JeDean XXIX

15.5K 338 8
                                    

Nadatnan ni Jema si Deanna sa labas ng apartment niya na naka sandal sa sariling kotse, at nang makita siya nito ay tumayo siya ng tuwid at naglakad papunta sa kanya.

" Napadalaw ka? " tanong ni Jema

" masama ba? " tanong naman ni Deanna

" ibig bang sabihin hindi kna galit? " tanong ulit ni Jema

Natawa si Deanna

" ang slow mo, sa tingin mo pupunta ako dito kung galit pa ako sayo? " sagot naman ng isa

Nagkibit balikat lang si Jema

" here, para sayo " sabay abot sa paper bag na nakatago sa likod niya

" Ano yan? " tanong ni Jema

" Kunin mo kaya muna, para malaman mo ang sagot "

" Hmp! Sungit " pabulong na sabi ni Jema sabay kuha ng paper bag na hawak ni Deanna

Pinapanuod lang ni Deanna si Jema habang tinitingnan ang laman ng paper bag na dala ni Bata.

Napangiti ito ng makita ang reaction ni Jema na parang nagulat pa ito

" So alam mo na ang laman " nangingiting sabi ni Deanna

" Para san to? " inosenteng tanong ni Jema

Kumunot ang noo ni Deanna sa tanong ng babae

" need ba lahat ng binibigay sayo may rason? " naiinis na tanong ni Deanna

" Natural, alangan namang magbibigay ka ng walang rason, baka binigay lang to ng mga fans mo o manliligaw mo sayo at dahil ayaw mong kainin binibigay mo sakin " mahabang sabi ni Jema

Hindi nakakibo si Deanna

" See, hindi ka nakapagsalita sa kanila nga galing to, ayoko nito " at binalik ang paper bag kay Deanna

" alam mo ang dumi ng isip mo, sa tingin mo ba talaga galing yan sa mga fans ko? kung magbbigay ako sayo i'll make sure ko na galing sakin, magbibigay na nga lang ako sayo sa hindi ko pa kilala manggaling? "

" masyado kang importante para bigyan ng simple lang " may inis na pagkakasabi niya sa kausap.

Si Jema naman ang hindi nakapagsalita.

" dumating parents ko yesterday from their vacation abroad, and they sent me chocolates. sabi nila i share ko daw sa taong mahal ko, kaya I share it with you " seryosong sabi ni Deanna na ngayon ay nakatitig na sa kausap

Umiwas naman si Jema, in fairness kinilig siya sa sinabi ni Deanna

" O-Okay, S-salamat dito " nauutal na sabi niya

" pwede mo rin yang e share kay Mafe, since kapatid mo rin naman siya " sabi ni Deanna

Kumunot ang noo ni Jema sa sinabi ni Deanna

" Close na kayo ng kapatid ko? " takang tanong niya

" Okay naman kapatid mo ehhh, kalog kausap... hindi kagaya ng iba dyan masungit parang laging may dalaw " kaswal na sabi ni Deanna

" ano sabi mo? " mataray na tanong ni Jema

" sabi ko ikaw na bahala kay Mafe kung gusto mong e share sa kanya ang binigay ko sayo bahala ka, total ikaw na may ari niyan.. "

" and here pa pala ticket sa game namin next week, sana makapunta kayo ni Mafe " sabay bigay ng ticket sa babae

" Okay, check ko na lang yung sched kasi baka may training kami " at tiningnan ang bigay na ticket ni Deanna

" sure, text me na lang. i have my phone back so pwede mo na ako ma contact " inform niya

" okay. "

" see you sa game Queen.. " at hinalikan si Jema sa pisngi

"Nakakadalawa ka na ngayong araw ahh " reklamo ni Jema

" bakit kulang ba? gusto mo ng isa pa? " at akmang hahalikan ulit ang babae

" subukan mo lang Deanna Wong, lalanding itong kamao ko sa mukha mo " pagbabanta ni Jema

" Ang ganda mo tlaga mapikon, " natatawang sabi ni Deanna

Inirapan lang siya ni Jema

" alam mo need ko ng pampa bwenas sa game namin, kasi ilang days din kitang hindi makikita "

" kaso ang damot mo naman " pangongonsensya ni Deanna

" ehhh sana sinabi mo ng maayos " mataray na sagot ni Jema

" bakit kapag sinabi ko ba pagbibigyan mo ako ? " hamon ni Deanna

Biglang natahimik si Jema

" Oo nga no? pagbibigyan ko ba siya? Kapag nagsabi siyang hahalikan nya ako? " tanong nito sa sarili

" you're talking to yourself again, sige na uwi na lang ako " naiiling na sabi ni Deanna

Papasok na sana sa kotse nya si Deanna biglang magsalita si Jema

"Sandali " pagpigil ni Jema

Takang nilingon sya ni Deanna

Nang biglang hinalikan ni Jema si Deanna sa lips, napasinghap naman ang huli ng maramdaman ang labi ni Jema sa labi niya

" ayan na pampa bwenas mo, dapat manalo ka sa game nyo "

Hindi makapaniwalang tiningnan ni Deanna si Jema

" you kissed me on the lips " turo ni Deanna sa sarili

" Oo hindi mo ba naramdaman? " kumunot ang noo ni Jema

" Pwede isa pa? " request ni Deanna

" Abuso ka na Wong ha, umuwi ka na nga " at agad tinalikuran ang babae

Nakangiti naman si Deanna habang sinusundan ito ng tingin.

" Gagalingan ko para sayo! " pahabol na sigaw ni Deanna sa papalayong si Jema

" damn! The Queen Kissed me " wala sa sariling wika niya sabay hawak sa labi nito

The Queen meets The Setter - Book I ( Jema Galanza, Deanna Wong )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon