Chapter 30 - ............

5.3K 129 1
                                    

- ANA -

The Next Day

Sumulyap ako sa nagpapaka busy sa pagsusulat na si danika. Nandito kami ngayon sa library. Free time ko ngayon kaya dito ako tumambay, nakasanayan ko na rin kasi, si danika naman ay kakatapos lang ng klase at may tinatapos na lang na papers para sa isang subject nila.

Napakaseryoso nito habang nagsusulat, sa may katapat ko siya umupo kaya malaya akong napagmamasdan ang kanyang napakagandang mukha.

'' matunaw ako '' pabulong niyang sabi habang patuloy sa kanyang ginagawa.

Napangiti naman ako '' ang ganda mo kasi............ '' tumingin muna ako sa paligid kung may malapit sa distansya naming mga kapwa namin estudyante, wala naman so idinugtong ko na  ''........love ''

'' I know '' alam ko nakangiti siya kahit tutok na tutok ang mukha nito sa pagsulat at pagbasa.

Dahil wala akong magawa ay kinuha ko muna ang phone ko at tiningnan kung may nagchat ba or text sa akin. Ofcourse meron, pahuhuli ba naman si sam, binasa ko ang text niya at nag reply.

Sumunod kong tiningnan ang chat ni riley nangungumusta lang naman at namimiss na daw niya ako. I chat her back sabi ko ganun rin ako.

Then I went to write message. I typed an I love you text para sa girlfriend kong hindi ako pinapansin. hehe kidding!  pero I texted her talaga.

Mabilis na kinuha ni danika ang phone niya after tumingin sa akin. Iba kasi ang tunog ng notification at message tone ko kaya binigyan niya ng pansin kaagad agad ang phone niya.

Napakagat labi si danika para pigilan ang pag ngiti and she replied I love you as well for a zillion times. Sabay kindat nito sa akin.

Babalik na sana siya sa pagsusulat pero may naalala akong itanong.

'' love papano mo nga pala nalamang hindi ako pumapasok during the days na kasama mo si gerald? ''

'' dahil alam ko lang '' tumawa ito ng mahina.

'' seryoso nga? '' ungot ko

'' hmmmmm pag uwi ko kasi love ang kalat ng bahay especially ng kwarto ko, then I called the president who happened to be my father's friend pala so I asked him then he told me, kaya naman I covered it up for you ''

Napangiti naman ako ginawa niya talaga yun for me. Kinilig tuloy ako at natameme na lang. Alam ko naman na nagets ni danika ang pagkatahimik ko at ngumiti na lang din.

'' you're always welcome love '' banat nito at bumalik sa pagsulat after she lightly shook her head.

'' hindi pa naman ako na thank you ah ''

'' alam ko na agad love '' she chuckle. Nagsimula na naman siyang maging seryoso sa ginagawa niya.

- DANIKA -

Mabilis na lumipas ang mga araw, dalawang tulog na lang kasi ay graduation na namin. Finally I am going to be free from all the reportings and quizzes and exams, isama mo pa ang walang humpay na pakikipag debate ko sa mga prof. namin about certain topics.

Alam niyo naman I'm way too aggressive especially kapag alam ko talaga na nasa tama ako, kahit prof ko pa yan I don't care that much.

Naisip ko tuloy na baka masaya sila dahil aalis na ako sa university at mawawalan na sila ng mortal enemy. lol.

Kaakibat ng aking saya ay ang lungkot. Lungkot dahil hindi ko na makakasama madalas si Ana, kailangan ko na rin kasing umalis dito sa dorm. Mamimiss ko ang bawat sulok ng naging tahanan ko with her.

Sa bawat sulok na wala na kaming ginawa kung hindi ang maglambingan, mag away at magsagutan. Napapa ngiti na lang ako with all our memories.

'' love anong iniisip mo? '' tanong ni ana matapos niya akong yakapin from behind. Nasa dorm kami.

Umikot ako para yakapin na paharap ang love ko.

'' lahat ng memories natin together mapa away man ito or lambingan '' mas niyakap ko siya ng mahigpit.

'' ahmm two days from now graduate ka na love. I'm very happy and proud of you ''

'' Thank you love pero after that I'm going to be busy '' may himig ng lungkot ang boses ko.

'' I know pero that's fine '' sagot naman niya pero bigla itong natahimik afterwards.

'' mamimiss kita love ng sobra '' I told her na halos mangiyak ngiyak na. Tumango lang ito at mas isiniksik ang sarili niya sa mga bisig ko.

Sa loob ng halos 7 months na naging kami ni ana ay walang nakaalam sa mga kaklase or kaibigan namin, magaling kaming magtago siguro nakatulong na rin na magkasama kami dito sa dorm dahil dito kami nakakapag labing labing.

Yakap yakap ko pa rin si ana ng biglang may tumawag sa phone ko. Kinuha ko ito sa likod ng pants ko at sinagot ito without breaking our embrace.

'' hello mom? - okay po punta po ako '' I ended the call.

'' mom mo? '' she asked when she looked up to me.

'' Yes pinapauwi muna ako sa bahay namimiss na daw ako eh '' I forced a smile.

'' ngayon? ''

'' oo eh, puntahan ko lang sila love ha alam mo na ako na lang kasi ang anak nilang nandito so naglalambing madalas si mom ''

Kumalas na kami sa pagkakayakap.

'' sige na love ingat ka ha ''

'' surething balik rin ako agad okay? ''

I kissed her lips and left.

THE MAXINE SISTERS SERIES (DANIKA ELLISE) GXG STORY - WHEN YOU AND I COLLIDEOnde histórias criam vida. Descubra agora