Chapter 37 - White Lie

4.2K 115 1
                                    

- ANA -

I almost had a heart attack ng makita kong tumatawag si danika. Napa second look pa nga ako at akala ko hindi totoo at dahil lang sa sobrang pagkamiss ko sa kanya kaya nag ha-hallucinate na ako.

Pero hindi si danika talaga. Agad ko itong sinagot at excited na nakipag usap sa mahal ko. Ang masiste lang niyaya niya ako for a date bukas, ang kaso naka oo na ako kay sam, birthday niya kasi bukas alangan namang bawiin ko diba. Ang sama ko naman kung ganun.

Kaya kahit gusto kong makipagkita kay danika ay pinili kong i-convince ang sarili ko na huwag na muna, kahit mamatay matay na akong makita siya. Wrong timing eh.

Ano ba yan!

I lied to her ang sabi ko may group project kami, nautal pa nga ako at ayaw ko talaga magsinungaling lalo pa sakanya. Pero bahala na nga, kinagat naman niya ang white lie ko para hindi na rin siya masaktan sa totoong dahilan ko kung bakit hindi ako makikipag date sa kanya, total naman magkikita rin kami next week at excited na talaga ako kahit may katagalan pa ito bago mangyari.

------------------------------

'' hi honey you look stunning as ever '' nakangiting bati sa akin ni sam pagkabukas ko pa lang ng pintuan ng dorm.

I smiled and complimented him as well.

'' you look amazing sam and this is for you '' inabot ko sa kanya ang isang dark blue na box. Binuksan niya ito at sumilay namang muli ang ngiti nito sa kanyang mapupulang labi.

Ang pogi ni sam, naka black suit ito and black pants. Sa loob ng suit niya ay white polo with matching neck tie pa. Ready talaga sa romantic birthday date daw namin.

'' wow, thank you hon '' sambit niya ng makita ang relo na nakalagay sa box.

'' you like it hon? '' tanong ko.

Naisip ko pa ring regaluhan ito although hindi na ganun katindi ang love ko sa kanya, naging mabuting boyfriend naman ito sa akin. So ano ba naman ang regaluhan ko siya diba? wala naman sigurong masama.

'' very, thank you '' halos mangiyak ngiyak na sambit ni sam.

Ito kasi yung lalaki na kahit simpleng bagay na ibigay mo ay ma-aappreciate niya. Eksakto naman na nasira yung relo niya kaya ito yung naisip kong iregalo sa special day niya, pasasalamat na din sa mahigit kumulang na dalawang taon naming magkasama hindi lang bilang magkasintahan kung hindi bilang magkaibigan na rin.

Kinuha ko ang relo sa box at isinuot na ito sa left wrist niya, perfectly fit.

'' you're welcome and happy birthday '' I kissed him sa cheek.

He ushered me going down the dorm papunta sa kotse niya. Nagmaneho na si sam, hindi ko na siya tinanong kung saan kami pupunta bahala na siya dun, total he was the one naman palagi ang nagiging punong abala sa aming dalawa kahit dati pa.

Nagulat lang ako sa biglang sinabi ni sam pagkababa namin sa Radiance Restaurant, isang famous na resto. dahil sa kanilang Carribean and Italian Cuisine na talagang binabalik balikan ng mga tao, to the undenying fact pa na masarap naman talaga ang mga luto nila.

'' hon may makakasama nga pala tayo ''

'' huh? sino naman hon? '' tanong ko pagkasarado ko ng pintuan ng sasakyan.

'' yung bestfriend ko kasama yung girlfriend niya ''

'' kilala ko ba sila hon? '' tanong ko ulit pagkapasok namin sa main door.

'' yep actually kilalang kilala mo ''

Napaisip naman ako parang wala naman ako halos kilalang kaibigan nito ni sam bukod kay diana at antonie, dahil halos lahat nasa ibang bansa. Naglalakad pa rin kami until makarating na sa medyo dulong part at nakita ko may lalaking nakatayo, nakatalikod sa amin at may kausap sa phone.

'' Buddy '' tawag ni sam, lumingon na ang lalaki pagkatapos ilagay sa bulsa ang cellphone nito.

'' Hey there you are ''

Saglit si....si mokong ito ah. Halos lumuwa ang mata ko pagkakita ko kay gerald, so meaning nandito si danika?? And shoooot nandito nga siya, papalapit na sa amin. Nagbanyo lang ata at kalalagay pa lang ng make up kit niya sa bag kanina pag kakita ko.

Nang makalapit si danika sa mesa ay parang napaurong ito ng kaunti ng makita ako at si sam. Magkahawak kamay pa naman kaming dalawa.

diyos ko po!!!

'' I told you hon kilalang kilala mo sila '' ngiting ngiting saad ni sam.

Sa kabog ng dibdib ko halos hindi ko na marinig ang mga boses sa paligid ko. Nakatuon lang ang mga mata ko kay danika, sa girlfriend kong nakamamatay na ang mga titig sa akin at kay sam.

I gulped several times... lagot na!

- DANIKA -

Sabi ni gerald may makakasama daw kami ngayon, yung bestfriend niya daw at ang girlfriend nito. Well sa akin okay lang yun, walang problema. Mabuti nga yun para may ibang tao naman akong makasama at hindi lang si gerald. Hindi naman sa pang aano pero medyo nagsasawa na rin ako sa mukha ng boyfriend ko.

Nandito na kami sa Radiance Restaurant, napaaga ang aming pagdating at ang aga aga akong sinundo ni gerald. kainis!

Anyway nagpaalam muna ako at nagbanyo ang tagal kasi ng ka double date namin kuno, nag freshen up muna ako at nag ayos ng aking make up.

Pagbalik ko sa table namin ay para akong natuklaw ng ahas. Ang kasama pala namin ngayong ay si Ana at ang shokoy niyang boyriend.

Akala ko ba may group project siya kaya hindi siya makikipagdate sa akin, tapos ngayon kasama niya lang pala ay ang shokoy na ito??????

Pinanlisikan ko ng mata si ana, naiinis ako at nakakaramdam ng galit, nagsinungaling siya sa akin. Pero bakit? bakit niya yun ginawa???

'' it's nice to see you again Ana. I didn't know that it was you who chained up my bestfriend's heart '' saad ni gerald habang nakatingin kay Ana.

Tumingin rin si ana kay gerald at sumagot.

'' It's good to see you as well gerald '' pero agad na pasimpleng ibinaling sa akin ni ana ang atensyon niya.

'' please lets seat '' si sam.

Pinaghila niya si ana ng upuan at inalalayan muna bago siya umupo. Ganun din naman ang ginawa ni gerald.

I threw a fake smile sa boyfriend ko, oo ako ng maldita pero hindi nila yun halata, pero si Ana na katapat ko alam kong nakuha niya ang klase ng ngiti kong yun.

Tinawag na ni gerald ang waiter and they ordered. Naaalibadbaran ako how sweet sam was to Ana, napapa gugom na lang ako ng mga kamay ko sa gilid ko at hindi na nagsasalita. Baka pa kasi anong lumabas sa bibig ko. Mahirap na baka magkabukingan na kami na ang girlfriend ng bestfriend ng boyfriend ko ay girlfriend ko rin. - Ang gulo noh pero ganun talaga at natagalan namin ni Ana na mabuhay sa ganitong kagulong set up. Pero parang ngayon ay anumang oras ay sasabog na ako.

I AM A TICKING BOMB!!!

Nagkukwentuhan ang dalawang lalaki habang kaming dalawa ni ana ay tahimik na kumakain. Maraming beses na tumatama ang mga mata namin, dahil alam niyang galit ako ay siya na ang unang bumabawi ng tingin. I saw her gulped many times. She's nervous I know.
Pero bakit ba siya nagsinungaling?

Hindi kaya? hindi na niya ako mahal? tsk!!!! no no no!!!

Napapapikit na lang ako sa mga naiisip ko. Si ana naman kasi!! bakit ka ba nagsinungaling sa akin?????

damn you ana!

THE MAXINE SISTERS SERIES (DANIKA ELLISE) GXG STORY - WHEN YOU AND I COLLIDEWhere stories live. Discover now