JeDean XIII

15K 292 1
                                    

Nag park sila sa harapan ng Emergency sign ng hospital, agad binaba ni Ponggay si Deanna palabas ng sasakyan at pinasok sa hospital, kasama naman nito si Maddie at naghanap ng Doctor o Nurse na mag aasikaso sa kanila, Habang si Jho at Bea naman naghahanap ng mapag paparkingan ng sasakyan ni Maddie

" Nurse  pakiasikaso naman ang kaibigan namin, nahimatay siya in the middle of our training, at mainit siya " kabadong wika  ni Jho

" Dito po tayo sa loob ma'am "

Agad nilang pinasok si Deanna sa Emergency room, pagkarating sa kwarto ay agad naman itong inasikaso ng mga nurse nang bigla namang dumating ang Doctor na naka duty ng oras na yun para tingnan si Deanna

Nasa gilid naman sina Maddie at Ponggay, na kinakabahan habang nanunuod sa ginagawa ng mga Nurse

" Please be safe Deanna, please " bulong Maddie

"Ma'am, ano po history ng pasyente?" tanong ng isang Nurse kina Maddie at Ponggay

" We don't know Miss, basta na lang kasi siya nahimatay habang nasa training kami,  at ngayon lang nangyari to " kwento ni Maddie

Kaagad namang nagsulat ang nurse sa hawak nitong papel at binigay ito sa Doctor

" Tinitingnan na po sya ni Doc Mam, siguro mas mabuting sa labas na lang kayo maghintay " magalang na wika ng Nurse

" Miss magiging okay ba siya? " tanong ni Ponggay

" Hindi ko pa masabi ma'am, kasi hindi pa naman alam yung dahilan kung bakit bigla siya nawalan ng malay, inform na lang namin kayo mamaya sa kalagayan ng pasyente nyo pero for now sa labas po muna kayo maghintay " sabi ng Nurse

Kaya walang nagawa sina Ponggay at Maddie kundi lumabas, nakita naman nila sina Bea at Jho sa entrance ng hospital at naglalakad papunta sa kanila

" How's Deanna? " Tanong ni Bea

" the doctor is still observing her inside " sagot ni Ponggay

" i hope she's okay " may pag alalang sabi ni Bea

" She will  " sabi naman ni Ponggay, at hinawakan ang balikat ng kateammate

-

Nakaupo sila sa labas ng Emergency room at naghihintay sa Doctor, nang biglang nag ring phone ni Maddie

" Hello Coach " tumayo si Maddie at lumabas ng hospital para sagutin ang tawag ni Coach Thai

Naiwan naman sina Ponggay Bea at Jho na tahimik lang na nakaupo,

Pabalik na si Maddie papasok sa hospital ng saktong lumabas naman ang Doctor na tumitingin kay Deanna, binilisan niya ang paglakad ng matanaw niya ito

" Sino ang kasama ng pasyente? "

Agad namang tumayo sina Ponggay Bea at Jho ng marining ang boses ng Doctor

" Kami ho Doc " sagot ng bagong dating na si Maddie

" She's okay, physically fit naman ang kasama nyo, kaya siya mainit dahil nilalagnat siya, at kaya siya nawalan ng malay dahil sa sobrang pagod especially masama na pla ang pakiramdam niya " kwento ng Doctor

Nakahinga naman ng maluwag sina Maddie ng marinig ang sinabi ng kausap

" Thank you Doc "  sabay sabay nilang sabi

" I advise na pagpahingain nyo muna ang pasyente, para mabilis siyang maka recover, sa ngayon may mga gamot siya na dapat inumin " at binigay ang reseta sa kanila

" Pano maiwan ko na muna kayo, may mga pasyente pa akong dapat asikasuhin " pagpapaalam sa kanila ng Doctor

" thank you Doc " sabi ni Maddie

" You're Welcome, pwede nyo siyang puntahan dun sa loob " at umalis na ang doctor

" Ako na bibili ng med, at ako na rin ang bahala sa bill niya dito " sabi ni Bea at akmang aalis ng bigla siyang pinigilan ni Jho

" Samahan na kita " sabi nito at nauna ng naglakad

" Parang yun lang sinabi ni Jho na estatwa ka na dyan " biro ni Ponggay nang makita nyang natigilan si Bea

" crazy, bantayan nyo ng mabuti si Deanna " at sumunod na kay Jho

Nang makaalis ang dalawa ay pumasok na si Maddie at Ponggay at naabutan nilang inaasikaso ng Nurse si Deanna

" Thank you Miss " pagpapasalamat ni Maddie bago tuluyang lumabas ang nurse

" you're welcome po Ma'am " sagot naman ng nurse sa kanya

Nilapitan nila ang walang malay na si Deanna, nang hinakawan ni Maddie ang noo nito para e check kung mainit pa ba ito

Ngumiti siya, dahil hindi na ito mainit hindi gaya kanina

Hinubad naman ni Ponggay ang suot niyang Jacket para takpan ang katawan ni Deanna

" Kung alam ko lang na mangyayari to, sana hindi ko na pinagawa sa kanya yung punishment "

" na gi-guilty tuloy ako " malungkot na wika ni Maddie

" don't blame yourself Captain, who have thought na she's not feeling well na pla. she didn't say anything. at hindi halata kasi she's good at hiding " pagpapaintindi naman ni Ponggay

" i'm just wondering why she suddenly got sick? okay naman siya sa dinner natin  lastnight " nagtatakang tanong ni Maddie

Hindi nakakibo si Ponggay wala naman kasi siyang alam kaya anong isasagot niya sa kausap

" hhhhmmmm... hmmmmmm. " ungol ni Deanna

" Dean? " sabay hawak nilang dalawa ni Maddie sa balikat nito

Dahan dahang minulat ni Deanna ang mga mata niya at dumako ang tingin niya sa kaliwa niya at nakita ang mukha ni Maddie

" Captain, what happened? " mahinang tanong ni Deanna

" nandito ka sa Hospital, nawalan ka ng malay kanina. you made me feel guilty Dean, sana sinabi mo na masama pakiramdam mo" nakokonsensya na pagkasasabi ni Maddie

" i'm okay, sorry na pinag alala ko pa kayo "

" how are you feeling? " tanong ni Ponggay

Tumingin sya sa pinaggalingan ng boses

" you're here pala Pong, hindi kita nakita " biro ni Deanna at mahinang tumawa

" Yun nga ehh.. kanina pa ako nandito puro si Captain lang kinakausap mo " nakangusong reklamo ni Ponggay

Napailing si Deanna, pero bigla namang ngumiwi kaya nag alala sina Maddie

" okay ka lang? "

" Yes, masakit lang ang katawan ko " nakangiwing sagot ni Deanna

" pabalik na sina Jho at Bea, bumili lang sila ng med mo and inayos ang bill, after that uuwi tayo sa dorm at dun ka magpapahinga " wika ni Maddie

Tumango si Deanna bilang sagot bago pinikit ulit ang mga mata.

The Queen meets The Setter - Book I ( Jema Galanza, Deanna Wong )Where stories live. Discover now