Chapter 35 - Just you and me

5.3K 124 2
                                    

- DANIKA -

'' love bilisan mo naman ang bagal mo kapag tayo naubusan ng i-re-rent na bike tingnan mo! '' sigaw ko kay ana na ang bagal bagal maglakad at kuha ng kuha ng pictures.

Pinapabilis ko na nga mas lalo pa nitong binagalan at nakapamewang na humarap sa akin.

'' alam mo kanina ka pa ha pinapabilis mo ako, nagmamadali lang? may lakad ka? '' asik nito sa akin.

'' kasi ang tagal mo naman,wala ka namang bitbit ikaw pa itong matagal maglakad '' balik ko naman sa kanya.

'' nag pi-picture nga ako love '' biglang huminahon ang boses nito. Sabay click ng phone niya sa mukha ko.

'' ang cute mo looove! '' tili ni ana at tumatalon talon pa.

'' burahin mo yan analita, sabihan mo naman ako kung mag pi picture ka para naman mukhang tao ako sa kuha mo ''

'' ano ka ba, kaya nga stolen ''

'' kahit pa, kaya pa ang papangit ko dun sa collage na ginawa mo '' biro ko.

'' hindi kaya, you're the most cutest ever '' sweet nitong saad at nakatingin sa phone niyang may stolen picture ko na naman.

Lumapit naman ako bigla kay Ana at hinawakan ang kanyang kamay, may dalawang lalaki kasing naglalakad sa likuran niya at grabe kung makatitig. Nahulog na kasing masyado yung off shoulder, ay yung damit niya sa isang shoulder niya.

'' hey elle a pris - she's taken '' tiningnan ko sila ng masama kaya dali dali silang umalis at hindi na lumingon pa.

Tiningnan ako ni Ana na may pagtataka sa mukha.

'' they checking on you '' I spat out na hindi pa rin tumitingin sa kanya.

'' oh ba't nakasimangot ka at parang sa akin ka galit dyan? '' ungot nito.

Tinanggal ko ang pagkakahawak ko sa kamay ni ana at hinarap itong nakasimangot.

'' kasi naman ana. I told you na huwag na yan ang isuot mo at may pa off shoulder shoulder ka pang nalalaman '' napahalukipkip ako sa inis.

Tinngnan niya ang suot niya.

'' what's wrong with my dress? it's summer at ano naman kung may pa off shoulder shoulder pa akong nalalaman? '' ginaya niya pa talaga ako.

'' malapit ka ng masilipan ana for god sake! '' bulalas ko sabay tapon ko ng kamay ko sa ere. Kung natatanggal lang ang kamay ko baka tumilapon na ito sa pwersadong pag hampas ko sa hangin.

'' you know what you're unbelievable, kung makagalit ka parang ang laki ng nagawa kong kasalanan, ikaw nga diyan look at your short para ka ng naka panty at ang white t-shirt mo small ba yan o xs? ang LAKI KASI SAYONG MASYADO!!! '' anggil naman nito, napakasarkastiko pa.

Halatang inis na inis na rin ito sa akin at ganun rin naman ako sa kanya....hmp!!!

At parang ang tagal ng oras na nakalipas at nakatayo lang talaga kaming magkaharapan ni ana, hindi pa rin kami nag iimikan or nagtititigan.

After 5 seconds...

Matira na ang matibay sa amin! - sabi ko sa isip ko.

until........ may dumaang cute na aso sa gitna naming dalawa.

Agad akong hinila sa braso ni ana.

'' love dali habulin natin yung dog, baka masagasaan! '' saad ni ana, parang walang nangyaring sagutan sa amin kanina ah.

Kakatawa lang talaga kami minsan, dahil sa aso bati na naman kami.

'' love dali kunin mo '' utos niya sa akin, hinabol ko naman yung aso at ng mahuli ko ay agad kong ibinigay sa batang may ari, umiiyak na kasi ito. Akala niya siguro ay mawawala na ang alaga niya.

THE MAXINE SISTERS SERIES (DANIKA ELLISE) GXG STORY - WHEN YOU AND I COLLIDEWhere stories live. Discover now