Chapter 31 - The Pressure

5.1K 133 1
                                    

- DANIKA -

Umuwi muna ako sa bahay at nagtatampo na si mom sa akin. Simula raw ng nag dorm ako ay hindi ko na naisipan pang umuwi uwi ng bahay. Ano naman daw ang sense ng pag papauwi nila sa akin from France kung once every two months lang nila ako nakikita. Ang oa naman ni mom twice naman kaya hindi naman once hmmmm.

And masisisi ba naman nila ako kung ayaw ko mag stay dito sa bahay. Kapag nandito kasi ako mas lalo kong namimiss si nika at donthy. hay!

I parked my car sa garage namin at dumiretso na sa loob ng bahay. Binati naman ako kaagad ng mga katulong namin. I smiled at them.

'' mom I'm home! '' sigaw ko, naexcite rin naman ako bigla na makita ang parents ko.

Maya maya ay lumabas na si mom from the kitchen - nagluluto na naman ito panigurado, hilig niya rin kasi magluto kahit busy ito sa business, she makes time for cooking.

'' iha!!! '' sigaw rin nito over excitement at dali daling naglakad towards my direction. Sinalubong ko naman si mom.

Niyakap niya ako ng mahigpit na halos hindi na ako makahinga.

'' miss na miss na kita anak!!! ''

'' ako rin po mom '' hinalikan ko siya sa pisngi.

'' nasan po si dad? '' Kumalas na kami sa pagkakayakap at naglakad papuntang living room. Pero bago yun ay tinawag niya muna si debra.

'' debra ikaw na ang magpatuloy ng niluluto ko ''

'' okay po mam '' sagot naman ni debra at dumiretso na kami sa couch.

'' hay nasaan pa nga ba nasa company alam mo naman ang daddy mo, so kumusta ka na anak? ''

'' I'm fine mom, maganda pa rin '' ginalaw galaw ko ang nguso ko sabay cross ng legs ko.

'' good to know, the next day graduation mo na anak '' ngumiti si mom at hinawakan ang kamay ko.

'' kaya nga mom, excited na nga po ako ''

'' and I'm very proud of you anak '' sabay kiss ni mom sa cheek ko. Ito talaga si mom naglalambing na naman.

'' thank you mom ''

'' sana makarating ang dalawa mong kapatid '' dagdag pa niya.

Napabuntong hininga ako.

'' mom alam ko naman na busy si donthy and about nika. I don't think na pupunta yun siguro she's going to call me na lang alam mo na si dad '' tumango naman si mom.

'' hay I hope na matanggap na ng dad mo ang napili ni dominika. Wala namang masama eh at nakikita ko naman na they really love each other '' seryosong saad ni mom.

Natahimik ako saglit papano kaya kapag nalaman ni mom ang about sa akin? sa amin ni Ana? knowing na pareho pa kaming may boyfriend hay naku! siguro naman matatanggap niya rin kami katulad ng pagtanggap niya kay nika at riley.

Later the night ay dumating na si dad hindi na ako pinauwi ni mom, sa bahay na raw ako mag stay until graduation. Pinilit ko si mom na uuwi ako sa dorm dahil may gagawin pa ako pero hindi pa rin ito pumayag. Wala na akong nagawa kung hindi ang pumayag kahit labag ito sa aking kalooban.

Umakyat muna ako sa kwarto ni nika at nagbihis ng damit, tinawagan ko rin si ana na hindi ako makakauwi ngayon until sa day ng graduation. Narinig ko ang lungkot sa boses nito kaya nilambing lambing ko muna ang girlfriend ko and eventually pumayag rin naman, wala rin naman daw siyang magagawa atsaka mom ko na rin daw kasi ang nagrequest.

Si mom naman kasi eh!

After 30 minutes of talking with her ay nagpaalam na ako at bumaba na para saluhan ang parents ko sa dinner.

THE MAXINE SISTERS SERIES (DANIKA ELLISE) GXG STORY - WHEN YOU AND I COLLIDEWhere stories live. Discover now