JeDean XXV

15.9K 318 12
                                    

Nang makabit na ni Jema ang seatbelt ni Deanna, ay nagpasalamat ito sa guard na tumulong sa kanya para mabuhat si Deanna papasok sa kotse niya

Umikot si Jema sa driver seat at kinabit ang seatbelt sa kanyang sarili bago pinaandar ang kotse, pauwi sa apartment.

Pagdating sa apartment ay bumusina ito, maya maya naman ay bumukas ang gate at tuluyan ng pinapasok ni Jema sa loob ang sasakyan

" Ginabi ka na Jem " bungad ni Mafe sa kanya ng makita siya nito

Pinatay ni Jema ang makina ng kotse nito inunlock ang seatbelt at lumabas ng sasakayan, umikot ito sa passenger seat kung saan natutulog si Deanna, binuksan niya ang pintuan ng kotse at inunlock ang seatbelt ni Bata

"Mafe pakitulungan mo nga ako, dalhin natin siya sa kwarto ko " utos ni Jema sa kapatid

" hala sino ba yan Jem? wag mong sabhin nangingidnap ka na ngayon ng mga babae? " takang tanong ni Mafe

" wala ng maraming tanong, bilisan mo na kasi " wika ni Jema

Pinagtulungan nilang buhatin si Deanna paakyat sa kwarto ni Jema at nang mahiga na nila sa kama si Deanna ay bigla namilog ang mga mata ni Mafe ng makilala niya sng mukha ng babaeng nakahiga sa kama ng kanyang kapatid

" OMG!!! Si Deanna Wong yan dba Jem? " hysterical na sabi ni Mafe

" Yang bunganga mo nga Mafe pakihinaan mo nga " saway ng kapatid niya, habang hinububad ni Jema ang suot na sapatos ni Deanna

" Teka bat ba magkasama kayo? magkakilala kayo? " curious na tanong ni Mafe

"Bukas ka na nga lang magtanong, lumabas kana bilis " tulak nito sa kapatid

" Jem ipakilala mo sa kanya ha? tas magpapa picture ako " kinikilig na wika niya kay Jema

" Ano ba? tumigil ka nga! "

" sige na Jem, please! please! " pagmamakaawa nito sa kapatid

" Oo na bukas pagising niya, pero sya tanungin mo hindi ako, matulog kna bye! " sabay sirado ng pinto

Hinarap naman ni Jema ang ngayo'y nakahigang si Deanna

" Ano ba tong pinasok ko " iiling iling na sabi ni Jema sa sarili

Niligpit niya ang sapatos na hinubad niya kay Deanna kanina pagkatapos kumuha ng bimpo at palanggana na may lamang tubig sa banyo, tsaka nilagay ito sa gilid ng kama niya kung san malapit kay Deanna.

Hinubad niya muna ang suot na jacket nito at naiwan ang tshirt na panloob, bago simulang punasan ang mukha ni Deanna. at habang pinupunasan nito mukha ng babae ay madalas dumadako ang paningin ni Jema sa lips ni Bata dahilan para maalala naman niya ang nangyari kanina sa videoke room kung saan dumapo ang labi ni Deanna sa kanyang leeg, kaya kung ano anong kahalayan naman ang pumapasok sa isip niya ngayon.

Minabuti nyang iniwas ang tingin sa labi ng bata, at niligpit ang ginamit niyang bimpo at palanggana.

Nang biglang narinig nya ang mahinang pag ungol ni Deanna.

" where am i? " nakangiwi nyang tanong habang nakahawak ang kanyang kamay sa kanyang ulo.

" Nandito ka sa apartment ko, hindi na kita inuwi sa Dorm nyo kasi gabi at amoy alak ka " sagot ni Jema

Nang biglang...

" hmmp! hmpp! "

"bakit ano nangyayari ? " natatarantang tanong ni Jema nang biglang bumangon si Deanna at biglang tinakpan ang sariling bibig

The Queen meets The Setter - Book I ( Jema Galanza, Deanna Wong )Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang