JeDean LXV

10.1K 195 3
                                    

" Girls, listen magkakaroon tayo na training camp  outside manila nextweek so you better prepare yourself " sabi ni Coach O

" Coach ilang weeks po " tanong ni Dani

" 1 week lang tayo dun hindi tayo pwede magtagal lalo na may upcoming games pa tayo " sagot naman ni Coach sa kanila

Marami pang tinanong ang ibang Lady Eagles sa bago nilang Coach na ikinainis naman ni Deanna, dahilan para magtagal ang pag uusap nila

Tumayo ito at inayos ang dalang bag dahilan para tingnan siya ng buong team

" mauna na ako sa labas " bored na wika ni Deanna at nauna ng lumabas ng gym

Hindi naman siya napigilan ni Coach O alam naman niya kasi yung issue ni Deanna sa ibang Lady Eagles kaya hinayaan na lang niya ito

Plano niyang dalawin si Chui Chui kaya naisipan niyang bilhan ito ng pagkain at Laruan

---

Nagulat si Jema nang makita niya si Deanna sa labas ng gate ng Aparment niya

" bat ka nandito? " masungit na tanong ni Jema

" Dadalawin ko si Chui Chui " bored na sagot ni Deanna

Tumabi si Jema para makadaan papasok ng apartment si Deanna

Pagkapasok ni Deanna sa loob ay agad tumakbo ang alagang aso papunta sa kanya

" kamusta na ang baby namin? " malambing na tanong ni Deanna haplos sa balahibo ng alagang aso

Umupo naman si Jema at pinanuod yung dalawa

" Mommah have something for you " at nilabas ang biniling laruan para kay Chui Chui, halatang masaya ang aso kasi dinilaan niya ang pisngi ni Deanna

" ang dami pa nyang laruan dito bumili ka naman, ang gastos mo " sita ni Jema sa kanya

" bumabawi lang ako " sagot naman ni Deanna, habang pinapanuod si Chui Chui na nilalaro ang dalang laruan niya

" Magbihis ka ilalabas natin si Chui Chui " sabay tingin kay Jema

Nakataas naman ang kilay ni Jema

" pwede naman kayong maglaro dito ni Chui Chui sa loob ng bahay bat kelangan mo pa syang ilabas? " masungit na tanong niya kay Deanna

" Kelangan nya ng fresh air, kaya nagkakasakit siya dahil kinukulong mo siya dito sa loob ng bahay " paninisi sa kanya ng babae

" Hindi ko pinabbabayaan si Chui Chui, kahit pagod ako galing training inaasikaso ko pa rin siya " sagot naman ni Jema

" kelan mo ba siya huling nilabas ha? " tanong pa ni Deanna

Hindi na matandaan ni Jema kung kelan niya huling nilabas si Chui Chui, hindi na ito kumibo at umakyat na lang sa taas para magbihis. Napili niyang suottin yung bagong bili niyang spaghetti strap tank top na pinatungan niya ng Jacket, sa pang ibaba naman niya shorts shorts, at rubber shoes. Nagsuot din siya ng cap mahangin kasi sa labas

The Queen meets The Setter - Book I ( Jema Galanza, Deanna Wong )Where stories live. Discover now