Chapter 34 - Newly Weds

5.3K 139 4
                                    

- ANA -

'' bes I'm so happy na happy na happy talaga for you and dominika '' pangatlong sabi ko na sa bestfriend ko habang umiiyak, hawak hawak ko ang kamay nito.

Nandito na kami ngayon sa venue ng reception after ng kasal nila Riley at Dominika. Kaunti lang ang naging bisita, yung magkapatid na Maxine, ako, parents ni Riley at yung bestfriend ni donthy na si Cassandra.

'' bes naman parang ikaw yung nanay ko ah kung makaiyak ka wagas, baka magselos na sayo ang magulang ko '' sagot nito pero niyakap naman ako.

'' bes naman eeee '' medyo maarte kong turan. Ngumiti naman si riley at ginaya ang eeeee ko, ganito talaga kami madalas, para na kasi kaming magkapatid kaya deadma kung umiyak at mag inarte kami sa harap ng isa't isa.

'' hindi ko kasi mapigilan bes, alam mo yun miss na miss kita ng bongga tapos ngayong nagkita tayo ay kasal mo na '' nagpalahaw pa rin ako sa pag iyak.

'' tama na nga yan masisira ang make up mo bes '' alo pa rin sa akin ni riley.

Maya maya naman ay dumating sa likod namin si danika kasunod ang kapatid nitong si dominika.

'' danika kunin mo na nga itong girlfriend mo at baka maubusan na ito ng tubig sa katawan niya sa kakaiyak '' sabay tulak sa akin ni riley papunta kay danika.

hinawakan naman ni danika ang magkabila kong braso.

'' love naman ang oa ng pag iyak mo, kinasal lang naman si riley hindi siya namatay '' sabi nito sa akin, pinalo ko nga sa braso.

'' alam mo kainis ka talaga, sige na ako ng oa, masisisi mo ba ako, feeling ko kasi ako ang nanay nito ni riley eh '' itinulak ko si danika at yumakap ulit sa bestfriend ko. Wala nga akong pakialam kung hawak hawak rin siya ni dominika na natatawa lang din naman sa inaasal ko.

Matapos kong mahimasmasan ay pinag congratulate ko rin si dominika.

'' congrats dominika, asawa mo na ang bestfriend ko. Alagaan mo yan ha kung hindi malalagot kayo sa akin ng kapatid mo '' banta ko sabay tingin kay danika na nawala kaagad ang ngisi sa mukha ng marinig niya ang banta ko.

'' love naman bakit kadamay ako? si nika na lang huwag na ako ''

'' no! kadamay ka talaga at marami ka ng kasalanan sa aking babae ka '' dinuro ko siya, nag pouty lips lang ito.

'' ha ha tama na nga kayong dalawa, ayan kaya kayo nagkagustuhan eh at para kayong aso't pusa, yun naman pala ibang away ang inatupag niyo '' si dominika, sabay tawa na naman.

Namula naman ako sa sinabi niya, oo nga away kami ng away dati ni danika tapos ngayon halos hindi na kami nito mapaghiwalay at halos gabi gabi ay naglalabing labing kami.

aaahh!! napapangiti ako.. puso puso na rin ata ang mga mata ko.

'' ay syanga pala nika bakit wala yung kambal, alam ba nila na ngayon ang kasal niyo? '' si danika, magkahawak na kami ng kamay ngayon katapat ang bagong kasal.

Si donthy naman ay kausap ang parents ni riley at si cassandra, masaya silang nagkukwentuhan.

'' I told danie dahil alam ko nga nasa pinas din yung dalawa pero hindi maka alis alis agad at may inaasikaso pa daw siya, babawi na lang daw siya sa akin kapag okay na ang lahat ''

Tumango naman si danika.

'' for sure si meghan ang inaasikaso nun '' komento ni danika sabay ngisi.

'' sino pa nga ba? inlove na masyado ang pinsan natin eh, parang tayong dalawa lang at isama mo na yung isa dun '' sabay nguso ni dominika kay donthy na nakatitig sa bestfriend niyang si cassandra habang nagsasalita.

'' lagot na wala ng magiging anak si dad '' biro ni danika at tumawa ng mahina kaming apat, nakakahiya naman kasi kung todo lakas parang hindi kasal ang pinuntahan namin hindi ba.

Nakatingin pa rin kami ni danika sa bunso nila ng tinawag bigla ni dominika ang atensyon namin.

'' anyway how about the two of you?kailan na kayo makikipaghiwalay sa mga lalaki niyo? '' seryosong saad ni dominika.

Nagkatinginan kami ng girlfriend ko.

'' Hindi pa namin alam '' sabay naming sagot habang magkahawak pa rin ang aming mga kamay.

'' bes '' mahinang tawag ni riley, tumingin ako sa kanya.

'' gawin mo ang nararapat, huwag niyo nang patagalin pa yan dahil baka sa huli kayo pang dalawa ang magkasakitan '' tumingin din si riley kay danika.

Tumango ako at ngumiti.

'' oo bes '' maikli kong sagot. Pero deep inside nabagabag rin ako.

- DANIKA -

I'm watching the newly weds having their dance at the center, ang sweet sweet nung dalawa at halos hindi maalis ni nika ang mga titig niya sa kanyang asawa.

Halatang halata sa kapatid ko ang sobrang pagmamahal niya kay riley. I'm so proud of her ang tapang niya kasi, hinarap niya si dad. Nasampal siya at itinakwil pero hindi ito nawalan ng pag - asa, hindi ito nagpatalo at lalong hindi sumuko sa ngalan ng pag ibig.

At ngayon nga heto sila having the best day of their lives at halatang halata na ang saya saya nila sa piling ng isa't isa.

Ako kaya magawa ko rin kaya ang ginawa ni nika? Mapapanindigan ko ba si Ana kung lumaki ako sa luho? dahil kapag nagkataon dad will disown me as well, papalayasin niya rin ako sa bahay at mawawala sa akin ang lahat...makakaya ko ba yun?? makakaya ko kaya?

Bigla naman akong bumalik sa aking sarili ng tinawag ako ni ana na tahimik lang palang nakamasid sa akin.

'' love you okay? '' tanong niya. Markado ang pag aalala nito sa kanyang mukha.

'' y...yes '' I forced a smile as I hold her hand that was placed on top of mine.

'' mukha kasing ang lalim ng iniisip mo eh ''

'' hindi naman, natutuwa lang ako sa bagong kasal. Look at them they're really inlove with each other '' ngumiti ako at inakbayan ko si ana na ngayon ay kumikislap na rin ang mga mata sa tuwa habang nakamasid rin sa dalawang taong nagmamahalan na sumasayaw sa saliw ng musika.

Palihim akong sumulyap kay ana at nakaramdam ako ng magkahalong saya at lungkot.

Saya dahil alam ko na at the end of the day pipiliin namin ang bawat isa over our boyfriends.

Lungkot dahil hindi ko pa sigurado kung kaya kong panindigan hanggang sa huli ang magiging desisyon ko.

Makakaya ko bang mawala sa akin ang lahat lahat kapalit ni Ana? o makakaya ko pa bang mabuhay kung mawawala siya???

Ang gulo no? tama magulo nga, kung makikita niyo lang ang loob ng isip ko, it was like you're playing a giant puzzle game that despite you're having the missing piece in your hand hindi mo ito magawang i-fit!!

How ironic... tsk!

THE MAXINE SISTERS SERIES (DANIKA ELLISE) GXG STORY - WHEN YOU AND I COLLIDEWhere stories live. Discover now