Chapter 15 - Such a tease

6.4K 177 3
                                    

- ANA -

Nang ako ay magising wala na sa tabi ko si sam. Umalis na pala ito at hindi na ako ginising pa. I picked up my phone and texted sam na agad agad namang nagreply. Nasa opisina na daw siya at kumain na rin ng breakfast, kaya huwag din daw ako magpapalipas ng gutom.

Yun naman ang nakakatuwa sa kanya kahit gaano kabusy sa trabaho ay nagagawa pa rin nitong magtext or tumawag sa akin. Napangiti na lang ako.

Matapos kong basahin ang text ni sam ay bumangon na ako  sa kama at inayos ang higaan. Isinuot ko ang malambot kong sapin sa paa at lumabas na ng kwarto.

Nakita ko naman kaagad ang magandang likod ni danika, nasa kusina ito. Ang bigat ng kanyang katawan ay nasa kanyang kanang paa, para namang nasa posisyon kapag nakacrossed arm tayo ang left arm niya while the right is holding a turner or siyansi.

magluluto siya?

Natawa ako for sure magsasayang na naman ito ng pagkain.

Dinalayday ko ang aking mga mata at sinundan kung saan siya nakatingin. Sa box ng pancake.

Para namang naramdaman niya ang presensya ko kung kaya't lumingon ito sa akin at agad ngumiti.

'' Ana goodmorning '' ngumiti lang ako.

'' ba't di ka nagsasalita? ''

malamang hindi pa ako nagtotoothbrush

Nag motion na lang ako para maintindihan niya. Tumango naman siya, papasok na sana ako sa banyo pero tinawag niya ulit ako.

'' Ana turuan mo ako ha '' tumango ulit ako at badya na namang papasok sa banyo pero tinawag na naman ako nito.

'' Ana '' I groaned and roll my eyes inside.

ughh ano ba danika?

Mabilis siyang lumapit sa akin at bigla ako nitong madiin na hinalikan sa labi.

Mabilis siyang lumapit sa akin at bigla ako nitong madiin na hinalikan sa labi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi ako nakapalag, nagulat kasi ako. This past few days parang naging normal na sa amin ang magkiss sa lips despite the fact na pareho kaming may boyfriend. Kahit hindi ko pa namimeet ang mokong na si gerald.

'' that's your morning kiss. I don't care kung hindi ka pa nagto-toothbrush I can still kiss you '' sabi niya sa akin paghiwalay ng mga labi namin. Napakagat labi pa ito bago tumalikod at bumalik sa pagbabasa na instruction sa pagluto ng pancake.

Dali dali naman akong pumasok sa loob ng banyo at nag freshen up. After that lumapit na ako kay danika at tinuruan ko na siya magluto nito.

'' alam mo na? ''

'' yes! ''

'' sure ka ha nababanyo kasi ako eh ''

'' mabanyo ka na naman? katatapos mo pa lang ah ''

'' dun nga ata sa ininom kong tea kagabi na dala din ni sam '' Nagpalatak ito '' okay sige na kaya ko na to ''

full of confidence sa pagsagot ah.

THE MAXINE SISTERS SERIES (DANIKA ELLISE) GXG STORY - WHEN YOU AND I COLLIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon