JeDean LXVIII

10.6K 233 6
                                    

Naghahanda ng hapunan si Jema nang marinig niya ang tunog ng doorbell sa labas, at dahil busy sa panunuod ang parents niya at si Mafe ng tv, siya na ang nag presintang magbukas ng gate

Tumambad sa kanya ang babaeng nakasuot ng kulay asul na jacket, habang natatakpan naman ang mukha ng suot nitong cap,

" gabi na " puna ni Jema sa babaeng nasa labas ng gate nila

" gusto ako makausap ng papa mo " sagot ni Deanna

" Si Papa? " takang tanong ni Jema

" Jema si Dina na ba yan? " rinig niyang tanong ng ama niya

" opo "

" papasukin mo na " wika ng papa niya

Naglakad si Deanna papasok ng apartment habang nakalagay ang magkabilang kamay sa bulsa ng suot nitong Jacket

Nang makaupo na ito sa sofa ay hindi pa rin nito tinatanggal ang suot na cap, nakita naman siya ni Chui Chui kaya agad itong tumakbo papunta sa kanya

Nagtataka si Jema bakit imbes na buhatin si Chui Chui kagaya ng lagi niyang ginagwa, ay hinayaan lang ni Deanna sa baba ang alagang aso at hinahaplos na lang ang balahibo nito

" Kumain muna tayo bago tayo mag usap " agaw pansin ng ama ni Jema, at pumunta na sa hapag kainan

Nang makaupo na silang lahat ay walang sinuman ang nag attempt na magsalita, nakatingin naman ang parents ni Jema sa katabi nitong babae

Napansin yun ni Jema kaya tiningnan niya ang katabi na hindi pla natanggal ang suot na cap

" Yung cap mo nasa harapan tayo ng pagkain " bulong niya sa katabi

Tinanggal ni Deanna ang suot na cap gamit ang kaliwang kamay nito, at nananatiling nakayuko na parang may tinatago

Nag umpisa na silang kumain matapos magdasal, nang may napansin si Jema sa katabi, sa pagkakaalam kasi ni Jema hindi kaliwete si Deanna at pag kumakain sila kanan tlaga ang ginagamit nitong kamay,

Nakikita ni Jema na nahihirapan itong kumain, kasi nalalaglag ang pagkain, sa plato niya habang ang kanang kamay niya ay nakatago pa rin sa suot na jacket nito

" hindi ka namang kaliwete bakit hindi mo gamitin right hand mo para hindi ka mahirapan kumain " sita nito sa katabi

Nananatiling tahimik lqng si Deanna

" Gamitin mo na yung kanang kamay mo, nalalaglag ang pagkain ho " dagdag pa ni Jema

Pero hindi siya pinansin ni Deanna

Hindi naman kayang tingnan ni Jema ang katabi na nahihirapan sa paghiwa ng manok na nasa plato nito gamit ang isang kamay lang

Kaya ginawa niya ay kumuha siya ng manok at hiniwa ito sa pinggan niya kumuha na rin ito ng nilutong isda ng ama at kinuhanan ng tinik, pagkatapos nun ay pinagpalit niya ang pinggan nila ni Deanna

Tiningnan naman siya nito

" Makakain ka na ng maayos niyan, ayaw mo naman kasi gamitin ang kanang kamay mo " pairap na wika ni Jema

The Queen meets The Setter - Book I ( Jema Galanza, Deanna Wong )Where stories live. Discover now