Chapter 5 - Dried Fish

5.3K 156 4
                                    

- ANA -

Inis na inis pa rin ako dahil alam kong nasa kabilang kwarto lang ang bratinelang yun, kung pwede nga lang umalis dito ginawa ko na. Hindi ko naman talaga matitiis ang ugali nito super spoiled, maldita at maarte..

I just remembered yung first encounter namin, the time na nandito pa sila riley. Papasok ako nun sa gate ng may biglang bumangga sa akin. Sa lakas ng impact tumilapon ako sa pintuan at napaupo.

Pinagtinginan ako ng ibang estudyante at imbes ba naman na tulungan ako ay sinungitan ako nito. Ako daw ang bumangga sa kanya at nakakainis pa raw ako at nahulog yung favorite niyang bag sa semento at nadumihan ito.

Biruin mo yun siya na nga ang may sala, sa akin pa siya nagalit. Tapos malaman laman ko kapatid pala siya ni dominika. Mas mabuti pa ang kapatid niya maayos na tao, eh siya?? my god ewan hindi ko siya maidescribe kung tao ba siya o impakta sa sama ng ugali.

Malalim pa ang iniisip ko ng biglang tumunog ang aking sikmura. Tumingin ako sa wrist watch ko. 9 pm na pala at hindi pa ako nag di-dinner. Makalabas na nga para makapagluto na ako.

I silently walked out from my room at nagsimula ng magluto. Binuksan ko ang refrigerator, wala pa itong halos laman hindi pa kasi ako nakakapag grocery, pero may nakita akong dried fish. Kaya natuwa naman ako.

Hindi naman ako maselan sa pagkain kaya kung anong meron pwede na yun sa akin. Nagsimula na akong magluto.

- DANIKA-

'' wait hon ha I'll call you later ''

'' okay ''

Kausap ko pa naman ang boyfriend ko para ibalita ang paglipat ko at pagsasarili sa dorm pero may naamoy akong mabaho. Sinundan ko ito at mukhang sa kusina ito nanggagaling.

Marahan kong binuksan ang pintuan at nakita ko si pangit na nakatalikod at nagluluto??? Nakapajama ito at naka sando lang...

mmmmm medyo sexy pala ito kahit papano.

Wait what? did I just check her out?

I vigorously shook my head para mawala ang nakakadiring inisip ko towards sa babaeng nakatalikod sa direksyon ko.

I walked towards her at nakasimangot akong nagtanong.

'' anong niluluto mo at ang baho naman niyan??? ''

Medyo napalakas ata pagkasabi ko at nagulat ito bigla, napahawak pa ang kamay nito sa dibdib niya.

Lumingon siya sa akin '' ano ba bakit nanggugulat ka diyan??? ''

'' hoy I'm just asking here hindi kita ginugulat! ''

'' eh bakit ang lakas ng boses mo kasi? magtatanong ka lang naman ''

'' malay ko bang malakas? at bakit mo ba ako sinisigawan diyan? '' nakapameywang kong saad. Nawawalan na naman tuloy akong kontrol sa emosyon ko. Kainis talagang babaeng ito.

'' atsaka ano ba yang niluluto mo ang baho baho, kapag ako bumaho tingnan mo! '' banta ko sakanya sabay takip ng kamay ko sa ilong ko.

'' Alam mo ikaw kung wala kang magawang matino dun ka na lang sa kwarto mo and fyi dried fish po ito at normal lang ang ganitong amoy!! '' sigaw nito sabay talikod sa akin.

Nanggigigil na talaga ako sa kanya kaunti na lang masasabunutan ko na talaga siya.

She flipped to the other side yung dried fish at ng matapos na ito ay inilagay na niya sa saucer at ipinatong sa mesa.

'' Oh ano pang ginagawa mo dito? umalis ka na nga at diba ang sabi mo mabaho '' she rolled her eyes.

'' I'm just curious lang naman kaya gusto ko makita ang itsura, ang liit liit lang naman pala nitong fish na ito pero ang amoy kasing baho mo. '' ngumuso ako at medyo natatawa sa sinabi ko.

'' excuse me??? '' nagpameywang ito hawak hawak pa rin ang ginamit niyang ano bang tawag dun sa pinang prito niya?

Ahm ahm?? hay I dunno basta yun na yun.

Tumawa lang naman ako, inis na naman kasi siya.

'' if you're done laughing you can go back to your room now dahil kakain pa ako '' she told pissed sabay tapon nung pinangluto niya sa mabahong isda dun sa sink.

'' fine magsama kayo ng dried fish mo! '' umirap ako at bumalik na sa kwarto, ang nakalimutan ko naman ay hindi pa rin pala ako nakain.

Hay ayaw ko naman nung dried fish, magpapadeliver na lang ako.

THE MAXINE SISTERS SERIES (DANIKA ELLISE) GXG STORY - WHEN YOU AND I COLLIDEWhere stories live. Discover now