Chapter 40 - Let's break up

5.5K 131 0
                                    

- ANA -

Yung next week na date dapat namin ni Danika ay nilangaw na naman. Hindi na naman ito natuloy sa dami niyang inaasikaso. After that horrible date sa Radiance Restaurant hindi na nawala sa isip ko ang sinabi ni moks, yung about sa pag propose niya kay danika.

Sana tumigil ang paggalaw ng araw at huwag munang dumating ang panahon na luluhod si gerald sa harapan ng mahal ko. Nalulungkot talaga ako at nayayamot kahit isipin lang ang pag say yes ni danika. Pero siguro naman hindi siya papayag diba? mahal naman ako ni danika eh, mas mahal niya ako kesa kay gerald na mokong.

Hay.

Ginumos ko na naman ang bond paper na nasa aking harapan, gumagawa kasi ako ng draft para sa totoong project namin pero sa pang 56 na pag uulit ay wala pa ring nangyayari. Nauuwi lang ako parati sa pagsusulat ng pangalan ni Danika. Nababaliw na talaga ako.

Dahil medyo nakakaramdam na ako antok ay nagpasyahan ko munang maligo para na rin mawala ang aking pagkabagot. Natawa lang ako bigla dahil nakita ko sa floor ng dorm ang nagkalat na lapirot na mga papel. Puno na rin kasi yung trashbin ko kaya sakto sa sahig  ang bagsak nung iba pang mga crumpled paper na nauwi lang sa pagka sayang.

Sinipa ko lang ang mga ito patabi at dumiretso na sa banyo. I took a quick shower then nagbihis afterwards. Nagluto at kumain, nanuod ng tv. Sinadya ko talaga munang huwag gawin yung project at nakakabagot. Dahil walang magandang palabas ay napagpasyahan kong manuod ng cartoons.

Tangled ang palabas, tawa ako ng tawa dun sa kabayo sa paghahabol nung singsing na tumalbo sa labas ng castle the day of the wedding. Tapos naiyak naman after dahil sa kanta, ano ba naman yan kahit cartoons nakakaiyak. Suminghot ako at suminghot pa ulit.

Kinuha ko ang phone ko sa gilid ng sofa, isiniksik ko talaga kasi dun at tawag ng tawag si sam at mga kaibigan ko, ayaw ko nga may makausap na iba bukod kay danika na hindi man lang ata ako naaalala.

hindi niya ako naaalala???

With that thinking napaluha na naman ako, bipolar na talaga ata ako, tatawa tapos later on iiyak. Yung nag iisa ko pang gamot ay wala busy sa trabaho kaya tingin ko matutuluyan na akong mabaliw.

I open my phone and leered at my wallpaper.....syempre si love ang nandito.
I kissed her, kahit sa phone lang okay na ako.

Stolen yan pero ang ganda niya pa rin, kabog ang ibang artista at models sa love ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Stolen yan pero ang ganda niya pa rin, kabog ang ibang artista at models sa love ko.

Pumunta ako sa gallery, sa 250 kong saved images 245 nun ay siya. Oo na ako ng masyadong inlove sa kanya.

'' I missed you '' ungot ko habang kausap ang picture nito sabay pahid ng pa isa isang patak kong luha. Hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.

-----------------------------

Naalimpungatan ako sa isang madilim na silid. Sa huli kong pagkakaalala ay nasa sofa ako pero anong ginagawa ko sa kama ko? at wait may nakayakap sa akin!!!!!

Pervert ba ito? shit hindi ko ata na i-lock ang pintuan at na rape na ata ako???

Kung ano ano ng tumatakbo sa isip ko kasabay ng mabilis na pagtibok ng aking puso. Dahan dahan akong umikot, baka magising ko itong rapist or bulgar? huhuhu sino ba ito at ang higpit ng pagkayakap sa akin?????

'' hmmmm ang galaw mo naman love ''

love???

'' love? '' bulalas ko at mabilis akong napaikot. Kahit madilim sa kwarto ay nakita ko ang mahahabang pilik mata at mapupulang labi ni danika.

Nakapikit ito at natutulog pero sa sobrang saya at excitement ko bigla ko itong hinalikan ng sobrang diin.

'' uuumphhhh '' si danika, hindi kasi siya nakahinga gawa ng halik ko.

'' love nandito ka '' tili ko, napaupo ako sa kama.

Iminulat niya ang kanyang mga mata at hinila ako pabalik sa kanyang mga bisig.

'' dito ka lang '' sabay yakap sa akin.

I heard her heart beat  napaka kalmado nito kabaliktaran nung sa akin na halos kumakaripas na kabayo ang rhythm.

'' love I can't believe this you're here ''

'' Namimiss na kasi kita love ng sobra sobra '' nakapikit na naman ito, halatang pagod na pagod sa work.

'' ako din love '' I mumbled at niyakap siya ng mahigpit.

'' alam ko. I saw my name in tons of crumpled paper on the floor and you're kissing my picture in your phone kahit tulog ka '' she chuckled sabay halik sa noo ko. Namula ako sa sinabi ni danika, nahuli niya ako sa mga kabaliwan ko.

'' but I love it, ganun din kasi ginagawa ko I am kissing you in my phone '' this time ako naman ang tumawa.

Itinaas ko ang mukha ko ng kunti para magkapantay na kami.

'' love tingin ka dito '' sabi ko sa kanya.

Iminulat niya ang mga mata niya at tumingin sa kanyang kaliwa kung nasaan ako.

I hold her cheek and traced her face.

'' I love you '' I told her with so much emotion. Ngumiti lang ito.

'' Let's break up '' sagot niya.

Napabuhat ako sa pagkakahiga at nanlaki ang aking mga mata. Feeling ko nabingi ako at tumilapon ang kaluluwa ko sa planet jupiter sa sinabi niya.

'' ANO?? LET'S BREAK UP??? NAG I LOVE YOU LANG NAMAN AKO AH!!! ''

- DANIKA -

'' ANO?? LET'S BREAK UP??? NAG I LOVE YOU LANG NAMAN AKO AH!!! ''

Ang sakit sa tenga ng sigaw ni ana, yung lakas ng bunganga niya was enough para makagising ng iba pang mga natutulog.

Napabalikwas din ito at agad akong pinalo sa braso.

'' BAKIT NAMAN MAKIKIPAGHIWALAY KA SA AKIN??? DAHIL BA NAGSINUNGALING AKO? NAG SORRY NA AKO DIBA, BAKIT NAMAN HIWALAY AGAD??? ''  naiiyak ngunit galit nitong sabi sa akin.

Hindi ko alam kung matatawa ako o matatawa o matatawa sa pinagsasasabi ni Ana.

'' Huwag kang oa analita '' mahinahon kong saad, nakahiga pa rin ako sa kama at pinagmamasdan lang ang pagiging hysterical ni ana.

'' ANONG HUWAG MAGING OA, NAKIKIPAGHIWALAY KA NA SA AKIN ALANGAN NAMANG TUMAWA PA AKO DIBA. MAHAL NAMAN TALAGA KITA LOVE. HUWAG KA NAMANG MAKIPAG BREAK!! ''  patuloy pa rin nito at may pumatak ng luha sa kanyang mukha, naramdaman ko kasi na may tumulong tubig sa braso ko.

I shoved myself up and rested my back against the headboard. Binuksan ko ang lampshade at hinila ko si ana palapit sa akin at niyakap.

'' halika nga dito, hindi naman tayo ang maghihiwalay love. Let's break up with our boyfriends ''

Pumunas siya ng kanyang luha bago sumagot.

'' kainis ka naman akala ko tayo na ang maghihiwalay, nababaliw na nga ako sa pagkamiss pa lang sayo tapos hiwalay pa kaya? '' she sobbed.

I cupped her cheeks and kissed her. Diniinan ko ang paghalik ko ng kunti para maramdaman niya na mahal na mahal ko siya. She responded.

'' are you sure? '' she asked me after the loving kiss.

'' yes. Ayaw ko ng bigyan ng false hope si gerald. He's too good para masaktan kong masyado. At ayaw ko ng itago pa ang relasyon natin Ana. I love you so much at gusto ko maging sakin ka lang at walang kaagaw kahit sinuman. ''

'' Ako rin I want you to be mine and only mine danika. I love you ''

'' Then let's break up with them ''

Ngumiti kami pareho ni Ana and the fire ignites. We make love all night.

THE MAXINE SISTERS SERIES (DANIKA ELLISE) GXG STORY - WHEN YOU AND I COLLIDEWhere stories live. Discover now