JeDean LXVI

9.8K 194 7
                                    

" Jem tumawag si Papa punta daw sila bukas ni Mama dito and mag stay sila ng 3 days " kwento ni Mafe

" wala namang bago dun bumibisita naman sila dito " sabi ni Jema

" Ang problema Jem, hinahanap ni Papa si Ate Deanna " pagbabalita nito

" Anong sabi mo? " pagpapaulit ni Jema

" Bingi kba te? sabi ko hinahanap ni Papa si Ate Deanna " ulit ni Mafe

" Bat niya hahanapin yung Batang yun? " tanong ni Jema

" Natural te pinakilala mo ba naman bilang Girlfriend mo natural hahanapin sya ng mamanugangin nya duhh! " sabay paikot ng mata niya

" Hindi kami okay ni Deanna, sana sinabi mo para d na sila mag abala na umuwi pa dito " tamad na wika ni Jema

" sigurado kba ? kasi kung sasabhin ko kay Papa na hindi kayo okay, malamang hindi na tlaga kayo magiging okay alam mo naman yun pag alam niyang agrabyado ang prinsesa niya iinit ulo nun " pag aalala ni Mafe

Natigilan si Jema sa sinabi ni Mafe, totoo ang sinabi niya na magagalit ang tatay nila pag nalaman niya yun, ano namang klaseng dahilan ibibigay niya na hindi sila mahalata ng Papa niya

" Oh natigilan kna dyan? dba sabi ko problema to? " naiiling na wika ni Mafe

" bahala na, didiskartehan ko na lang yan pagdating nila dito " pabulong na wika ni Jema

---

A

teneo Gym

" Girls, may changes sa schedule natin, yung game natin vs BP mas napaaga siya so kailangan natin e postponed yung plano natin sa training camp " pagssimula ni Coach O

Marami ang nadismaya, sari saring komento ang binigay ng ibang players, wala namang pakialam si Deanna kung d matuloy yun, mas mabuti nga para sa kanya kasi ayaw naman talaga niyang sumama

" Kilala nyo naman yung players ng BP right? ang iba dto galing rin ng Ateneo, they have these two setters Jem Ferrer former Ateneo Player and Fehn Emnas former Adamson Player " pagpapatuloy ni Coach O

Naagaw nito ang atensyon ni Deanna, napatingin naman sina Bea sa kanya at sa kamay nito na nakayukom na, habang ang tingin ay nasa unahan

" usually hindi naman pinapapasok si Emnas sa game because they have Jem Ferrer, but this time Fehn Emnas requested to be the setter for this game vs sa team Natin " sabay tingin kay Deanna

" so if we want to win this game we should do our very best " dagdag pa ni Coach O

" we will start the training tomorrow morning, thats all for today, you can go " pagtatapos ng lalakeng Coach

Isa isang tumayo ang players at lumabas ng gym, si Deanna naman ay imbes na sumunod sa mga kasama ay tumungo ito sa direksyon ni Coach O

" Deanna you can go " sabi ni Coach O habang nag aayos ng gamit niya

Hindi nagsalita si Deanna, kaya napatingin si Coach O sa kanya, nakatitig ito sa sinulat niya pangalan sa white board

" kung about sa game, bukas pa magstart ang training natin "

" I want to win this game Coach " pursigidong sabi ni Deanna

" so anong gusto mong gawin ko? " tanong nito sa babae

" allow me to train with the volley ball boys team " seryosong sabi niya kay Coach O

" Deanna we have our own team, " pagpaalala nito sa player

" I know, but it's much better if we'll train with the boys, kahit ngayon lang just for this game "

" Hindi mo naiintindihan ang sinasabi ko, iba ang training ng lalake iba ang training nyo, ipaalala ko sayo Deanna First Day ng training nyo skin as your new Coach yung training ng boys team yung binigay ko sa inyo, anong nangyari? " pag papalaa nito sa nangyari sa kanila

" Coach I don't care! I really want to win this game " matigas na wika ni Deanna

" i'll talk to your Captain first, ayokong mag desisyon dahil sa yun ang gusto mo, you have a Team Deanna, wala pa ring kwenta kung mag ttrain ka with the boys kung hindi naman maayos yung relasyon mo sa ka teammates mo " sabay tapik sa balikat ni Deanna

" ayusin mo muna ang relasyon mo sa kanila, baka sakaling magbago isip ko" pahabol na sabi ni Coach O kay Deanna bago siya iwanan nito

The Queen meets The Setter - Book I ( Jema Galanza, Deanna Wong )Where stories live. Discover now