JeDean LX

11.1K 207 1
                                    

Dorm

Nasa harapan si Deanna ng laptop niya at kanina pa siya nakatingin dito pero wala pa syang nasusulat, walang pumapasok sa isip niya. dala na siguro ng pagod sa game nila kahapon, may pasok pa siya kaninang umaga, ngayon naman tinatapos niya yung research niya sa management subject at mamayang gabi may training pa sila para sa laro nila kinabukasan, inaatake pa siya ng sakit ng ulo dahil sa stress sa dami ng iniisip

Tinawagan niya si Jema

" Bib " wika ni Deanna ng masagot ang tawag niya

" Napatawag ka bib " -Jema 

" San ka ngayon? " -Deanna

" sa bus on the way na kami sa gym training kami for tomorrow game " -Jema

" pwede palambing ng kanta? kahit isa lang Bib " -Deanna

" Jema lets go baba kna " narinig ni Deanna na tinawag si Jema ng kasamahan niya

" Bib pasensya na ha nandto na kasi kami " sabi naman ni Jema na nag aayos ng bag niya

" mabilis lang Bib, Loaded kasi ngayon utak ko, pagod pa ako sa trainings at game namin,tas ilang araw na tayong hindi nagkikita, i really want to hear you sing bib " malungkot na sabi ni Deanna

" Jema let's go ikaw na lang hinihintay" sabi ng staff ng team nina Jema

" ok nandyan na, Bib maya na lang ulit ha? " at inend ang call

Padabog na nilapag ni Deanna ang phone sa study table sabay himas ng ulo niya, may training yung Girlfriend niya siya naman ngayon sumasakit yung ulo at katawan

Pinahinga niya ang ulo sa study table at pumikit, hindi niya namalayan na nakatulog pla na sya

" Dean " tapik na nagpagising sa kanya

kunot noo itong nagmulat ng mga mata, nakatulog sya dito sa study table niya

" may training tayo ngayon, kumain kna dun sa baba ikaw na lang ang hindi pa kumakain " sabi ni Ponggay

Nag unat muna si Deanna ng katawan bago bumaba

May nakahanda ng pagkain sa lamesa, mukhang siya na lang ang hindi pa nakakain kasi nakikita nya mga ka teammates niya sa living room na nag aayos ng bag nila para sa training nila mamaya, may game naman kasi sila bukas

Tahimik na kumakain si Deanna nang magsalita si Maddie

" Dean check mo raw yung phone mo "

Nilunok muna ni Deanna ang pagkain na nasa bibig niya bago nagsalita

" sino nagsabi " tanong niya

" Jema " sagot ni Maddie

Tumango si Deanna bilang sagot

After niyang kumain naligo na sya at hinanda ang gamit para sa training nila, mamaya na lang after ng training niya tingnan ang phone nya nagmamadali na kasi yung ka teammates niya

---

" Maddie taasan mo yung kamay mo, at gamitan mo ng lakas para d makapsok yung bola pag nag bblock ka " sabi ni Coach O

The Queen meets The Setter - Book I ( Jema Galanza, Deanna Wong )Where stories live. Discover now