Chapter 16 - A day with her

6.6K 158 4
                                    

- DANIKA -

'' ana how do I look like in this dress? '' I asked her honest opinion, sa mga nakilala ko kasi si Ana yung tao na kapag hindi sayo magandang tingnan ang isang bagay ay sasabihin niya ito sayo ng tapat. Nandito kami ngayon sa mall, just checking something and pasyal pasyal around.

She glanced at me boringly habang tumitingin pa rin sa magazine. Umiling lang ito, so it means pangit. I shrugged my shoulders. Papano ba naman sa 16 na sinukat kong dress wala pang pumapasa sa kanya.

'' Ana naman niloloko mo naman ata ako, it's impossible naman na wala lang bumabagay sa akin. Ang dami ko na kayang sinukat '' reklamo ko.

'' diba you're asking my opinion so I'm giving it to you tapos ngayon magrereklamo ka? '' tinarayan naman niya ako at bumalik sa pagbuklat ng magazine.

I rolled my eyes, napagod na ako magpalit palit tapos itong si ana parang wala lang natipuhan, ganun na ba ako kapangit kung kaya't wala man lang bumabagay na damit? siguro gumaganti ito sa pagtampu tampuhan ko kaninang umaga sa pancake? ahh baka nga baliw talaga ito minsan, akala niya ha.

'' ah mam have you choose already? do you want this dress '' tukoy niya sa damit na suot ko pa. Umiling ako

'' but I'll get that '' tinuro ko yung mga mamahaling bag na nakadisplay. Siguro mga 6 din yun. Napalingon rin naman si Ana at pinandilatan ako ng mga mata.

Alam ko ng nasa isip niya, na bakit bibili pa ako eh ang dami dami ko pa sa dorm which is true at maging sa bahay nga there are tons of number pa.

Ibinitang niya ang magazine na pinagkakaabalahan niya kanina pa at lumapit sa akin.

'' Danika ang dami mo na namang binili, ilan ba ang braso at balikat mo at  kung makabili ka bulto bulto?? '' madiin niyang sabi sa akin, hay heto na naman po kami.

Hindi ko siya pinansin at tinalikuran ko lang. Ibinigay ko sa cashier ang payment ko. Kahit hindi ako nakatingin kay ana ay ramdan ko na para na namang matalim na espada ang mga tingin nito sa akin. Well sanay na mana ako.

Habang inaayos nung babae ang mga bags ay pumunta muna ako sa dressing room para magbihis, ang sama na rin kasi ng tingin nung isa pang babae sa akin, akala naman niya siguro maganda siya..hmmmm tse, atsaka kung iniisip niyang baka nakawin ko itong dress aba nagkakamali siya. I'm not a thief at kahit itong buong store nila I can buy this with my own freaking hot money noh and they can name the price!

grabe ka naman te tinitingnan ka lang naman tapos nasabihan mo ng '' akala mo maganda '' at ngayon napunta ka na sa pagbili ng store. Iba ka talaga!! tsk

Napalingon ako sa likod ko, may nagsasalita na naman eh. Akala ko may multo huhuhu o nababaliw na talaga ako?? hmmmmm.

Wiping off my silly thoughts lumabas na rin ako. I'm done with changing. Bumalik na ako kay ana na bitbit na ang mga bags at nakasambakol ang mukha. Sakto pala may free hanger siya ng mga bag, ang haba kasi ng nguso niya.

Hahaha! pangit to the max talaga to si Analita Magpantay.

'' ba't ganyan ang mukha mo? '' biro ko dito. Lumabas na kami ng store at naglalakad lakad na.

'' kailangan pa bang itanong yan? ginawa mo akong katulong sa pagpapabitbit mo sa akin ng mga ito '' asar na turan nito sa akin.

Tumawa ako ng mahina with matching patakip takip pa ng kamay sa bibig ko.

'' dapat lang naman na ikaw magbitbit ng mga yan, sayo naman yan eh ''

Bigla siyang napatigil sa paglakad at nabitawan ang isang bitbit niya, ako tuloy nagpulot. tsk!

THE MAXINE SISTERS SERIES (DANIKA ELLISE) GXG STORY - WHEN YOU AND I COLLIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon