JeDean XL

13.6K 254 2
                                    

" kanina ka pa? " tanong ni Jema sabay halik sa lips ni Deanna

" kamusta training? " pabalik na tanong nito kay Jema

" Pagod "

Kinuna naman ni Deanna ang bag na bitbit ng kasintahan at pinasok sa back seat, minasahe niya pa ang kamay ni Jema habang dahan dahang hinihila ito papunta sa kabilang side  ng kotse

Binuksan ni Deanna ang pintuan ng passenger seat at tsaka pinapasok si Jema

" So ano? gusto mong gawin ngayon? iuwi na kita sa apartment mo o kain muna tayo sa labas? " tanong ni Deanna ng makapasok na ito sa loob ng kotse

Bigla namang sumandal si Jema sa balikat niya

" Pagod ako, kaya gusto kong umuwi pero gusto ko ring kumain sa labas dahil gutom na ako " parang batang sagot ni Jema

" so ano ba tlaga? gusto mo? " natatawang tanong ni Deanna

Nag isip muna si Jema bago nagsalita

" alam ko na.. hmmmm ipagluto mo na lang ako sa apartment " suggest nito na ikinagulat naman ni Deanna

" ahhh.. ehhh.. what if mag take out na lang tayo and dun tayo kumain sa aparment mo? much better right?" Wika niya pa at d pinahalata na kabado ito

" Mas gusto ko ng lutong bahay, sawa na ako sa luto ng restaurant tsaka gusto ko na ring matikman yung luto ng girlfriend ko " nakangusong sagot ni Jema

Napakamot sa kanyang ulo si Deanna. Halatang nagpapalambing kasi girlfriend niya sa kaniya

" take out na lang tayo kahit saan mo gusto "

" bat ba kasi ayaw mo?siguro hindi ka marunong magluto no? ano ba yan may girlfriend ka nga, hindi naman pla marunong magluto " nakasimangot na sabi ni Jema at umayos ng upo

" Haist.... Sige na sige na.. ipagluluto na kita" pagsuko ni Deanna, alam niya pag d siya pag pumayag pag aawayan lang nila to

" Yeheyy!!!! I love you! " sabay halik sa pisngi ni Deanna

" anything for you my Queen.." pilit ngiting sabi niya

" tayo na dba? so dapat hindi na Queen tawag mo sakin... dapat may endearment tayo " wika ni Jema

Kunot noo naman siyang tiningnan ni Deanna

" ano ba gusto mo? Honey, Love, Mine, Kisses Babe, Sweety Pie, Honey Pie, Pizza pie, Egg Pie, Popeyes..." natigil sa pagsalita si Deanna ng hampasin sya sa balikat ni Jema

"Ouch! ang sakit nun ahh.. anong akala mo sa balikat ko bola? alam ko na malakas kang pumalo hindi mo na kailangan iparamdam sakin " sabay hawak ng balikat niyang pinalo ng girlfriend nya

" pano naman kasi kung ano ano pinagsasabi mo may Pizza Pie, Popeyes, at Egg Pie, ka pang nalalaman anong akala mo sakin Pagkain? " masungit na tanong ni Jema

" ehhh puro kabaduyan naman kasi ehhh.. mas gusto ko na Queen yung tawag ko sayo kasi ikaw yung Reyna ng buhay ko " at kinindatan ito

" Sige bumanat ka pa " nakataas kilay na wika ni Jema

" Sige na, sabihin mo na kung ano ba gusto mong endearment natin, para hindi ka na magsungit dyan " pagsuko ni Deanna

Nag isip muna si Jema, maya maya ay bigla itong napangiti

" pwede na yung B, BB, Bib, Baby! pili ka na lang sa apat " nakangiting sabi ni Jema

" ehh parehas namang nag start sa letter B yan ehh" reklamo ni Deanna at napangiwi

" Ei....... basta pumili kna kasi " ungot ni Jema

" bahala ka dyan kung ano gusto mong endearment natin, B, BB, Bib, Baby kung ano pang B parehas lang namang may Letter B basta wag lang Baboy ha " kaswal na sabi ni Deanna

Bigla namang natawa si Jema sa sinabi ng Girlfriend niya

" Ang cute cute tlaga ng Baby ko, pahalik nga B! "at hinalikan ang lips ni Deanna

" Galawan mo Queen iba ah, gusto mo lang pala mahalikan ako sana sinabi mo pa kanina, magpapahalik naman ako sayo, dami pang intro " natatawang sabi nya

" Loko! halika na nga umuwi na tayo para mkaluto ka na " akay nito sa kasintahan

" Hindi ba tlaga mag babago isip mo B? " paniniguro ni Deanna

" Hindi.. magluluto ka ngayon and thats final., " sabay irap ni Jema

Napailing si Deanna, bago pinaandar ang kotse palabas ng parking lot

"pano ko ba sasabhin sa kanya na ni minsan hindi ko pa na try magluto?????? Oo masarap akong kumain pero hindi ako masarap magluto as in wala talaga akong alam.. Sanay ako na ako yung pinagluluto, kahit sa dorm yung tanging ambag ko nga lang dun is taga kain at taga bili ng ingredients, tapos biglang ganito? ??? hirap magka girlfriend ng maganda talagang mapapasubo ka... haist! bahala na mamaya.." kausap ni Deanna sa sarili,

Binalingan niya ng tingin ang kasintahan na kasalukuyang nakatulog na marahil sa pagod, bago tuluyang nag focus sa pag drive.

The Queen meets The Setter - Book I ( Jema Galanza, Deanna Wong )Where stories live. Discover now