JeDean XXVI

14.6K 283 2
                                    

"pwede ka ng bumaba, nandto na tayo sa dorm nyo " walang emosyon na sabi Jema matapos huminto ang kotse niya sa harapan ng gate ng dorm ni bata.

Dahan dahan namang inalis ni Deanna ang seat belt na nakakabit sa kanyang kanyang katawan at kinuha ang kanyang backpack habang si Jema ay nasa hawak naman na cellphone ang atensyon.

Nang bubuksan na sana ni Deanna ang pintuan ng passenger seat para lumabas ay bigla syang tumigil at hinarap ang babaeng nakaupo sa driver seat na busy pa rin sa kanyang cellphone.

" Thank you " pagpasalamat ni Deanna

Tumango naman si Jema bilang sagot na ang tingin pa rin ay nasa phone niya

Nang walang ano ano'y bigla syang hinalikan ni Deanna sa pisngi

Biglang natigil sa pagkalikot ng phone niya si Jema, nang maramdaman ang labi ni Deanna na dumapo sa pisngi niya

" I'll see you soon Margarett " may ngiti sa labing wika ni Deanna at tuluyan ng lumabas ng kotse ni Jema

Nakangiti itong naglakad papasok sa gate ng dorm. Habang nakikita namang sa likod niya ang nakaparadang kotse lulan si Jema na hindi pa rin nakagalaw sa ginawang paghalik sa kanya ni Deanna, sinundan ni Jema ng tingin ang batang humalik sa kanya.

Ang nag iisang bata na nakapagpakaba sa kanya ng ganito.

Sa loob ng dorm

Lutang na naglalakad si Deanna paakyat ng hagdan, pinakiramdaman nito sarili at kinapa pa nito ang kaliwang dibdib niya kung san ang kanyang puso.

Ang lakas ng kabog nito.

" give her another chance, give yourself another chance to love her, i know in the end.... it's worth it " naalala niya pang sabi ni Luigi sa kanya kagabi

" Yes. She's worth it " pikit matang sabi ni Deanna habang ang kamay niya ay nasa kaliwang didbdib niya pa rin

"Who's worth it ?"

Natauhan si Deanna ng marinig ang boses na yun, nang minulat niya ang kanyang mga mata nagulat siya na nasa harapan na siya ng pintuan ng Dorm nila

" Ma.Deanna Izabella Wong! GET. INSIDE. " nanlilisik ang mga mata ni Maddie habang nakatingin ito sa kanya

Kapag tinawag ka na sa complete name mo ni Maddie, siguradong galit na galit na ito

" You're dead Deanna " wala sa sariling sabi niya at naglakad papasok ng pintuan ng dorm kung saan nagihintay ang iba pa niyang ka teammates

" Here we go, Interrogation Time " kausap pa nito sa sarili sabay buntong hininga

The Queen meets The Setter - Book I ( Jema Galanza, Deanna Wong )Where stories live. Discover now