JeDean XX

14.8K 303 5
                                    

Nakatayo si Deanna sa gilid ng court, naghihintay siya na matapos ang set para makapasok ulit siya sa laro nang bigla siyang tinabihan ni Ponggay

" anong kailangan nya sayo ? " pag usisa ng katavj

" gusto lang makipag usap " walang ganang sagot ni Deanna, na ang tingin ay nasa mga teammates niyang naglalaro sa loob ng court.

" bakit kayo na ba? " tanong ni Ponggay

" basted nga eh " mapait na sagot ni Deanna

" weh? joke yun ehh " d naniniwalang sabi ng babae

"ayaw mong maniwala? "

" paano maba basted ang isang Deanna Wong? Paki explain nga " wika pa ni Ponggay

" dahil hindi ako mahal, okay na? " bored na sagot ni Deanna at tinalikuran si Ponggay

Kasabay nun ang pag pito ni Coach Tai hudyat na tapos na yung set, nag sign si Deanna na papasok sa next game.

---

Nang matapos sng training nina Deanna ay umayos ng tayo si Jema, isa isang dumaan sa tabi niya ang players ng Lady Eagles, ang iba binati siya at sinuklian naman niya ito ng ngiti.

Palapit siya sa kinaroroonan ni Deanna na nag aayos ng gamit nito, nakita niyang tinabihan ito ni Maddie kaya dumistansya siya. At sapat na ang distansyang yun para marinig ang pinag uusapan ng dalawa.

" don't come home late, and don't forget to take your med on time " paalala ni Maddie

"okay captain, ako na bahala " pagkatapos ayusin ang gamit ay hinarap niya ito

Tinapik naman siya ni Maddie sa balikat bago ito nagsimulang maglakad palabas ng gym. Nang makita nito si Jema na nakatayo sa isang tabi ay tinanguan niya lang ito, pero bago tuluyang nakalayo ay may sinabi pa si Maddie kay Deanna

" text me if something happens." pahabol ni Maddie at tuluyan ng lumabas ng gym.

Nang mawala na si Maddie sa paningin nila ay tsaka lang nilapitan ni Jema si Deanna na sakto namang suot na ang backpack sa kanyang likuran.

" tulungan na kita " offer ni Jema,

Nagulat si Deanna na ang bilis makarating ni Jema sa tabi niya

" Nagkasakit lang ako, hindi naman ako baldado " at nauna ng maglakad palabas

Napabuntong hininga naman si Jema at pilit pinakakalma ang sarili

" kalma Jem, kalma. kasalanan mo naman ito eh. kaya more pasensya pa sa bata " bago sumunod kay Deanna.

The Queen meets The Setter - Book I ( Jema Galanza, Deanna Wong )Where stories live. Discover now