Chapter 43 - The most painful goodbye

5K 144 20
                                    

- ANA -

Maayos na ang lahat eh, nakipag hiwalay na ako kay sam. At ang sabi ni danika gagawin na din daw niya, she talked to gerald at magkikita sila, subalit ang saya ko ay animo'y hangin na nawala rin kaagad when I saw in the television the live broadcast of Him that fucking mokong asking my love to marry him.

I thought makakaya niyang tumanggi but I was wrong, she said yes. When I heard that word my world was instantly destroyed. Yung apat na haligi ng aking lakas sa isang iglap ay gumuho. Anong nangyari? paulit ulit kong sambit sa aking sarili.

Tapos na ba kami?

Wala na bang kami?

She's with gerald now and forever will.

---------------------

It happened 3 days ago. Nang mapanuod ko ang news ay hindi ko kinontact si danika, tumatawag siya at nagpapadala ng messages pero hindi ko ito pinapansin.  Natatakot kasi ako na baka tuluyan ng maputol ang napaka nipis na pisi nang pag asa na natitira pa sa akin.

Tiningnan ko ang orasan 7pm na. Ngumiti ako ng mapakla sa sarili ko, magmula kasi pagkagising ko kaninang 6am ay nakaupo na ako dito sa sala. Nakatulala at umiiyak.

Nasa harap pa rin ako ng TV ng biglang bumukas ang pintuan. Tumambad sa akin si danika. Ang pula ng mga mata nito, halatang kakatapos lang umiyak and in 2 weeks na hindi kami nagkita ay mukhang nangayayat ito.

Sinarado niya ang pintuan at tumakbo sa akin. Agad ako nitong niyakap habang umiiyak.

'' I'm sorry I'm so sorry '' in that word tumulo na din ang mga luha ko.

Ibinalik ko ang yakap kay danika. Nag iyakan kami... so parang katapusan na ba nang samin? 

shete naman oh!

'' Hey '' sabi ko pagka hawak ko ng magkabila nitong pisngi. Hinawakan rin naman niya yung akin.

'' I'm sorry love. I... I was cornered, hindi ko alam ang gagawin ko. Ang dami nila at mag isa lang ako.... '' humahagulhol na  ito ng tuluyan.

Alam ko nagsasabi ng totoo si danika, nararamdaman ko ang sincerity sa kanya. Tumango ako.

'' I'm sorry din dahil wala ako during that time '' I told her, umiling siya.

'' I promise love ayaw ko talaga. I don't want to marry him '' nakaluhod na ito sa harapan ko at nanginginig ang kanyang boses sa pag iyak ng sobra maging ang kanyang buong katawan.

Hinawakan ko ang kamay niya na ngayon ay nakapatong sa lap niya. Pinisil pisil ko ito. Kung dati nagawa kong mag isip ng iba sa pagmamahal ni danika sa akin, ngayong kaharap ko na siya ay nakikita kong she's hurting the same intensity like mine.

'' Alam ko love '' hikbi ko. Bumangon sya ng kaunti at magkapantay na ang aming mga mukha.

'' then why you're not answering my calls and texts, alam mo bang nababaliw na ako kakaisip sayo? I don't want you to be mad at me love. I can't bear that thought '' halos kapusin na ng hininga si danika sa tuloy tuloy nitong pagsalita habang umiiyak.

Tumingin ako sa mga mata niya. Wala akong ibang nakita kundi ang kalungkutan. Malungkot na malungkot si danika.

'' d...dahil hindi ko kakayanin na baka kapag sinagot ko you'll break up with me '' I sobbed

'' nooo I just want to hear your voice, ikaw ang mahal ko ana, mahal na mahal kita '' she cupped my cheeks at hinalikan ako sa labi.

Nalasahan ko ang alat ng pareho naming luha. Magkadikit lang ang aming mga labi at hindi ito gumagalaw, yung sakit na nararamdaman namin ay halos lamunin na kami pareho. We stayed like that, magkadikitan ang mga noo namin at umiiyak, feeling ko nga wala ng katapusan ang pag iyak ko and was wondering kung saan na ba nanggagaling ang mga tubig na ito sa aking mga mata.

THE MAXINE SISTERS SERIES (DANIKA ELLISE) GXG STORY - WHEN YOU AND I COLLIDEWhere stories live. Discover now