Chapter 1 - It's me Danika

12.9K 211 8
                                    

- DANIKA -

It's been two years already when nika had decided to leave us. Ang sakit sakit kaya ng loob ko dahil mas pinili ni nika si riley over us, hindi ko lang pinakita sa kapatid ko dahil I know how she really loves riley and how she really mean to her.

That's why I've decided na rin na umalis sa house namin at sumunod kay donthy (dawnthee) sa france pero ito namang si dad pinapauwi na ako. I told him na ayaw ko nga dahil wala naman nga akong kasama dun. Sagutin ba naman ako ni dad na '' anong tingin mo sa amin?? '' hay napatigil na lang ako, total I'm not gonna win against him.

So now here I am nasa private plane at pinasundo ako at baka daw tumakas pa ako.

Kainis! grrrr........

'' seniorita do you want something? '' tinanggal ko ang takip ko sa mata at tiningnan ng masama ang babaeng umistorbo sa pananahimik ko.

'' No! and please shoooo don't come near me. I'll call you when I need you okay??? '' I gestured her to go at tinaasan ko siya ng kilay. Asar eh, nag mo- moment pa ako.

'' I...I apologise '' nautal nitong sagot sa akin at dali daling umalis sa harap ko.

Ibinalik ko ang color pink kong takip sa mata at bumalik sa pag momoment aka sleeping.

After long hours of flying finally nakarating din kami sa New York City. I instantly wear my sunglasses kahit medyo madilim na at agad bumaba ng plane.

'' hey you! '' tawag ko sa lalaki na may dala ng 5 luggages ko.

'' yes mam? ''

'' take care of them. I don't want to find any scratches there, even a bit okay? '' tumango lang yung lalaki kaya inulit ko.

'' do you fully understand? ''

'' y...yes mam danika '' okay na sana eh ang kaso mali ang pag pronounce ng name ko. Tinawag ko ito ulit.

'' pssst!! '' pinalapit ko siya gamit ang daliri ko habang yung isa kong kamay ay nakahawak sa bewang ko, lumapit naman ito ulit.

'' mam??? ''

'' say it again!! '' utos ko, mukha naman itong tanga na parang hindi alam ang tinutukoy ko.

'' what will I repeat mam? ''

Nagpalatak ako '' tsk, my name '' medyo naiinis na ako ha, pagod na nga sa pag travel may tatanga tanga pa akong nakasalubong na mali magpronounce ng name ko.

'' danika '' mabagal niyang sagot

Umiling ako '' no my name MUST BE  pronounce like this '' binagalan ko para ma gets niya.

'' DHAW - NI - KAH, it's like having a silent H, okay got it??? '' tumango naman ito at inulit. Nakatingin na rin sa amin ang ibang mga kasama nito.

'' DHA - NI- KAH ''

'' tsk! a bit fine but not that good, repeat and pronounce it like it has a letter W after the letter A of my name's first two letters '' mukhang dumugo yung ilong ng kausap ko dun ah.

'' okay I'll try '' sabi nito na nakahawak na sa tagiliran niya ang dalawa nitong kamay.

'' don't try do it ''

'' DHAW - NI - KAH! ''

''  good finally gosh, you can go now '' at hindi ito nag aksaya ng panahon at tumakbong palayo sa akin.

Sa hindi kalayuan naman ay nakita ko na si mom na nakangiti at kumakaway. Dali dali akong naglakad papunta sa kanya.

'' mom!!! '' saad ko at yumakap ako.

'' baby I missed you so much, lalo kang gumanda ha ''

'' I missed you too and ofcourse mom from whom would I inherit this kind of beauty syempre sayo.  '' kumalas na kami sa pagkakayakap and kissed her cheek.

'' bolera! '' sabi ni mom and I just chuckle.

'' let's go? your dad is waiting for you '' tumango ako and we went out going to the waiting car outside.

-----------------------

'' iha give your dad a big hug '' sabi agad ni dad pagkakita sa akin. Ngumiti naman ako at patakbong yumakap sa kanya.

Namiss ko rin naman silang dalawa yun nga lang hindi itong bahay, nakakalungkot na kasi dati rati kapag umuuwi ako palaging nandito si nika ngayon wala na......totoo nga ang kasabihan na aanhin mo ang malaki at malapalasyong bahay kung ang nakatira naman ay kwago.

Pero hindi ko naman sinabing kwago si mom and dad basta you know what I mean. hmmmm......

'' I miss you dad '' sabi ko at mas lalo pa ako nitong niyakap.

'' Hay namiss din kita baby, kumusta ang travel? '' we untangled ourselves from the embrace.

'' hmmm tiring '' tipid kong saad

'' balita ko naging teacher ka na naman daw sa airport? kawawa naman yung tao anak ''

Napacrossed arms ako '' eh kasi naman dad hindi niya mapronounce ng tama ang name ko like duh!!!!! '' umirap ako.

Natawa lang naman ang parents ko, alam naman kasi nilang ganito ako especially sa tatanga tangang hindi marunong bigkasin ng tama ang DHAW-NI-KAH!  tsk!!! stupid!!!!!!

'' sige na tama na, umakyat ka na sa taas at magpahinga muna, later bumaba ka para sa dinner okay?? ''

'' sure dad, akyat muna po ako at ma beauty rest '' I kissed my dad's cheek at pumanhik na pataas.

Nasa gitna na ako ng hagdanan ng lumingon ako pabalik.

'' ahm mom sa kwarto ako ni nika matutulog ha! ''

'' bakit naman dun anak may sarili ka namang kwarto, hindi mo ba yun namiss??? '' hindi naman umiimik si dad sa katabi ni mom, galit pa rin kasi ito sa anak niyang panganay.

'' namiss pero mas miss ko si nika '' sweet kong pakasabi.

Napangiti na lang si mom '' okay do whatever you want ''

'' thanks mom '' at tumakbo na ako papunta sa safe haven ko - ang kwarto ng kapatid ko.

-----------------------------------------------

Here it is, chapter 1 of Danalita's Lovequarrel Story.

I hope you find this teaser interesting. Si danika muna for now but i'll post Ana later.

Send me your thoughts about this one.

Sana magustuhan niyo rin ito!

THE MAXINE SISTERS SERIES (DANIKA ELLISE) GXG STORY - WHEN YOU AND I COLLIDEWhere stories live. Discover now