Bonus Chapter

5K 93 5
                                    

Dahil hindi ko pa magawang sundan ang The Maxine Sisters the second gen. Bigla kong naisip na gawin ito.

Danelle :

'' baby donut mag iingat ka dun ha, palagi kang kakain huwag magpapalipas ng gutom Eh kung magdala ka kaya ng katulong to help you out sa laundry mo atsaka pag prepare ng food mo?? ayaw ko kasing mahirapan ka. '' pag uulit na naman ni mommy danika sa akin.

Paalis na kami ni diana papuntang abroad para mag aral. Boarding school for girls ang pinasukan namin headed by nun and priest. Papano nga ba kami napadpad dun? yung mga kaibigan kasi namin dun nag enrol at para makameet ng ibang tao in new environment ay napag isipan ko rin na why don't give it a try. New start, so here we are going to transfer from Johansen academy to Mother Mary School for girls.

'' mom napag usapan na po natin ito diba, kaya ko naman po I am already 16. Old enough to be the captain of my own body '' ngumiti ako sa mommy danika ko.

'' Hindi ko kasi maiwasan mag alala, alam mo naman ikaw lang nag iisang anak namin na napakaganda and this is the first time na mawawalay ka sa amin. Ngayon pa lang na mimiss na kita '' maluha luha na si mom.

'' Danika naman malaki na ang anak natin, she can do it. Maayos naman ang pagpapalaki natin sa kanya '' bigla ng nagsalita si mama Ana.

Sa kanilang dalawa si mommy ang parati nagbibigay ng gusto ko pero dahil nandyan si mama hindi ako lumaking spoiled brat. At masasabi ko na talagang I can mingle with others in any kind. I mean kahit anong status nila sa buhay. Hindi raw katulad ni mommy na masyadong maarte at mapili sa pakikisamahan, sabi yun ni mama sa tuwing naiinis siya kay mom.

'' love hindi ko kasi maiwasan, masisisi mo ba ako Eh mahal na mahal ko ang baby donut ko eh '' maarte ni mom na sabi. Pinipisil pisil pa nito ang pisngi ko kaya parang naalibadbaran si mama sa ginagawa. Kinuha niya ang braso ni mom atsaka hinawakan patalikod. Hindi naman nakapalag yung isa. haha.

'' mag ingat kayong dalawa dun ha '' bilin ulit ni mama sa amin ni diana.

'' diana hindi ba talaga makakasunod ang mommies mo? '' si mama.

'' hindi po tita, si mommy po (dominika) nasa thailand para sa expansion of business at si mom po (rylie) nasa singapore naman for business trip.

Bigla akong nakaramdam ng pagkalungkot para sa pinsan ko. Masyado kasing abala sila tita sa negosyo at minsan na lang sila magkita kita. Kahit labag sa kalooban ng mag asawa ay wala silang magawa dahil apat sa negosyo nila lolo at lola ay sila na ang namamahala.

Ang mga magulang ko naman kasi ay may kinuhang mga maaasahang tao para pamahalaan ang negosyo namin. Ayaw nila pareho na lumaki ako na hindi nila nagagabayan kung kaya maituturing ko na maswerte ako sa aming magpipinsan.

Si tita donthy naman ay may binuksang tele communications, dahil sa koneksyon ng pamilya ay agad itong naging tanyag saan man panig ng mundo. Literally tita cassey with maids ofcourse ang nagpalaki halos sa genius na kambal. Ang kagandahan lang kay tita donthy, every now and then kahit isang araw lang ay umuuwi siya ng pilipinas para makita at makasama ang pamilya niya. May private plane naman daw so less hassle.

'' anyway nandito naman sila mom diba, wag ka ma sad ha '' I told to diana. Bilang panganay sa maxine cousins ako yung tumitingin tingin sa kanila. Ako yung tumatayong mabuting ate sa tatlong natitira pa.

'' yes ate. I'm not sad naman eh kasi kasama kita and tita ana and tita danika are here with us '' ngumiti ito sa akin then to moms.

Maya maya pa ay oras na ng pag alis namin, sa Italy yung boarding school. Mabuti nga pumayag rin sina tita sa naging desisyon ni diana. And also my moms, knowing na it is headed by nun and priest tapos ang mga magulang namin ay parehong mga babae. It is against to what was written in the bible kaya kinakabahan rin sila sa kung anong pwedeng mangyari sa amin.

THE MAXINE SISTERS SERIES (DANIKA ELLISE) GXG STORY - WHEN YOU AND I COLLIDEWhere stories live. Discover now