Chapter 9 - ''momo''

5.8K 171 7
                                    

- ANA -

After that kiss naging ilag na sa akin si danika. Todo iwas ito sa akin sa UNI. nagtataka na nga din ang mga kaibigan ko dahil mag iisang linggo na din niya kaming hindi pinagtitripan..especially ako.

Kapag alam niyang magkakasalubong kami sa hallway ay agad itong lumiliko kaya naman madalas her friends are getting curious na kung saan napupunta si danika kapag minsa'y naglalakad sila at masayang nagkukwentuhan tapos paglingon nila ay wala na ito na parang bula.

Maging dito sa dorm. Hindi na kami magkatagpo, at talaga namang tinataguan niya ako. Everyday maaga siyang umaalis  at pag gising ko ay wala na ito, parati naman ako palagi ang nauunang umalis at ang tagal niyang magbihis, nakakailang suot - hubad siya ng damit then her hair, heels na palit palit din then make up at ternong bag sa damit niya. Oo ganun kadami ang branded na collection niyang gamit. Perks of being mayaman.

One time nga mag hahating gabi na nun, naiihi ako tapos medyo natakot ako dahil may dahan dahang umiikot ng doorknob so sumilip ako sa maliit na siwang ng pintuan, pigil na pigil ko ang pag ihi ko, baka kasi magnanakaw.

Madilim pa naman sa labas kaya hindi ko maaninag kung sino ang tao until may nag ouch - si danika napatama ata sa mesa dahil kasabay ng pag ouch niya ay gumawa ng ingay yung dining table namin. Natawa nga ako sa pinag gagagawa niya sa sarili niya para lang makapagtago sa akin.

Dapat nga nagpapasalamat ako dahil hindi niya ako kinukulit or hindi kami nagbabangayan, pero ang nangyayari ay parang namimiss ko ito. Ang kaartehan niya, ang kamalditahan at kasungitan.

Hay.

And now nandito na naman ako sa dorm. Alam ko nasa kabilang kwarto lang siya narinig ko kasi siyang nagsasalita pero wala rin naman akong guts na ako ang unang magpansin baka pa kasi tarayan ako or deadmahin ako, ayaw ko pa naman ng ganun ang sakit sa pakiramdam.

So I've decided na magbasa na lang ng book total ang boring ng gabi umuulan pa with matching kulog and kidlat. Magsisimula na sana ako magbasa ng biglang mag brown out. At biglang lumakas ang ulan.

'' great! '' I hissed.

Wala na rin akong magagawa although I want to read. Itiniklop ko ang libro at pumwesto na sa paghiga ng biglang kumulog at kidlat... napatingin ako sa bintana at nainis, kung kelan kasi nilabhan ko yung kurtina ay siya namang nagmagaling ang kidlat ayan tuloy kitang kita ko ang liwanag kapag nagagalit ito.

Ibinaling ko ang ulo ko sa may pintuan ng kwarto ko, may narinig kasi akong nagbukas. Pinaningkit ko ang mga mata ko dahil wala talaga akong makita. When the thunderstorm and lightning strikes may nakita akong multo na nakasilip sa pintuan kaya napasigaw ako ng malakas sa sobrang takot.

'' M..MUUUULTO!!!!!!!! '' sabay talukbong ko ng kumot. Nanginig ako bigla sa takot. Ang puti ng mukha nito at ang haba ng buhok at naka all white pa.

diyos ko po ngayon pa lang talaga ako nakakita ng multo.

Pero kasabay ng pagsigaw ko na huwag lumapit ay may biglang yumakap sa akin at nanginginig at nangangatal din sa takot ''

'' N....nasan a...ng multo?? ''

wait si danika ba ito?? papano ito nakatakbo agad dito sa akin at hindi nakita ang multo?

Marahan kong tinanggal ang kumot na nakatalukbong sa akin para tingnan si danika na mahigpit na nakayakap sa akin. Yayakapin ko na sana pabalik ng biglang kumidlat ulit at umilaw sa maputing mukha ni danika na nakapagpasigaw na naman sa akin..

'' WAAAAAAAHHHHH ''  nagkatatalon ako sa kama at tumalon din siya papalapit sa akin na naiiyak na.

'' A...Ana nga nasaan ang multo??? '' yumakap na naman ito, at bigla na namang kumidlat saka ko lang napagtanto na si danika ang napagkamalan kong multo.

Kinuha ko ang phone ko at inilawan ko ang mukha nito.

'' Ano ba  yang nasa mukha mong babae ka at balak mo pa ata akong patayin sa takot, nakalugay ka pa at naka mahabang puting damit. Akala ko tuloy multo ka!! '' asik ko dito.

'' hah? ako ba yung tinutukoy mong multo??? '' parang walang maang na sagot nito sa akin. Nakahawak pa rin ito sa braso ko.

'' oo ikaw ano ba kasi yang puting yan? '' tinuro ko mukha niya.

Hinawakan naman niya ito.

'' mask '' parang bata nitong sagot.

'' tanggalin mo na nga yan, kainis ka ''

'' eeeee 15 minutes pa ito bago tanggalin, sayang naman ''

'' kahit pa mayaman ka naman, bumili ka na lang ulit basta tanggalin mo na yan '' asik ko pa rin, kainis eh muntik na akong mahimatay sa takot.

'' sige na nga, basta samahan mo ako sa banyo ''

oo nga pala takot ito sa dilim.

'' oh sige na tara na '' hinila ko na siya para makapaghilamos na. After a while bumalik na kami sa higaan ko.

'' ano pang ginagawa mo dito? '' tanong ko habang papahiga na ako. Nakatayo pa rin kasi siya sa gilid ng bed ko.

'' hmmmm pwede bang dito ako mag...ahm ''

'' ano???? ''

'' eeee ana naman dito na lang ako matutulog please??? ''

ang cute niya mag pronounce ng ana parang eyna.

'' bakit dito ka matutulog? may kwarto ka naman ah! ''

Nagpouty lips ito '' I'm... I'm afraid kasi sa thunderstorm and lightning '' pahina niyang sabi sa akin.

Bigla ko naman naalala yung sabi ni nika na matatakutin talaga ito sa kulog at kidlat kaya madalas magkatabi silang natutulog. Naawa naman ako.

'' sige na nga halika ka na ''

'' talaga? '' parang batang nag spark sa ning ning ang mga mata niya.

Tumango ako at dali dali itong umakyat sa kama ko. Nasa kaliwa siya at nasa kanan naman ako.

Sa una magkahiwalay kami at hindi nag iimikan pero habang tumatagal ay palapit na ito ng palapit sa akin, hindi ko alam kung gising ito or tulog na talaga dahil nakapikit na ang mga mata nito.

Tiningnan ko lang siya pero maya maya pa ay nakayakap na ito sa akin. Ang kamay niya ay nakaikot na sa flat kong stomach at ang legs niya ay nasa gitna ng sa akin.  At ang mukha niya? gosh nasa may balikat ko na at pilit niya itong isinisiksik sa leeg ko.

Hindi na ako makagalaw at makahinga. Para na akong natuklaw ng ahas dahil hindi ko alam kung yayakapin ko ba siya or what. Hindi pa nakakatulong ang mainit na hininga nitong dumadampi sa gilid ng leeg ko.

Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko. Ano bang ginagawa sa akin ni danika..Napalunok ako ng laway ng gumalaw ang kamay nito pataas at halos matamaan na ang dibdib ko.

Para na akong ewan sa nararamdaman ko at sa posisyon namin. Feeling ko ang init but in reality malamig naman talaga.

I stayed in that awkward position for an hour habang natutulog siya. Pinagmasdan ko ang mukha nito sa tulong ng liwanag na nanggagaling sa kidlat.

Ang haba haba pala ng pilik mata ni danika, ang perfect ng pagka arko ng kilay niya, straight na ilong at mapupulang mga labi...

Shit labi??

Malambot din ito, hay kainis naalala ko tuloy ang second kiss namin at ngayon sa posisyon namin, parang natetempt akong halikan siya but no!!! no!!! mali ito.

Pilit kong iwinaksi ang pag iisip kong ito at pinilit ko nang matulog. Kahit gaano pa ito kahirap dahil sa awkward na feeling na dulot ni danika sa akin ay pipilitin ko pa rin.

hay, si Sam na lang ang iisipin ko.

Diyos ko po ilayo niyo naman ako sa tukso.


THE MAXINE SISTERS SERIES (DANIKA ELLISE) GXG STORY - WHEN YOU AND I COLLIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon