JeDean XII

15K 311 4
                                    

Nagising si Jema nang marinig ang pag alarm ng kanyang cp, may training ito mamaya, tiningnan niya ang kanyang katabi, pero wala na ito sa higaan niya, at tanging naiwan ay ang unan na ginamit nito kagabi at nakatuping papel, nakakunot noong kinuha yun ni Jema at binasa

" My Queen,

Hindi na ako nakapagpaalam sayo kanina na uuwi na ako, alam ko naman kasi na puyat ka dahil sakin. hiramin ko muna tong damit mo at jacket ha? para may magamit ako pabalik ng dorm. iiwanan ko muna ang jacket ko dito, baka kasi ma miss mo ako:) tatawagan kita pag npa ayos ko na phone ko, hindi na  kasi nag on nasira ata dahil sa ulan kagabi.

Ciao!

Your Cute Girlfriend
*insert Deanna's Signature*
Ma.Deanna Izabella Alvizo Wong

Natawa si Jema sa kalokohan ni Bata, dahil may kasamang pirma pa ang sulat nito, pagkatapos basahin ay tinupi niya ito ulit at itinago sa sa cabinet, bago magsimulang mag ayos ng sarili

---

" what's goin on here? Why there's a sudden punishment? I thought Maddie was just joking last night? " tanong ni Bea ng makapasok ito sa gym

Kararating niya lang at nakita niya nga si Deanna na ginagawa ang isa sa punishment, yun ang sit up.

" pano ba naman kasi lumabas sya ng dis oras ng gabi " sagot naman ni Jho

" seriously? " d makapaniwalang tanong ni Bea

" kita mo, kahit ikaw d naniwala.. kahit nga ako B, hindi ugali ni Deanna na lumabas lalo na pag dis oras ng gabi, alam nyang delikado para sa kanya yun " dagdag pa ni Jho

" imposible kasi si Deanna, kung may isang taong pwedeng gumawa nung ganun pwede pa si Ponggay pero si Deanna? A big miracle indeed " iiling iling na sabi pa ni Bea

" narinig ko naman pangalan ko dyan " sabi ni Ponggay na kararating lang din sabay baba ng bag na dala niya

" mabuti nandito ka na, alam mo bang lumabas si Deanna kagabi? " tanong ni Jho

" Oo " walang ganang sagot ni Ponggay habang inaayos ang sapatos nito

" bakit d mo pinigilan? o d kaya sinamahan mo na lang siya at teka bakit ba siya lumabas kagabi? anong dahilan? " pag usisa ni Jho

" sira daw wifi sa dorm, that's why she was forced to go out last night. inisip niya na baka sira phone niya kasi d nga daw nagrereply ka chat nya " pag kwento ni Ponggay sa nangyari

" sino ba ka chat niya kagabi? " tanong naman ni Bea

" Hindi ko alam, hindi naman ako chismosa " sabay irap ni Ponggay

" you three, tatayo na lang ba kayo dyan at mag cchismisan? or will you train? " tanong ni Maddie

Hindi na sila kumibong tatlo at pumunta sa gitna para mag warm up

Pinuntahan naman ni Maddie si Deanna na kasalukuyang ginagawa ang punishment niya

" run laps, after that " sabi nito kay Deanna bago ito tinalikuran para puntahan ang ibang ka teammates niya

"Deanna!!!!! " sigaw nina Ponggay

Nagulat si Maddie ng sumagaw ito nang linungin niya si Deanna niya ay nakahiga na ito sa Sahig.

Tumakbo sila papunta sa kinaroroonan ng nakahigang si Deanna

" Shit! Mainit siya " sabi ni Ponggay na kasalukuyang hawak ang katawan ng babae

"Deanna wake up"

Tinatapik tapik pa nila mukha nito pero hindi ito nagigising

"Dalhin natin siya sa clinic " suggest ni Jho

" but the clinic is still closed, mamaya pa yun mag o-open " sagot naman ni Bea

" sa hospital, bilis!" utos ni Maddie

Agad namang binuhat ni Ponggay ang walang malay na si Deanna at mabilis na lumabas ng gym, at mabilis itong pinasok sa kotse ni Maddie

The Queen meets The Setter - Book I ( Jema Galanza, Deanna Wong )Where stories live. Discover now