Chapter 42 - Cornered

4.2K 110 5
                                    

- DANIKA -

I was so happy ng binalita ni ana na hiwalay na sila ni sam. Would you believe that si gerald na lang ang magiging sagabal at mamaya mawawala na din siya. About dad? di ko pa napag iisipan pero I'll stand still for ana, for us.

Nandito pa rin ako sa opisina tinatapos ang mga bagay bagay, minamadali ko na dahil mamaya ay magkikita kami ni gerald for me to break up with him, then diretso na ako kay ana to make love.

hmmmp yes!

ayie just to think na magiging kaming dalawa na lang talaga ni ana sa relasyon ay talagang nagpapakilig sa akin.

It was 6 pm when I'd decided to go home para magpalit ng damit. I texted gerald na sa favorite restaurant na lang kami pumunta at magkita. Sabi niya change of plan daw may surprise daw siya sa akin.

Nagtaka naman ako ano naman kaya yun? I typed another message for him, sabi ko send me the location at dun na lang kami magkita. After that nilock ko na ang opisina ko. I'm on my way going down ng mapansin ko na parang may iba sa hallway na dinadaanan ko.

Wala naman flowers dito sa gilid bakit ngayon meron na? at si rica madalas nandito pa yun dahil pinapauna niya akong umuwi unless super late na ako makakaalis ng office.

Hmmm strange.. pero winalang bahala ko na lang, baka wala lang naman. Napatigil ako at tumunog ang cellphone ko, nagsend na ng location si gerald. Pero bakit ang location ay dito sa opisina mismo??????

Nasa pagtataka stage pa rin ako ng biglang lumitaw si gerald mula sa kawalan.

'' hi baby ''

'' a...anong ginagawa mo dito????? '' pagtataka kong tanong. Ngumiti lang naman si gerald at biglang lumuhod.

you've got to be kidding me!!!! NO!!!!!!!! sigaw ko sa isip ko.

Pipigilan ko sanang magsalita si gerald at aayaw na ako kaagad, pero biglang lumabas from one of the rooms ang parents niya, at sa kabila ay ang parents ko and then yung mga employees ng company.

OH MY GOD!!!THIS IS NOT HAPPENING!!!! THIS IS A NIGHTMARE!!

Halos nag hi-hysterical na ako sa loob ko, grabe na ang inner struggle ko. Anong ginagawa nilang lahat dito??? fuck fuck!!!!!!

'' baby  I know this proposal took a lengthy time, I'm sorry for that. I just want to make sure that both of us are ready to take another step of us being together '' he paused at napalunok ako, umiiling na rin ang ulo ko dahil hindi ko akalaing mangyayari ito before I break up with him.

'' and now I'm so sure that I really want to be your husband soon. You're my everything danika. You're my love and I can't be with anyone but you. So please danika, baby will you marry me???? ''

will you marry me?

will you marry me?

will you marry me?

will you marry me?

will you marry me?

will you marry me?

will you marry me?

Para itong sirang plaka na paulit ulit sa utak ko. Wait nahihilo ata ako.

'' baby? '' pag uulit ni gerald.

I gulped at tiningnan ang mga tao sa paligid ko, nagpapalakpakan sila at ang mga parents namin ay napaka saya.

Papano ako makakatakas ngayon, papano ko masasabing ayaw ko, na hindi na kita mahal bilang kasintahan, papano??

Dahil natatagalan na ako sa pagsagot ay lumapit sa akin si dad. Hinawakan niya ako sa balikat.

'' anak he's asking you diba ito yung matagal mo ng gusto? '' bulong niya sa akin.

At nakaramdam na naman ako ng isa pang kamay sa braso ko, tumingin ako sa direksyon - si mom. Nakangiti ito sa akin at tumatango.

Gusto niya bang mag say yes ako?

God ano ba ang gusto nilang gawin ko??

Si ana?? si Ana, nasaan si ana?? gusto ko si ana!!!!

Pinagpapawisan na ako, kinakabahan na ewan. Ayaw ko talaga, ayaw ko magpatali kay gerald but how can I say no??? damn!

I was about to say a word when there was a light flashing in my eyes, may mga cameras surrounding us. Ano ba ito? film? movie??

I want to run, run away from them. Pero I was cornered.

'' anak sagot ka na '' sabi ni dad.

I gulped again at ang ingay ng pagpapalakpakan ng mga tao at ang ilaw ng mga camera ay nakapagpadagdag sa kalituhan ang hilong nararamdaman ko.

And when he asked again.

'' Will you marry me?? ''

I replied......

'' Yes ''

THE MAXINE SISTERS SERIES (DANIKA ELLISE) GXG STORY - WHEN YOU AND I COLLIDEHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin