahinang tawa ni Deanna

"wag mo ng uulitin yun ha? "

" Ang alin? " tanong ng isa

" lalabas ka sa gabi, delikado yun "

" concern ka?" nakangiting tanong ni Deanna

" malamang,, bata kapa ehh "

" Depende... "

" depende saan? " kunot noong tanong ni Jema

" kung magpapayakap ka sakin ngayon baka sakaling hindi ko na gawin yun ginawa ko kanina "

" pano pag ayaw ko? "

" gabi gabi akong pupunta dto ng dis oras ng gabi kakalampagin ko yang gate mo " natatawang wika ni Deanna

" subukan mo lang" banta ni Jema

" gagawin ko tlaga yun, you know me Margarett "

Hinarap nito si Deanna at sinamaan ito ng tingin, pero nakapikit na pala ang mga mata nito

" your hand Queen " nakapikit pa rin ang mga matang nagsasalita si Deanna at tinaas ang kaliwang kamay niya sa ere

Hinawakan naman ito ni Jema

" halika kna nga dto, matutulog na nga lang tayo mag aaway pa tayo " hinila siya ni Deanna, dahilan para tuluyang mapahiga si Jema sa tabi ni Deanna

" wag kang mag alala d ko na gagawin yun " malambing na sabi ng bata

Magkalapit ang mukha nilang dalawa ngayon, at naaamoy nito ang mabangong hininga ni Deanna

" tlaga d kna lalabas ng dis oras ng gabi? " tanong nito sa batang nakayakap sa kanya

" hmm "

" Promise? " nakatingin pa rin ito sa nakapikit na si Deanna

" Oo nga " sagot naman ng isa

" basta sinabi mo yan ha " parang batang sabi ni Jema

" oo na nga, tulog na tayo "

" Goodnight Bata " sabi ni Jema bago ipinikit ang mga mata nito

Napangiti si Deanna sa narinig niya at minulat ang kanyang mata, nakapikit na ang mga mata ng babaeng kaharap niya ngayon

" Goodnight My Queen " at hinalikan ito sa noo, bago tuluyang pinikit ang mga mata para matulog

The Queen meets The Setter - Book I ( Jema Galanza, Deanna Wong )Where stories live. Discover now