Chapter 11 - Cash vs. Cards

5.7K 154 1
                                    

- ANA -

'' danika matagal ka pa ba? ''

'' wait a sec I'm near na talaga ''

Nakailang beses na ba akong tanong kung matagal pa ba siya at nakailang beses na rin ba niyang inulit ang sagot nyang yun?

Ulit ulit lang kami pero same result pa rin naman and speaking of lumabas na siya na naka fitted na dress at nakahigh heels pa.

'' ito pwede na ba '' nakangiti niyang tanong sa akin habang pinaplantsa pababa sa legs niya dalawang kamay niya.

Napafacepalm ako '' danika naman mag go-grocery tayo hindi aattend ng party o mag shoshopping '' nawawalan ng pasensya kong sagot sa kanya.

'' kaya nga pero mag sho-shopping naman tayo, eto naman sinusuot ko everytime I do that eh '' mataray at napaka class nitong sagot sa akin.

'' fyi po magkaiba ang grocery sa pag shopping, ang grocery kukuha tayo ng toyo, suka, de lata, chicken, beef etc etc sa grocery store, ang shopping ginagawa natin sa malls o kung saan pang ibang establishments to buy clothes, shoes, heels blah blah blah '' inisa isa ko at baka hindi na naman ma gets ng mayaman nitong utak.

Nagpouty lips ito at parang nag isip

'' same lang naman yun ana ''

'' magkaiba yun kaya magpalit ka na '' utos ko

'' why pa ba, this still fits though '' tukoy niya sa suot niya.

'' Ay bahala ka iiwanan na kita, you ate more than an hour para lang magbihis, eh ikaw naman ang may gustong sumama sa akin '' naiinis na talaga ako dito.

Nakapameywang itong lumapit sa akin at hinawakan ang magkabila kong kilay at iniunat ito.

'' huwag ka ngang sumimangot diyan magiging pangit ka na naman niyan Analita Magpantay ''

Aba't kinumpleto pa talaga ng bruhang ito, mabuti na lang maganda siya magsalita ng pangalan ko kung hindi makakatikim siya sa akin. Ang ayaw ko pa naman talaga ang banggitin ng buo ang pangalan ko na hindi talaga nababagay sa mukha ko. Ang parents ko naman kasi, yun pa ang ipinangalan sa akin kainis!!!!!

Sa lalim ng iniisip ko hindi ko na napansing nakapagbihis na pala ang maldi--- oopps hindi na pala siya ganun kamaldita, kunti na lang. Nakapagbihis na si danika, nag fitted pants na lang ito at adidas niyang shoes. Kahit ano atang damit bagay sa kanya.

Dumiretso na kami sa grocery store para makabili ng mga kailangan namin. Punong puno na ang cart namin pero ang bibig ni danika ay hindi pa rin natitigil sa pagdaldal at pagtatanong.

Unang beses niya kasing nakapunta sa ganitong klaseng lugar kaya na aamaze siya sa mga iskaparateng punong puno ng kung ano anong needs ng tao. Would you believe that natutuwa siya sa parang bata sa bagay na yun? hindi naman pala ganun kasosyal itong babaeng ito dahil nagmumukha rin pala itong tanga. haha evil grin!!!

Ang hindi lang maiwasan sa ganitong mataong lugar ay ang tingnan ka, kaya si danika nakaw pansin sa loob. Halata naman kasing anak mayaman ito the way she talk and move. Nagmukha tuloy akong katulong niya na taga saway at taga sita ng mga matang animo'y hinuhubaran na siya kung makatingin. Ang lalagkit eh kadiri, yuck!

Papunta na kami sa counter para bayaran ang mga pinamili namin ng may humila bigla sa braso ko. Nagulat ako maging si danika. Napahawak pa siya ng kamay sa kanyang dibdib.

'' Ooops! ''

'' hi honey '' si sam pala akala ko kung sino. Pero bakit siya nandito? hindi naman din kasi ito pumupunta sa ganitong klaseng lugar.

oo na ako na talaga ang mahirap sa aming tatlo.

'' hey, anong ginagawa mo dito??? ''  tanong ko.

Mas inilapit niya pa ang katawan ko sa kanya at hinalikan niya ako sa labi. Pda naman talaga kami nito ni sam kahit dati pa pero ngayon bakit para akong nailang?

'' kasi nagtext ka na pupunta ka dito, sa gusto kitang makita kaya pumunta ako total malapit lang naman ito sa opisina ''

'' sus ikaw talaga! '' tinusok ko ang tagiliran nito at tinapik tapik ang pisngi pagkatapos nang biglang umeksena si danika.

'' guys tara na, next na tayo oh ''

shit oo nga pala, nakalimutan ko bigla si danika nakasimangot na naman tuloy ito.

Lumapit na kami ni sam sa kanya at casual na nagbatian ang dalawa. Tinulungan na rin kami ni sam na ilagay sa counter yung mga pinamili namin para i punch out na. Pagdating ng bayaran sabay sabay kaming tatlo na humugot sa kanya kanya naming wallet.

Si danika at sam credit cards, iba talaga mayaman cards cards na lang. Ako? ahmmm cash, hindi naman kasi ako mahilig gumamit ng credit card ko although nasa wallet ko lang din, I prefer cash pa rin.

Napatingin naman sa amin at napangiti ang cashier. Sinabi na lang din niya na cash lang muna tinatanggap nila may sira daw kasi ang system so in short ako ang nagbayad. Mukha kasing ewan yung dalawa at halos ilagay na sa kamay ng cashier yung kanila. Kaya naman grabe panlulumo nila ng sinabing Cash only sila ngayong araw.

May pinapalakasan lang ba sila or competition?? hindi naman siguro.

Si sam na ang nagtulak at naglagay sa kotse ng pinamili namin. Gamit namin ni danika ang car ko, pinagtalunan pa nga namin yun kanina at gusto niyang dalhin yung sports car niya. Hay naku naman talaga ang babaeng ito nakakaloka '' madalas ''.

Sumakay na si danika sa loob ng kotse, galit na naman ang itsura. Hindi ko talaga ito makuha minsan. Masaya tapos malulungkot, tatawa tapos iismid... Hay ang hirap makisama sa isang Danika Maxine, magkaka uban ka at tatanda ka kaagad.

'' ingat ka sa pag drive honey ha '' paalala ni sam.

'' yes po '' sweet kong sagot and we kissed.

After that. I embarked myself na inside the car. Magmamaneho na sana ako pauwi ng napansin kong hindi pa nakaseatbelt ang kasama ko.

'' danika fasten your seatbelt, magda drive na ako '' umismid lang ito at inayos na ang seatbelt niya, yung totoo may regla ba ito???

Hinayaan ko na nga lang at nagsimula na ako magmaneho.

Nakarating na kami sa dorm. At ang bwisit na babae nagpatiuna na paakyat at hindi ako tinulungan sa mga pinamili namin. Kaya ang nangyari twice pa akong bumalik sa sasakyan para makuha yung pinag grocery namin lahat lahat.

Si danika talaga parang ewan. Napapailing na lang tuloy ako.

THE MAXINE SISTERS SERIES (DANIKA ELLISE) GXG STORY - WHEN YOU AND I COLLIDEWhere stories live. Discover now