Chapter 26 - Guilt as hell

5.4K 128 2
                                    

- ANA -

Kinagabihan ay umuwi na rin kami ni danika sa dorm. Natuwa naman ang parents ko at talagang nakasundo nila si danika. Matapos ang pagpapaalamanan ay binaybay na namin ang madilim at mahabang kalsada pabalik sa aming sariling nest of love.

Nagpilit na din si danika na siya na ang magmamaneho at matulog daw ako. Pumayag ako pero hindi dahil matutulog ako kung hindi dahil pagmamasdan ko lamang siya.

Makalipas ang 2 oras ay nakarating na kami, pasadong 11 na ng gabi late na rin kasi kami nakaalis sa bahay. Masaya kaming nagtatawanan ng biglang may nagsalita kaagad pagkababa namin ng sasakyan - si sam.

'' Ana what the hell???? '' galit na galit na saad ni sam ng ito'y sumugod papunta sa akin at bigla akong niyakap.

Nagulat ako sa agresibong galaw nito. Hindi pa rin ako nito binibitawan at nagsalita ito ulit.

'' what happened to you? I've been calling you for a million times and I didn't hear anything from you. Ano bang nangyari Ana hindi mo man lang ba ako naisip na grabe ang pag aalala ko sayo??? hah!!! '' halos sigawan na ako ni sam.

'' I texted you before we left na uuwi ako didn't you received it??? alam mo namang walang signal sa lugar namin sam '' sagot ko naman, pero ang totoo pinag off namin pareho ang mga cellphone namin ni danika.

Pinakawalan na niya ako sa pagkakayakap.

'' yeah I received it and after that I tried to call you pero wala na '' nag aalalang saad nito. Sabay suklay ng kanyang buhok.

Naawa naman ako kay sam kaya ako naman ang yumakap sa kanya.

'' I'm sorry kung pinag alala kita honey. I'm sorry, pero nandito na ako kaya huwag ka ng magalit '' hindi naman kaagad nakasagot si sam at gumanti lang sa aking mahigpit na yakap.

Nakita ko naman si danika na tahimik na papasok sa gate ng dorm namin. Sumulyap muna ito sa akin as she mouthed me na mauuna na daw siya sa taas. I gently nod as my response.

'' I'm just so worried about you hon '' he murmured against my neck.

'' I know I know, I'm sorry na talaga '' sagot ko pabalik.

'' Sige na mag usap na lang tayo bukas alam ko pagod ka sa byahe at maaga pa ang klase mo. I'm relieved na rin dahil nakita na kita '' he told while caressing my cheeks.

Kahit kailan talaga napaka maintindihin ni sam, never itong nagalit sa akin ng ganito pero naintindihan ko naman ang pinanggagalingan ng galit niya, yun ay dahil mahal na mahal niya ako.

'' I love you so much hon natakot lang ako na baka may nangyari na sayong masama kung kaya nasigawan rin kita ''

'' It's okay, sorry na din talaga ''

Inalalayan na ako ni sam papunta sa unit namin. At sa tapat ng pintuan ay marahan ako nitong hinalikan sa labi.

'' goodnight hon, I love you ''

'' I love you too ''

pero I feel different na when I say this words to him.

'' sunduin kita bukas okay? ''

'' okay I'll wait for you, ingat ka pag uwi ''

Tumango ito at umalis na rin matapos akong bigyan muli ng isang madiing halik sa labi.

Pumasok ako ng marahan sa pintuan at nakita ko si danika na may kausap rin sa phone niya. Naglalakad lakad ito habang kinakagat kagat niya ang pinky finger niya, malamang nagsisinungaling ito at si gerald ang kausap.

Halos kumukunot na rin ang noo nito at sa huli ay inis nitong sinabi ang mga katagang.

'' you know what let's not talk tonight. I'm very tired gerald so please. '' she furiously ended the call at umupo sa sofa.

'' gerald? '' she nod her head and rest it onto my shoulder ng tumabi ako sa kanya.

I put around my arm over her shoulder and sigh.

'' ano bang gagawin natin sa mga boyfriends natin? ''

She shrugged her shoulders '' I don't know either ''

------------------------------

Sumunod na araw ay sinundo nga ako ni sam after class. I texted danika na baka malate ako ng uwi mamaya at kasama ko nga si sam. Replayan ba naman ako ng plain na okay, ayaw ko pa naman ng word na yun, kasi feeling ko hindi naman talaga okay.

Pero bahala na mamaya, si sam muna ang iintindihin ko.

Pumunta kami ni sam sa kanyang condo. Nag order na lang siya ng food for dinner para hindi na daw kami lumabas. Nag usap lang naman kami at pinaliwanag ko ulit sa kanya ang pangyayari kahit pa I feel so guilty na.

Nagsisinungaling kami ni danika sa mga taong nagmamahal sa amin para naman magkaroon kami ng sarili naming time for ourselves.

Hay ano na bang dapat kong gawin? Mahal ko pa rin naman si sam at hindi ko siya kayang saktan. At ganun din si danika at  ayaw ko naman siyang bitawan. Nahahati ako sa kanilang dalawa pero kung papapiliin ako between them - it would be her, si danika.

At sa kung ano anong naiisip ko ay bigla naman akong nakaramdam ng antok at di ko na namalayang nakatulog na pala ako sa bisig ng nakayakap sa aking si sam.

THE MAXINE SISTERS SERIES (DANIKA ELLISE) GXG STORY - WHEN YOU AND I COLLIDEWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu