Chapter 7 - Sam Montenegro

5.7K 211 8
                                    

- DANIKA -

Medyo late na ng makauwi ako sa dorm. Madami dami rin kasi akong ginawa sa uni. Alam niyo na graduating student kaya busy much ang peg ng maganda at gorgeous na ako.

Pumasok ako sa loob and ofcourse wala si ana. Alam ko nasa kwarto na naman niya yun. Palagi namang ganun eh tuwing uuwi siya diretso siya sa kwarto twice ko pa lang ata yun nakitang nandito sa labas the first time ay yung nagluluto siya for dinner and the second time was when she's doing her teeth cleaning or nag to-toothbrush.

Siguro ginagawa niya yun para hindi na kami mag away at magsagutan na parang normal routine na naming ginagawa. Ayaw ko naman talaga minsan makipagtalo pero ewan ko ba naman sa bibig ko madalas hindi ko makontrol.

Ang cute niya rin kasi kapag naiinis chuckle!

so you find her cute??

Sino ba itong nagsasalita? minsan talaga naiisip kong may sayad ako, pero sayang naman ang ganda ko kung psychiatric hosp. lang ang makikinabang, kaya pa yan ng gamutan. lol!

Umupo muna ako sa sofa sa may living room namin at nag scan ng mapapanuod ng mag flashback sa akin yung nangyaring sagutan namin sa banyo.

Nasobrahan ko ata yung huli kong sinabi na pangit siya at maitim. Hindi naman yun totoo. I find Ana so attractive even her skin color.. hmmm oo na guys marunong naman talaga ako mag appreciate ng beauty ng iba hindi yung puro sa akin lang.

I continue scanning for channels ng may kumatok sa pintuan.

Sino naman kaya ito? hmmmmm...

Pumunta ako sa main door at sumilip muna sa peephole.

lalaki? who's this kaya?

Kaya para masagot ang curiosity ko pinagbuksan ko na ito at ngumiti kaagad sa akin ang lalaki.

'' hi goodevening is Ana here? '' banat niya kaagad sa akin.

bakit hinahanap niya si Ana?

'' yes why and who are you? '' tanong ko, syempre mahirap na baka bad guy ito at kung mapano si A--

Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ni ana.

'' Sam??? ''

sam?? sinong sam?

Sumagot naman yung lalaki '' honey!! ''

honey?

nagpabaling baling ako ng tingin sa dalawa at para namang hangin si Ana na tumakbo at yumakap dito sa lalaking si Sam.

'' I missed you hon '' sabi nitong lalaki at hinalikan si Ana sa noo.

'' I missed you too '' sagot naman nung isa.

kapatid ba ito ni Ana???

Kumalas ang dalawa sa pagkakayakap at ibinaling ng lalaki ang mga mata niya sa akin.

'' by the way I'm Sam Montenegro, Ana's boyfriend '' he extended his hand to me.

Ano daw boyfriend siya ni Ana? para kasi akong nabingi pag kasabi niya.

'' ah..ahm nice meeting you Sam. I'm Danika '' kinuha ko ang kamay niya and we shook our hands.

'' pasok ka hon '' sabi ni Ana sa boyfriend niya.

Hmp akalain mo yun may pumatol sa babaeng ito.

Pero bakit parang may ibang kumurot sa dibdib ko??

Ayy wala lang naman ata ito.

Pumunta na sa sala yung dalawa at nagpaalam muna ako na papasok na sa kwarto. May kasamaan lang naman ang ugali ko pero may manner pa rin naman ako.

THE MAXINE SISTERS SERIES (DANIKA ELLISE) GXG STORY - WHEN YOU AND I COLLIDEWhere stories live. Discover now