JeDean XXXIV

14.5K 285 6
                                    

Nasa labas sila ngayon at naisipan nilang maglakad lakad muna bago tuluyang umuwi

" I didn't know that Ate Maddie, she's into girls " sabi ni Deanna habang kumakain ito ng hawak na ice cream na nakalagay sa cone

" hindi nyo ba napapansin? " tanong naman ni Jema na katulad din ni Deanna ay kumakain din ng Ice Cream

" hindi ko naman napapansin kasi, babaeng babae naman sya magdamit, marami nga suitors ehh.. ohh well baka ako lang yung hindi nakapansin " kibit balikat na sagot ni Deanna

" kawawa naman siya " may simpatyang wika ni Jema. Nakita niya kanina ang mukha ni Maddie, habang nakatingin sa kanilang dalawa ni Deanna, halatang malungkot ito

" Oo nga eh, hopefully hindi mangyari satin ang nangyari sa kanya " sabi naman ni Deanna sa katabi

Tumaas bigla kilay ni Jema

" eh bakit naman sinisingit mo yung tayo, eh wala namang tayo " masungit na sabi niya

" Soon...  maghintay ka " confident na sagot ni Deanna

" parang sigurado ka tlaga ahhh.. " parang naghahamon na wika ni Jema

" yes, sigurado naman tlaga ako sayo, kasi ipaglalaban talaga kita " sabi ni Deanna sabay tapon ng tingin kay Jema bago binalik ang atensyon sa kinakain nitong Ice Cream

Napahinto sa paglalakad si Jema sa paglalakad, tama ba yung narinig ko? ipaglalaban niya ako?  "  tanong ni Jema sa sarili, nakatingin siya sa babaeng nasa unahan niya na patuloy pa rin sa paglalakad, at busy sa pagkain ng ice cream. Napapailing siya sa nararamdaman niya sa batang to, kahit salita lang nito ang lakas na ng epekto sa kanya

Nangingiting binilisan ni Jema ang paglalakad hanggang sa mahabol nya si Deanna sabay hinawakan ang kamay nito na ikinagulat naman ng huli

Magsasalita pa sana si Deanna nang bigla syang hinalikan ni Jema dahilan para mahinto ito sa paglalakad at sa pagkain ng Ice Cream

" Hinalikan mo na naman ako " wala sa sariling wika ni Deanna

" bakit? masama ba? "

Dinilaan ni Deanna ang sariling labi

" bat ganun mas masarap pa lasa ng kiss mo sa kinakain na Ice Cream ko? " takang tanong ni Deanna kay Jema

Naiiling na natatawa naman si Jema sa sinabi ng bata

" Ewan ko sayo Wong ang dami mo tlagang alam na bata ka " at nauna ng lakad pabalik sa kotse nila.

The Queen meets The Setter - Book I ( Jema Galanza, Deanna Wong )Where stories live. Discover now