Chapter 24 - The harder I fall

6K 165 2
                                    

- ANA -

Later that day nag gayak na kami ni danika para puntahan si aunt Nida, panganay siyang kapatid ni mom at may 3 itong anak. Si Mely ang panganay sa magkakapatid nasa Germany at dun na nakapangasawa, si Niko ang pangalawa na tinutulungan sina aunt sa maliit na negosyo nila at si Gab ang bunso at ang kaclose ko sa lahat, same age kami pero nag stop muna sa pag aaral dahil tinatamad daw siya.

'' love maglalakad lang ba tayo? '' tanong sa akin ni danika, hindi pa man lang ako nakakasagot ay nakasimangot na ito, hate kasi niya ang maglakad.

'' yes pero may choices ka naman love. It's either sumama ka o maiwan ka sa bahay '' ngumisi ako.

'' Parang hindi naman yun options love, can I go with you then and drive your car? '' pilit niya pa rin. Umiling ako.

'' It's not going to happen ''

'' pero love naman '' ungot pa rin nito.

'' malapit lang naman yun love at ayaw mo nun makakapag sight seeing ka pa ''

'' hmmmm sige na nga  ''

Lumapit na siya sa akin and grab my hand.

'' let's walk hand in hand '' ngumiti siya sa akin at gumanti rin naman ako.

Ilang saglit pa ay narating na rin namin ang bahay ng aunt ko. Bukas naman ang pinto nito kaya dumiretso na kami sa loob. Nabungaran naman namin sa living room si Gab na pwerte ang pagkakaupo at may kausap ito si Matthew.

'' Ana oh my gosh kelan ka pa dumating? '' tumayo ito at yumakap sa akin.

'' kanina lang busy sa UNI eh kaya hindi na rin ako nakakauwi dito '' sagot ko naman.

Bigla naman binaling ni gab ang atensyon niya kay matthew na kanina pa nakatingin sa akin.

Boyfriend ko si matthew nung highschool, tumagal din ang relasyon namin for 4 years at naghiwalay lang kami after couple of months after the graduation dahil feeling ko hindi na ito nag wowork out.

'' ana kilala mo pa ba si matthew??? your matthew?? '' makahulugang saad ni gab,  tumayo si matthew at lumapit sa akin, naramdaman ko naman ang pag stiff ng katawan ni danika sa likod ko.

'' h...hi Ana '' nauutal pa nitong pagbati sa akin.

'' Hi kumusta ka na? ''

Napahawak ito sa batok niya bago sumagot, medyo mahiyain pa rin ito gaya ng dati.

'' okay naman ikaw? ''

'' I'm perfectly fine, anyway I wan't you to meet my friend Danika and danika this is my cousin gab and matthew '' pagpapakilala ko para mawala ang awkwardness na nararamdaman ko.

Napatulalang lalo ang pinsan kong si Gab at halatang halata na parang interasado ito sa girlfriend ko.

hmmm...gab ha!

'' hello please to meet you both '' sosyal na sabi ni danika. Nakipagkamay yung dalawa.

'' Ana??? '' lumingon ako, si aunt Nida.

'' Aunt!!! ''  bulalas ko sabay lapit sa tita ko. Yinakap ko siya.

'' Namiss kita anak ''

'' ako rin po aunt Nida ''

Naging pangalawang nanay ko na si aunt nida kapag wala kasi ang parents ko dati ay sakanila ako iniiwan at ipinagkakatiwala kaya napalapit naman talaga ang loob ko sa kanila.

'' ahm aunt I want you to meet my friend Danika ''

Lumapit si danika at niyakap ang tita ko.

'' nice meeting you po '' at ngumiti ito.

THE MAXINE SISTERS SERIES (DANIKA ELLISE) GXG STORY - WHEN YOU AND I COLLIDEWhere stories live. Discover now