Chapter 38 - Wave 5 (The Explosion/SPG)

5K 137 5
                                    

- ANA -

Hindi ako makatingin ng maayos kay danika, the way she look at me damn it's horrifying. Alam niyo yung tingin ng mga killer sa thriller movies? yes! ganun, nakakatakot si danika, kung wala lang siguro itong dalawang lalaki napatay na ako nito... diyos ko lord, ngayon na nga lang kami nagkita ganito pa ang pangyayari. Hindi na po kayo naawa sa akin. huhu!

Napapalunok na lang ako ng laway ko. Grabe na ang kabog ng dibdib ko at pinag papawisan na talaga ako ng bongga. Dahil gusto kong kumawala kahit saglit sa sigalot na nararamdaman ko at nararanasan ay nagpaalam na muna ako para mag banyo.

'' excuse me. I just need to visit the bathroom '' paalam ko, sasamahan pa sana ako ni sam but I told him that it's not necessary. Kaya ko naman kasi.

Dali dali akong naglakad patungo sa destinasyon ko. Nang makarating ako ay agad akong naghugas ng kamay with a cold water, nanginginit na kasi ako sa kaba at takot or whatever. Pero hindi rin naman nakatulong ang malamig na tubig.

Napahawak ako sa may sink at napapikit ng mata, minsan na nga lang ako mag sinungaling nahuli pa kakainis. Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko ng nagsalita si danika sa katabi ko.

Mabilis kong iminulat ang aking mga mata.

'' so kailan mo pa naging classmate si sam? '' she sarcastically asked, bumalik muna ito saglit sa pinto at nilock ito. Kami lang dalawa sa loob ng banyo.

'' love '' mahina kong sambit.

'' group project??? nasan yung iba ninyong kagroup??? '' nag crossed arms ito at makikita mo sa mga mata niya ang galit.

'' love I'm so sorry '' napapikit ako, hindi ko na rin alam ang sasabihin ko.

'' sorry? I asked you for a date ana, dahil 2 months na tayong hindi nagkikita, then you told me na mas importante ang group project na ito for the future??? '' she hissed. I remained silent at nakatingin lang sa kanya.

'' o baka naman ibang project at future ang ginagawa niyo analita! ''

damn binanggit na niya ang buo kong pangalan, it means galit na talaga siya.

'' love please calm down, birthday kasi ngayon ni sam at bago ka tumawag at nagyaya naka oo na ako sa kanya ayaw ko naman bawiin yun, dahil ano namang sasabihin ko. Sa mata ng ibang tao siya ang boyfriend ko '' halos nanginginig at pabulong kong pagpapaliwanag sa kanya.

Napasuklay lang ito sa blonde niyang buhok at mahinang nagmura. '' fuck! ''

'' ofcourse siya ang boyfriend mo, sino ba naman ako sayo ana diba??? ''

Alam ko nasasaktan si danika, halos maluha na rin kasi ito kahit napakatalim pa rin nitong tumingin.

'' no ofcourse mahal kita love, hindi mo lang alam kung gaano na kita kamiss ''

'' MISS??? '' sigaw niya '' MISS MO BA AKO NG LAGAY NA ITO ANA? YOU JUST LIED TO ME AND GUESS WHAT NAHULI KITA '' she smiled bitterly. Nakayukom din ang mga palad nito.

'' It was a white lie dahil ayaw kong masaktan ka ''

'' WHITE LIE OR NOT, IT'S STILL A LIE! '' she retorted.

Wala na talaga akong kawala sa galit ni danika. I tried to calm her down pero ayaw nitong magpaawat, lumalapit ako pero umaatras ito. Kung wala lang siguro kami sa banyo ng restaurant nagwala na ito ng tuluyan.

She's gasping for air, halatang nagtitimpi lang si danika. Magsasalita na sana ito ulit ng may kumatok sa pintuan.

'' excuse me? can you open the door please? '' nakadalawang sabi yung babae sa labas bago binuksan ni danika ang pintuan ng banyo.

THE MAXINE SISTERS SERIES (DANIKA ELLISE) GXG STORY - WHEN YOU AND I COLLIDEWhere stories live. Discover now