Chapter 4 - Dorm mate

5.8K 158 1
                                    

- ANA -

Sabado ngayon and I had decided na ayusin na ang lahat lahat sa bago kong lilipatang dorm.

'' hay sa wakas, tapos na rin ako '' nasambit ko na lang after ng lahat nang pag a-unpacked at pag aayos ko sa loob ng kwarto ko.

Mabuti na lang pumayag ang parents ko na kunin itong dorm naawa naman siguro sa akin dahil 4 hours ang alotted time ko going back and forth sa school at sa bahay depende pa kung traffic at kung may iba pang aberya.

Malaki itong dorm at may dalawang kwarto, isang sala, bathroom, living room and kitchen. So perfect na talaga pero sabi nung may ari ay may makakasama daw ako, hindi ko lang alam kung sino.

Pero kahit sino naman okay lang huwag lang talagang si bratinelang maldita na imposible namang mangyari.

Natawa naman ako sa naisip ko, malamang imposible yun sa yaman at arte ba naman nun alangan na mag dorm yun, condominium pa pwede.

Nakahiga na ako sa kama ko at nakapikit na ang aking mga mata ng may marinig akong ingay.

Hindi ko sana papansinin dahil baka yung makakasama ko lang dito, pero the time na that person nagsalita bigla akong napamulat ng mata at napabalikwas sa kama.

Danika??

Dali dali akong pumunta sa pintuan ng kwarto ko at agad binuksan ang pinto. At kapag pinagkakaitan ka nga naman talaga ng swerte si Danika nga ang nagsasalita.

'' DANIKA!!!! '' gulat kong bulalas, napalingon naman siya at nakipagsabayan sa laki ng mata ko gawa ng pagkagulat.

- DANIKA -

Ang hiningi ko kay dad na kondisyon para pumayag akong mag aral sa N.Y.U ay ang pagsasarili ko. He asked me if sa condo. ko daw ba yung tinutukoy ko. I told him no dahil ang layo nun sa school, so saan daw ba??? Sabi ko mag do-dorm ako, nainggit kasi ako kay donthy (dawnthee) dahil nagagawa niya yung ganung bagay kaya gusto ko ring gayahin.

Gulat na gulat naman si dad at bakit daw? Hindi ko raw yun kakayanin dahil kailangan ko ng katulong para sa kusina and everything at mga boy daw para sa mga luggages ko. Eh di sabi ko magpadala na lang siya dun ang importante ay ang pag dorm ko.

Si dad talaga kung minsan hay....

Napailing na lang si dad at sumuko na, hindi talaga kasi siya mananalo sa akin. Ang gusto ko ay gusto ko. Nakuha ko man ang features ni mom, mas lamang naman sa ugali ay ang kay dad.

So nagpahanap na nga ako ng dorm, alam ko naman na mas maliit ito kesa sa condo at mas lalo na sa bahay namin pero si donthy kasi, nakakainggit kaya I wan't to try it too.

Today is saturday at sabi nila mas maganda daw na lumipat na para mafamiliarised na ng sarili ko ang mga bagay bagay dun. So sumunod na lang ako..

Dala dala ng mga katulong namin ang 6 kong malalaking luggages, nagpabili na rin ako ng mga bagong gamit para sa dorm ko like mattress, aircon, couch and carpet, even television at nadeliver na daw nila at inayos na.

Sabi ko sa kanila ayusin nila at makakatikim sila sa akin kapag nagkataon na ang pangit ng pagkagawa nila. Natakot naman kaya pinaulit ang arrangement.

tsk mga tao nga naman,hay!

Paakyat na kami ngayon sa 3rd floor dun daw kasi yung room ko. Pagkabukas pa lang ng pintuan ay natuwa naman ako dahil medyo malaki naman ito at nandun yung different parts ng bahay but to my dismay sinabi na may kasama raw ako.

'' WHAAT??? '' sumigaw talaga ako. Napatakip naman ng tenga yung parang care taker nung dorm pati na yung mga katulong namin.

'' This is not what we've discussed. I don't wan't someone to share this place with. What if that person is a bad guy or a pervert?? '' inis kong sambit at pumapadyak na rin ako.

'' I... I know mam but I am assuring you, she's not a bad person or a pervert '' nakayuko nitong sagot sa akin.

Sasagot na sana ako pero biglang bumukas ang pintuan ng kabilang kwarto at iniluwa nito ang kinaiinisan kong nilalang sa balat ng lupa.

'' DANIKA??? '' gulat na patanong na banggit niya sa name ko. Nanlaki naman mga mata ko pagkakita sa kanya.

'' YOU????? '' tinuro ko pa siya.

'' sinusundan mo ba ako??? '' tanong ko sa kanya.

'' Excuse me??? ako sinusundan ka hell no!!! '' nakapameywang na ito. Taray talaga ng babaeng ito kahit kailan.

kakagigil!!!

Nilingon ko ang matandang lalaki '' I WANT HER OUT NOW!!! '' galit kong saad.

'' m...ma'am I... I can't do that we had signed the contract already '' nanginginig nitong sagot sa akin. Pinagpapawisan na rin ito.

'' yes we signed the contract kaya kung ayaw mo at dahil ayaw din naman kitang kasama, leave this place ''

'' aba at ako ang aalis? mas madami akong gamit dito, see! '' I gestured my hand around.

Lumabas siya ng kwarto at tumapat sa akin.

'' pwes nauna naman ako dito '' she stepped her foot hard onto the floor.

Nagtitigan kami.. I wan't to slap her, nanggigil na talaga ako sa kanya pero pinigilan ko, kung matigas siya mas matigas ako.

So goodluck sa kanya.

'' seniorita we can find another place so that you can be alone '' si debra, katulong namin.

'' No debra I'll stay pakipasok na yan lahat at dito lang ako '' tinitigan ko talaga ang pangit na ito. Akala niya uurungan ko siya? well hell no as well!!!

Akala mo kung sinong maganda, makikita niya... Hmp!

THE MAXINE SISTERS SERIES (DANIKA ELLISE) GXG STORY - WHEN YOU AND I COLLIDEWhere stories live. Discover now