Chapter 17 - Gerald Meyer

5.4K 139 3
                                    

- ANA -

Pumasok na kami sa opisina ni danika. At ang nakakatuwa naman ay may mga petals ng rosas na nakakalat sa sahig. Mas ibinukas pa niya ang pintuan at tumambad sa amin ang isang matangkad na lalaki na nakatalikod sa aming direksyon.

Ang lapad ng balikat nito at ang muscles sa braso at hita parang sumisigaw na pakawalan sila. Fitted kasi ang white polo shirt nito at ang gray pants niya. Ang mabangong amoy nito ay humahalimuyak sa loob ng opisina.

who's this guy???

tanong ko sa sarili ko. Sinulyapan ko naman si danika na nakamasid rin at nakapako ang mga mata sa parang hercules na lalaki. Then siguro he felt our presence at humarap na ito na may malapad na ngiti sa mukha.

Ang gwapo at malamodel ang datingan !!!!!

Subalit ang iniisip kong yan ay agad nawala ng tinawag niyang baby si danika.

baby????

'' g...gerald? '' tugon naman ni danika na sumilay ang nakakaakit na ngiti sa kanyang mga labi.

so this is gerald??? nagbago na pala ang isip ko, he's not gwapo and neither hercules isa syang dakilang mokong!

Ang dalawang braso ni mokong ay nakalahad na kay danika para sa isang mahigpit na yakap and without a second thought she ran up to him and engulfed herself into his embrace.

And the time the two kissed infront of me, a jolt of jealousy surrounds my body. Ang sakit, ang sakit makita na may kahalikang iba ang unang babaeng nagustuhan ko.

so inaamin mo na ba sa sarili mo na you're liking her?

Oo na inaamin ko na. I know I'm not a lesbian pero gusto ko si danika, hindi ko rin alam kung kailan ko ito naramdaman pero it doesn't matter anymore nakikita ko na ngayon how happy she is with this incredible mokong.

Nangingilid na ang luha ko at mas tumitindi ang sakit at selos na nararamdaman ko dahil bukod kasi sa napaka sweet ni mokong, they are still kissing and I can't bear to see it anymore, yung matamis na labi ni danika na dumampi sa akin kanina lang na umaga ay ngayon ay kadikit na ng iba.

ouch!!!!!! tulungan niyo naman ako dito. Semento I mean tiles na floor kainin mo na ako ng buo, nagmamakaawa na ako.

Nakalimutan na rin ata na kasama ako ni danika so I had decided na umalis na pero tinawag ako ni nito kaya lumingon ulit ako.

'' Ana wait, where are you going? ''

Nilunok ko muna ang laway ko na nakabara sa aking lalamunan bago nagsalita. Natatakot kasi ako na baka magreflect sa boses ko ang sakit na nararamdaman ko sa kasalukuyan.

'' Home? '' she knitted her eyebrows at lumakad papalapit sa akin.

She touched my cheeks at ang lamlam ng mga mata niya wari ba'y nangungusap ito sa akin ngunit hindi ko maintindihan.

She forced a smile.

'' don't be silly, halika papakilala kita kay gerald '' Hinawakan niya ang kamay ko and there it was the static current na I always feel kapag nagkakalapit kami, isama mo pa ang parang pagkulo kulo ng sikmura ko na animo'y umiikot.

Ang hirap naman dahil danika is giving me a mixed signal, feeling ko may nararamdaman din siya sa akin. The way she kissed me, the way she makes effort in cooking, the way she touch my cheeks and hold my hand pero at this moment I feel na tama ang sinabi niya '' don't be silly '' wala lang yun. Nakikita ko naman how inlove she is sa boyfriend niya.

'' baby this is my friend ana, ana my boyfriend gerald '' pagpapakilala niya.

Gerald smiled at me and took my hand, hinalikan niya ito. Napaka gentleman naman...magkakasundo siguro kami kung nagkakilala kami sa ibang pagkakataon at hindi siya ang boyfriend ni danika.

'' please to meet you ana! ''

Ay wow magka accent pa sila ni danika. Pero kahit pa si danika lang ang gusto kong bumabanggit ng name ko in that manner.

bitter lang te???

oo bitter na talaga ako at selos na selos na. Nakalagay na naman kasi yung kamay ni mokong sa sexy back ni danika.
Naiiyak na talaga ako.

'' glad to meet you gerald '' we also shake our hands pero sa isip ko sinisipa ko na ang poging mukha ni moks.

Oo moks ang haba ng mokong eh.

'' anyway baby we need to go to my mom's event later '' kausap niya si danika na parang hindi alam ang tinutukoy ng boyfriend niya.

'' uhm '' pinilit nitong isipin, kahit anong selos ko ngayon natawa ako sa isip ko sa simpleng pagkagat ni danika sa pinky finger niya, malamang nakalimutan niya talaga.

Nawawala na sana ang inis ko pero umariba na naman si moks at nagnakaw ng halik sa girlfriend niya.

yucks di naman sila bagay. bwisit!

'' you forgot right? '' ngumiti ito at iniharap si danika sa kanya.

'' The Party remember? for the foundation?? ''

'' ahhh yes I'm so sorry it slip in my mind. You know I've been busy at school ''

'' it's okay but we need to pack our things baby. It's 3 days... and don't worry I talked already to the school president of NYU. ''

'' you did? ''

'' yep and they granted my request, you're free for 3 days starting tomorrow '' nagngitian yung dalawa.

Whaaattt!!!!!! magkasama sila ng 3 araw at hindi papasok si danika??? papano na ako. Lord naman ang hirap naman po ng excitement na pinaparanas niyo sa akin ngayon.

Dahil feeling ko anumang oras ay babagsak ng luha ko ay nagpaalam na ako sa dalawa.

'' ahm excuse me guys, I'm sorry to interrupt you but I think I have to go and leave you two alone '' nakangiti lang si moks at si danika naman ay kumunot na naman ang noo.

'' wait wala kang kotse hatid na kita '' sabi ni danika.

'' what did you say baby? '' si moks nagpapakaintrimitido, asar!!! hindi pala ito marunong magtagalog. Hinarap niya saglit si gerald at ibinalik rin naman sa akin after niya sumagot.

'' nothing baby '' ngumiti ito.

'' okay lang danika, mag tataxi na lang ako at alangan namang iwanan mo boyfriend mo '' kahit gustuhin ko man na iwanan ni danika si moks hindi naman pwede kaya napabuntong hininga na lang din si danika. Lumapit ito.

Tumapat siya sa akin at niyakap ako.

'' I'm sorry ''

hah? bakit siya nag so sorry?

'' take care ana and see you '' mukhang may lungkot sa boses ni danika, tinutukoy niya kaya ang hindi namin pagkikita for the next 3 days???

Pero ayaw ko nang umasa, mahirap kalabanin ang first love niya.

'' see you danika '' we untangled ourselves from the embrace as I helped myself out with a weary and sad heart.

THE MAXINE SISTERS SERIES (DANIKA ELLISE) GXG STORY - WHEN YOU AND I COLLIDEWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu