JeDean XXVII

14.9K 304 1
                                    

Mahigpit na nakahawak ang magkabilang kamay ni Deanna sa strap ng suot nyang backpack sa likod bago niya ito tuluyang nilapag sa sahig at umupo sa sofa.

" leave us alone " utos ni Maddie sa mga teammates na nakapaligid sa kanila ni Deanna

" we are also part of the team kaya, Hello " sarkistong sagot ni Ponggay

" we'll just talk " at tiningnan ng makahulugan ang mga kasama niya

Walang nagawa ang mga ito kundi pumasok sa mga designated rooms nila. At nang makapasok na ang mga ito ay hinarap naman ni Maddie si Deanna kasalalukuyang nakaupo sa sofa

" hindi ka na naman natulog dito " malamig na wika Maddie, nakaupo siya ngayon sa sofa na inuupuan ni Deanna

" Ate Maddie-- "

" 3 times na Dean, 3 times na akong nagpapasensya. We don't know what's happening to you. Can you explain to me why? Kasi I'm confused na sa mga ginagawa mo "

" Tell me, do you sill want to be part of the team?" naguguluhang tanong  Maddie

Napakagat ng labi niya si Deanna sa tanong ni Maddie sa kanya, " gusto mo pa bang maging part ng team? " pinipigilan nitong umiyak. Ayaw na ayaw niya kasing pinapagalitan siya dahil nagiging iyakin siya

" I started to like someone " pag amin ni Deanna

" and she's a girl " kagat labi nyang sabi 

" I really don't know kung ano ito, at first I thought it was just a crush but I woke up one morning feeling different. Honestly gusto ko syang pigilan, but the more na pinipigilan ko, the more naman na may gusto akong na gawing bagay para sa kanya " emosyonal nyang kwento

" I'm sorry I couldn't stop myself from liking her " sabay iling pa ni Deanna

Nang nilapitan sya ni Maddie at hinawakan ang kamay niya

" if you notice that I'm neglecting the team, our trainings including myself, I apologize Ate. I promise na babawi ako sa inyo, pero Ate please hayaan nyo lang sana ako dito. hayaan nyo lang sana ako sa kanya, kasi dun ako masaya " pagmamakaawa ni Deanna

" Dean pagdating sa court hindi mo pwedeng unahin feelings mo towards that girl, you know that. We can use our hearts to be inspired Dean, but opposite naman nangyayari sayo. Instead of being inspired the team becomes miserable because of you " pangaral ni Maddie

Hindi nakasagot si Deanna, tahimik lang itong umiiyak

" if you still want to be with us, to be with the team, Act like One. Act as a Player. Act as True Lady Eagle. Wake up Deanna, this is your dream, right? nangyayari na ngayon pangarap mo, nasa taas ka na oh, ngayon mo pa ba bibitawan to? " pilit na pagpapaintindi sa kanya ni Maddie

" I can't lose her Ate, and I don't want to. "

" I'm Sorry " naluluhang wika ni Deanna nang humagolgol na ito ng iyak

" Fine! if you want to keep that girl, fine with me. but make sure hindi na mauulit to " pagsuko ni Maddie.

Nahihirapan siyang makita na ganito si Deanna.

Hindi siya sanay.

Nagumiti si Deanna sa narinig,pero hindi pa rin tumitigil sa pag iyak

"Wipe your tears and stop crying or else babawiin ko lahat ng sinabi ko " banta ni Maddie,kaya agad namang pinunasan ni Deanna ang luha niya.

" Thank you Ate " at niyakap si Maddie

Nang kumalas na ang yakap ni Deanna kay Maddie ay tumayo na ang huli, pero bago niya iniwan si Deanna ay may sinabi siya dito

" I want to meet her, the team wants to meet  your girl " pagkasabi nun ni Maddie, ay umalis na ito.

The Queen meets The Setter - Book I ( Jema Galanza, Deanna Wong )Where stories live. Discover now