Chapter 20 - Day 3

5.9K 171 5
                                    

- DANIKA -

'' baby can we go home already? '' lambing ko kay gerald, nandito pa rin kami sa bahay nila.

Niyakap niya ako at iniharap sa kanya.

'' why are you not enjoying? ''  he encircle his arm around my waist.

'' I am but I have still things to do at school, you know lots of stuffs ''

Para hindi niya naman mapansin na uwing uwi na talaga ako ay mas kinarinyo ko pa si gerald. I snaked my arms around his neck at hinalikan ito sa kanyang labi.
Kung ito lang ang way para makabalik ako kay ana ay gagawin ko na.

I kissed him hungrily, pinaramdam ko kay gerald na sabik na sabik ako sa kanya kahit ang totoo ay may ibang hinahanap ang mga labi at ang puso ko.

I hate to feel this way but I can't help it I am missing Ana so bad and I don't think I can be able to survive another day without her.

'' okay let's go home '' he told after the kiss

'' really?? '' mukhang nag spark ang mata ko at halos mapatalon ako sa sobrang saya.

'' yep '' and he gave me another peck on the lips.

I instantly pack all my things and later that day we travel back home at sa daan pa lang ay hindi ko na maitago pa ang aking excitement.

See you later love.

- ANA-

Third day na ngayon pero bakit ang tagal naman ng oras??? Gusto ko ng umuwi si danika, gusto ko na siyang makita. Para na akong nababaliw kakaisip sa kanya.

Miss na miss ko na talaga siya. Sa tatlong araw na wala ang bratinelang malditang ito ay halos wala ng tigil ang mga mata ko sa paglabas ng luha. Hindi pa rin ako makakain at makatulog.

Busy pa ako kaka emote ng may marinig akong kumakatok sa pintuan. Kahit ayaw kong tumayo sa sofa ay bumangon na ako at tuloy tuloy ang katok ng kung sino man ang nasa kabilang dako.

I opened the door at iniluwa nito ang boyfriend ko na halatang sobrang nag wo-worry. Kunot na kunot kasi ang noo nito at halos nangungusap kaagad ang mga mata sa akin.

'' hon are you okay? '' bati agad nito sabay yakap. Tumango lang ako,wala akong lakas para magsalita at sumagot sa tanong na okay lang ba ako, dahil ang sagot hindi, hindi hanggang wala pa sa piling ko si danika.

'' hon? '' ulit ni sam, para naman akong natauhan at napagtanto na si sam pala talaga itong kaharap ko, si sam na minamahal ako. Thinking that an emotion of guilt surge in me.

Kaya ang ginawa ko niyakap ko si sam.

'' I'm sorry, I'm sorry '' ulit ulit kong sinasabi. Niyakap rin naman ako nito ng mahigpit.

'' it's okay, nag woworry lang ako sayo hon '' he kissed my forehead at niyakap ako ulit.

We stayed in this position for a moment until he broke up the silence.

'' let's go out honey, para mahanginan ka ''

'' I don't want to '' sabi ko, tinatamad kasi talaga ako.

'' come on, ayaw ko magkulong ka dito '' dahil alam niya na magrereklamo ako ay binuhat ako nito at dinala sa banyo.

'' take your shower hon, kasi kahit kaya kong sikmurain ang mabantot mong amoy baka yung iba hindi '' biro nito, ganito palagi si sam kapag may dinadamdam ako or may sakit, sumusugod siya kahit saan ako naroon para ako'y icheck kahit pa mag absent siya sa work, okay lang. Kahit pa kasi noon ako na ang ginawa niyang priority.

THE MAXINE SISTERS SERIES (DANIKA ELLISE) GXG STORY - WHEN YOU AND I COLLIDEWhere stories live. Discover now