Chapter 44 - The phone call

4.8K 140 0
                                    

- ANA -

6 months na ang nakakalipas ng pinalaya namin ang isa't isa ni danika. Hindi ko pinanuod ang kasal at kahit balita ay wala akong narinig about their where abouts. Bakit pa diba? para masaktan lang ako? hindi naman ako masokista para gawin yun at gusto ko pa rin namang mabuhay kahit papano. Kahit durog na durog na ang puso ko.

After my graduation ay umalis na ako sa city at nagpakatago tago sa lugar na kaunti ang populasyon, mabuti dito tahimik at natutulungan ako na makapag move on. Kahit anong gadgets ay nilayuan ko muna, hindi ako gumagamit dahil for sure may mahahagip akong masama at nakakasakit na balita.

Kapag tinatawagan ko ang parents ko ay telepono ang gamit ko at rumirenta lang ako para hindi nila ma detect ang number ko. Oo para akong may tinataguan, para akong isang kriminal. Pero ginagawa ko lang ito para mapangalagaan ang naghihingalo ko nang puso.

It's been 6 months pero ramdam na ramdam ko pa rin ang sakit, ang sakit na mawala sayo ang mahal mo, mali ang taong pinakamamahal mo.

I was walking near the beach ng makapa ko sa dala kong maliit na bag ang cellphone ko, ayaw ko sanang buksan but there was this voice na parang nag udyok sa akin na buksan ko daw, so I did....

Wala pa man lang isang minuto ng pagbukas ko ay bigla ng tumunog ang phone ko, tumatawag si riley.

'' analita magpantay where have you been??? ilang buwan na kitang tinatawagan akala ko nagpakamatay ka na!!!! ''

Si bes naman kakasagot ko pa lang umarangkada na naman ang pagtatatalak sa akin. Nailayo ko pa sa tenga ko ang phone ko sa lakas ng boses nito.

'' Okay naman ako bes salamat sa pagtatanong '' I rolled my eyes.

'' analita hindi ako nagbibiro ha, I was so scared na baka napano ka, pati sila tito at tita hindi ako mabigyan ng sagot. Bakit ba nawala ka bigla??? ''

'' bes alam mo naman ang sagot diyan, masisisi mo ba ako kung ayaw ko munang may malamang balita? ''

'' gaga magsisisi ka talaga sa sasabihin ko, hindi natuloy ang kasal ni danika. She ran away sa mismong kasal niya and until now  walang may alam kung nasaan siya even her entire family ''

Nagulat ako sa ibinalita ni riley, hindi nakasal si gerald at danika???

'' b...bes huwag ka magbiro ng ganyan ''

'' I'm not joking bes, kaya nga nung tumakas si danika ikaw ang una kong tinawagan dahil baka alam mo, she was searched by the authorities pero matibay itong magtago. Galit na galit ang pamilya ni gerald at ang daddy nila ''

'' pero hindi ko rin alam kung nasaan siya bes eh ''  napakagat ako sa labi ko, na i excite ako na ewan, pero 6 na buwan na ang nakakalipas hinahanap kaya ako ni danika?

'' basta bes ha ngayon alam mo na, don't let her to be alone again at huwag mo na siyang pakawalan pa kapag nagkita kayo. at mag ingat ka kung nasaan ka man ''

'' oo bes, hahanapin ko si danika... hahanapin ko ang mahal ko ''

tumawa si riley

'' go girl, oh sya bye na I love you and I miss you ''

'' bye bes mahal din kita '' we ended the call.

Naghanap ako ng mauupuan at tumingin sa news. Totoo nga laman ng balita for almost 3 months ang pagtakas ni danika sa mismong araw ng kasal nila.

The Meyer family was beyond anger dahil sa ginawa ng pangalawang anak ng pamilya Maxine - basa ko sa article.

Nagtingin tingin pa ako ng mga naging balita at pare pareho silang sinasabi. At ang pareho kong tanong sa kanila.

Nasaan si danika?

***

6 months back

- DANIKA -

Ito na yung araw na pinaka aayaw ko, ang araw na hindi ko pinakahihintay. Kung si ana lang siguro ang magiging kasama ko sa altar ay ako na ang magiging pinakamasayang tao sa buong mundo pero hindi.

Sa tugtog ng isang violin ay nagsimula na akong maglakad patungo sa lalaking bibihag sa akin sa buong buhay ko, ang lalaking kukulong sa akin sa hawla na puno ng kalungkutan at pagnanais na sana ipinaglaban ko siya kahit alam kong pareho kaming mahihirapan, dahil sa totoo? walang pinag iba ang sakit na hatid ng sitwasyon namin ngayon.

Sa masasayang mukha na aking nakikita ay anong sakit naman ng aking nadarama. At sa belong nakatakip sa aking mukha animo'y takip ng aking tunay na nadarama. Habang papalapit na ako ng papalapit ay papaubos na rin ang hangin sa aking katawan. Nakailang buntong hininga na ba ako? hindi ko na rin alam.

How I wished si ana na tunay kong mahal ang nasa dulo ng nilalakaran kong ito.

Inikot ko ang aking mga mata, wala bang nakikidalamhati sa ngayon ay pinapatay kong puso?

wala?

wala?

Inilibot ko pa ang aking paningin at nakita ko si donthy, malungkot ito. Siya lang at ako ang lubos na nakakaalam ng aking tunay na nararamdaman.

Tumitig siya sa akin at umiling, don't she mouthed me, at umiling ulit siya.

I GET IT DONTHY AT SALAMAT! ikaw at ako lang ang magkakampi sa araw na ito. I nod at her and she smiled.

I stopped at the middle of the aisle. Tinanggal ko ang pagkakahawak sa akin ni dad, at nagsalita ng patawad sa lahat bago ako tumakbo palabas ng simbahan.

I heard all of them calling out my name, pero takbo pa rin ako ng takbo hanggang sa may tumigil na sasakyan sa harapan ko.

Binuksan ng driver ang pintuan.

'' sakay na! ''

wait sino nga ba ito? bakit niya ako tinutulungan?

Though hesitation was rising in me, sumakay na ako dahil papalapit na sila. Pinaandar ng mabilis ang kotse at saka ko napagtanto that the driver was Cassandra, ang bestfriend ni donthy.

THE MAXINE SISTERS SERIES (DANIKA ELLISE) GXG STORY - WHEN YOU AND I COLLIDEOnde histórias criam vida. Descubra agora