Chapter 13 - Wave 3 (asaran at kulitan)

5.9K 185 7
                                    

- ANA -

Kinagabihan...

Dahil naiinis pa rin ako kay Danika hindi tuloy ako makatulog. Naka ilang baliktad at ikot na ako dito sa kama pero wala pa rin. Naaalala ko pa rin kung papano niya ako iniwan sa baba at mag isang pinabitbit ng mga pinamili namin, may kasama nga ako pero wala namang kwenta, asar!

Napagdesisyunan ko tuloy na pumunta muna sa sala at dun tumambay. Ay wait lang pala naiihi ako. Ang dami ko kasi nainom na tubig kanina ng magdinner ako mag isa. Niyayaya ko kasi yung isa ayaw niya daw at baka lasunin ko siya, kainis talaga yun. Akala naman niya ay killer ako.

Ay naiihi na talaga ako. Patakbo akong pumunta sa banyo hawak hawak ang pantog ko. Dali dali kong inabot ang door knob ng pintuan at sa moment na nabuksan ko na ito ay nag bulged out ang mata ko ng makita ko ang maputing pwet ni danika na parang kumikendeng kendeng pa habang itinataas ang underwear niya, umihi din ito.

Napako ang mga mata ko dun sa ano niya at napalunok lang ako ng laway. Parang gusto ko ng mahimatay, dyosko po. Pagkalingon ni danika ay napasigaw ito.

'' AAAAYYY!!! K...kanina ka pa dyan? '' nauutal niyang tanong.

Napatango na lang ako dahil hindi ako makapagsalita.

'' N...nakita mo??? ''

tumango ulit ako at pinilit ko ng magsalita baka kasi pag isipan ako nitong masama.

'' B...BAKIT BA KASI HINDI KA NALOCK!!!!!!! '' sigaw ko sa kanya. Alam ko namumula na ako sa kahihiyan.

'' EH HINDI KO NAMAN ALAM NA PAPASOK KA!! '' bawi naman niya.

'' KAHIT PA ATSAKA HUWAG KANG MAGING TANGA DANIKA BANYO ITO MALAMANG KAHIT ANONG ORAS MAY PAPASOK DITO, PAPANO KUNG MAY BISITA DITO AY DI NASILIPAN KA! ''

'' WALA NAMANG IBANG TAO DITO ANA!!! ''

'' HINDI YUN ANG POINT, HUWAG KANG MAGING TANGA DANIKA!!! ''

'' GRRR KAKAINIS KA! AKO NA NGA NASILIPAN IKAW PA ANG GALIT!! '' nagpapadyak na naman itong lumampas sa akin, tinulak pa ako at lumabas na ng banyo.

Sinara ko ang pinto at umupo na sa inidoro, napapikit na lang ako pero minulat ko ito ulit at ang nag appear na imahe ay ang kumikendeng na pwet ni bratinelang danika.

Napakumos ako ng mukha sa kung ano anong nakikita at nararamdaman ko. Pagka flush ko ay naghugas ako ng kamay at dumiretso na sa sala, at ang danika nandun din. Pwerte ang pagkakaupo sa mahabang sofa at nakastraight ang dalawang paa niya.

Tiningnan ko ito at nakanguso na naman. Tumaas ang isa kong kilay. I'm trying to read her kasi.

'' bakit mo ba ako sinigawan kanina pangit? '' nakanguso pa rin ito at nakacrossed arms.

Nakasuot ito ng loose na sweater at pajama pero terno ang kulay parang dirty white.

I sigh '' kasi naman hindi ka nalock '' mahinahon ngunit garagalgal ang boses kong turan.

Lumapit ako sa kanya at iniangat ko ang dalawang paa nito para umupo. At walang ano ano naman ay ipinatong niya ito sa lap ko.

'' alisin mo naman yang paa mo brat! ''

Nanlaki mga mata nito '' brat??? who me?? '' sabay turo sa sarili niya.

Napangiti ako at kinuha ang remote ng tv para mag scan ng channel.

'' oo sino pa nga ba, dalawa lang naman tayo dito '' sumulyap lang ako sa kanya. Naka crossed arms pa rin ito at nakatitig sa akin.

'' hmmmm hindi naman kaya '' maarte at parang bata nitong sabi.

THE MAXINE SISTERS SERIES (DANIKA ELLISE) GXG STORY - WHEN YOU AND I COLLIDEWhere stories live. Discover now