" Tatapatin na kita Dina, gusto ko magkaroon ng Apo sa inyo ni Jema " seryosong sabi ng Ama ni Jema
Nasamid naman si Deanna at napaubo nang marinig ang sinabi ng ama ng kasintahan
" may nasabi ba akong mali? " inosenteng tanong ng Papa ni Jema
" wala ho sir, mainit lang itong ininom kong tsaa " rason ni Deanna
Tumango naman ang ama ni Jema
" balik tayo sa pinag usapan natin ano nga yun ulit "
" ahhh.. G-Gusto nyo ho m-magka apo kay Jema? " nauutal na sabi ni Deanna
" Tama yun nga, ano sa tingin mo? " tanong niya pa ulit
Napakagat labi si Deanna
" S-Sir bata pa ho kami, at hindi ko pa po n-naiisip ang mga bagay na yan " kinakabahan sagot nya
" wala ka bang plano sa anak ko? " biglang tanong nito
" meron ho Sir, pero pagdating sa usapang anak parang yung dapat na tanungin nyo ho nyan anak nyo po " sabi ni Deanna
" Ahh ganun ba? teka nga lang " at tinawag ang anak
" Jema halika nga rito " tawag ng Papa niya
Namilog ang mata ni Deanna, at mas kinabahan siya ng makita si Jema na paparating
" Ano yun Papa? " tanong ng kararating lang na si Jema
" Tinatanong ko tong si Dina, sabi niya ikaw ang dapat kong tanungin "
" Tungkol san Pa? " nagtatakang tanon ni Jema
" Sabi ko kasi gusto ko magka apo sa inyong dalawa " sabi na ama niya
Nagulat naman si Jema sa narinig, at agad napatingin kay Deanna na nag iwas ng tingin
" kaya nyo ba akong bigyan na apo na dalawa? kasi kung hindi wala na tayong dapat pag usapan dito, hindi ko papayagan ang relasyon nyong dalawa " banta pa nito kina Deanna st Jema
" Bibigyan po namin kayo Sir! "
" Bibigyan ka namin Papa ! " sabay nilang sabing dalawa
Nagkatinginan silang dalawa at sabay nag iwas ng tingin
" baka sinasabi nyo lang yan ha para mapapayag ako sa relasyon nyong dalawa " sabi pa ng Ama ni Jema
" Sir hightech na po tayo ngayon, kaya wala pong magiging problema kung gusto nyo po magkaroon ng apo " si Deanna nag ang sumagot
" Magaling, at least panatag na ang loob ko na magkakaroon ako ng apo kay Jema " at iniwan silang dalawa
Nagkatinginan pa silang dalawa at sabay natawa
" Pasensyahan mo na si Papa Bib " hingi ng paumnhin sa kasintahan
" Okay lang " sagot naman ni Deanna
" wag mo na masyadong isipin yung sinasabi niyang apo sabik kasi sa bata yun " dagdag pa ni Jema
" Bakit kung sakali ayaw mo ba? " tanong ni Deanna
" Seryoso kba sa tanong mo? " nakataas kilay natanong ni Jema
" Tanong lang halimbawa lang " kaswal na sabi ni Deanna
" sympre gusto ko magkaroon ng Mini Deanna Wong at Mini me dba? sino bang ayaw magkaroon ng anak" nangingiting sabi ni Jema
Inakbayan ni Deanna ang babae
" Pagplanuhan natin yan ng mabuti Bib, pag iipunan ko yan, sa ngayon ako muna ang baby mo " nakangising sabi ni Deanna
" Wow napunta ka lang dito sa laguna parang nag iba na ihip ng hangin ah. " biro ni Jema
" Masaya lang ako Bib kasi sa part ng Papa mo alam na niya at medyo okay sa kanya " nakangiting sabi ni Deanna
" Kung ito lang pla ang magpapabalik sa dating ikaw na makulit, sana noon pa kita dito dinala sa laguna at pinakilala kay Papa ' sabay pisil sa pisngi ng girlfriend
" Kahit wala nga nito ehhh, babalik pa rin ako sa pagiging makulit ko, ang saya kaya magpasaya ng taong mahal mo " at ngumuso pa kay Jema
" nambola ka na naman " naiiling na sabi ni Jema sa kasintahan
" Bib pano ano sa palagay mo start na tayo gumawa ng apo para sa Papa mo? para sigurado na hindi niya tayo paghiwalayin? " makahulugang sabi ni Deanna
" ahh.. apo? kahalayan naman ang nasa utak mo, Tapusin mo muna yang pag aaral mo tsaka ko pag isipan yan " at mahinang tinapik ang balikat ng katabi
" Pag iisipan mo pa? akala ko napag desisyonan mo na okay sayo dba? " cross arm na tanong ni Deanna
" pinag iisipan ko kasi kung ako mag dadala o ikaw ba? " natatawang sabi ni Jema
Napasimangot si Deanna at niyakap sa likod si Jema
" Bib naman.. hindi ko kaya yun.. tsaka mas gusto kong makita yung Mini Jessica Margarett Galanza kesa sa Mini Me ko " napalabing sabi ni Deanna
" Gandang ganda ka talaga sakin no? " naiiling na sabi ni Jema
" Naman you're my one and only Bib " at hinalikan ang buhok ni Jema tsaka niyakap ng mahigpit
YOU ARE READING
The Queen meets The Setter - Book I ( Jema Galanza, Deanna Wong )
FanfictionLet me tell you a bed time story about how it is actually between the Setter and the Queen