JeDean XXVIII

15.2K 279 1
                                    

" Anong ganap Jem? " tanong ni Celine sa kasama nitong babae, nandito ngayon sa starbucks at nagkakape

" as usual ganun pa rin, goodluck pala sa game nyo " wika ni Jema

" Thank you, kinakabahan nga kami baka Ateneo pa makakalaban namin " sabi ni Celine habang kumakain ng inorder niyang  Blueberry Muffin

" Mas kabahan kayo kung kami makakalaban nyo haha " biro ni Jema

" Sorry na lang natalo kayo ng Ateneo " 

" Ganun tlaga ehhh talo... pero okay lang ganyan tlaga " kibit balikat na sabi ni Jema

" Talo? o nagpatalo?" at tiningnan ng makahulugan ang kausap na babae

" ano yang tingin mo na yan domingo ha? " nakataas na kilay na tanong ni Jema

" May gusto kbang e share sakin? " nakangising tanong nito

" wala naman, bakit may kailangan ba akong e kwento? " irap na sabi ni Jema

" May nababasa kasi akong balita na, na staredown ka daw ni Deanna Wong " sabay tingin ng nakakaloko sa kausap

" wag mong sabhin pati ikaw papatulan mong balita na yan? " masungit na tanong niya kay Celine

" pababayaan ko na sana ehh, kaso may nakita akong alam mo na picture na nagsama kayo kumain sa labas, gusto mo makita? "

Natahimik si Jema

"magkkwento kna ba? " nangingiting tanong ni Celine

" alam mo ang labo mo... wala naman dapat e kwento, kasi normal lang yung lumabas gaya natin " at inabala ang ang sarili sa pagkain

" yeah normal kung walang feelings na involved " pasaring pa ni Celine

" Feelings tlaga? "

" what do you think of Deanna Wong? " biglang tanong ni Celine

" ano namang paandar yan , tigilan mo ako " pinipilit maging seryoso ni Jema pero nangingiti ito sa twing naririnig niya ang pangalan ni Deanna

" uyy... kinikilig siya " kantyaw ni Celine sa kaibigan

" Tigilan mo nga yan, maraming nakatingin oh " saway niya sa babae

" Ano ba?  tayo lang dalawa dito walang masama sa tinatanong ko sayo... duhhhhhh except na lang kung totoo " dagdag pa ni Celine

" Okay....para matahimik ka.. Cute siya, matangkad, magaling maglaro ng volleyball, matalino, kissable lips? haha..and gusto ko yung tawa niya, yun... "  sabay inom ng kape

" okay cut " natatawang sabi ni Celine sabay pindot ng stop sa video ng  phone niya

Namilog ang mata ni Jema ng makita kung ano ginawa ni Celine

" gaga ka anong ginagawa mo? " gulat na tanong nito

" i took a video of you, habang iniisa isa mo ang katangian ng nag iisang Deanna Wong, grabe sobrang halata tlaga mare " kinikilig na sabi ni Celine

" Burahin mo yan, Celine isa! " banta ni Jema

" Okay.. okay.. I'm going to delete it but.... in one condition.. "

"Celine nman delete mo na kasi ehh... it between me and you lang kaya " parang batang pagkakasabi ni Jema

" i d-delete ko nga pero may isang kondisyon "  ulit ni Celine

" Okay ano? bilis! " naiiritang sabi ni Jema

" aminin mo munang gusto mo siya " utos nito sa kaibigan

"Ano? hindi ko siya gusto okay  " depensa naman ni Jema

"hindi iyon ang nakikita ko sa mga mata mo kanina Mareng Jema, gusto mo e play ko yung video ulit? " pambaba blackmail niya pa rito

" Celine naman ehh.. delete mo na kasi "

"Aminin mo muna kasi "

"Oo na I like Her.. masaya kna? " pag amin ni Jema

" Talaga?sabi ko na nga ba eh.. abay ako ha " tawang tawang sabi pa ni Celine

" delete mo na kaya yan, "

" Oo na, madali ka naman palang  kausap ehhh.. " at dinelete na nga ni Celine yung video

Napabuntong hininga na lang si Jema sa inasal ni Celine, na hanggang ngayon tawang tawa pa rin, napa amin tuloy sya ng wala sa oras tsk... tsk... tsk...

The Queen meets The Setter - Book I ( Jema Galanza, Deanna Wong )Where stories live. Discover now