Chapter 27 - Run Ana Run!

5.2K 119 0
                                    

- DANIKA -

Ana texted me that she's going to be late tonight, kasama niya daw si shokoy. Kahit naman ayaw kong makipagkita si ana sa boyfriend niya ay hindi maaari may karapatan pa rin si Sam sa kanya at ako? wala pa masyado. We're just having an affair hay!

Si gerald naman nakakabwisit na ulit ulit na nga ako sa pagsisinungaling ko ay para naman din itong sirang plaka na kesyo don't do it again 'cause I'm f***** so worried about you. Yan talaga yung term na ginamit niya.

Gusto pa nga makipagkita ulit sa akin sinabi ko na lang na nasa classmate ako at may ginagawa. He asked me kung sina Dolly, ruby at ruby rose daw ba kasama ko, kilala niya kasi mga yun. I replied him no kasi hindi naman talaga at baka kapag sinabi kong oo tumawag yun sa kanila ay di mahuhuli ako. Mag aaway na naman kami ni gerald ayaw ko pa namang makipagtalo sa kanya, mas nangingibabaw kasi sa akin ang guilt. I surely love him but not the kind of love I felt for him before.

I took a glimpse of my wrist watch madaling araw na pero wala pa si ana? I called her not just once, twice or thrice it's a thousand times pero wala, it kepts on ringing pero hindi niya sinasagot.

hindi kaya she's having umph with sam??

No! no! no!

Alam kong hindi after we had that thing for sure ako na ang hahanap hanapin ni ana katulad ng nangyari sa akin. Yung tipong siya ang mas gusto kong makasanib pwersa rather than gerald.

oh sh** ano bang gagawin ko kay gerald?

I impatiently tapping my fingers on the table. Naka ilang text na ba ako at missed calls? nakailang tasa na ba ako ng hot tea at coffee? nakailang hikab na ba ako at pusipos ng mata para lang hindi ako antukin sa paghihintay??? Hindi ko na alam, hindi ko na nabilang until a ray of sunshine was already visible outside the window.

Umaga na pala.

- ANA -

Dali dali akong nag ayos pagkagising ko sa kama ni sam. Shit nakatulog ako, tiningnan ko ang phone ko, ang daming missed calls at text messages from danika.

Hinihintay niya raw ako at ang huling text niya was 30mins before I woke up saying......

'' you might had a good and wonderful night with sam - your boyfriend.''

Nakikinita ko na ang galit na mukha ni danika at kinakabahan ako, ayaw ko na magkagalit kaming dalawa.

Bakit ba kasi nagkatulog ako!!!!

I dialled her number nag riring lang ito pero hindi niya sinasagot.

I tried again pero pinatay na niya ito. She's really mad at me.

Kinuha ko ang damit sa cabinet ni sam, may mga iniwan na kasi ako dito sa condo niya para naman kapag ma sleep over ako dito ay hindi ko na kailangan pang magdala ng damit and I'm glad na ginawa ko ito.

I took a shower, nagbihis at nag ayos minadali ko ang lahat. Napatigil lang ako saglit ng makita ko ang breakfast na ginawa ni sam with a note as well, wag daw ako magpapagutom with I love you pa.

Kumuha ako ng paper bag at nilagay ko na ang mga pinaghanda ni sam bago siya pumasok sa work, effort talaga yun kahit kailan. Ayaw ko naman maghihinanakit si sam kaya lahat ng niluto niya dinala ko with me.

I drove my car going to school malapit na akong malate kaya halos paliparin ko na ang kotse, ilang araw na nga akong absent at sa pagbabalik ko ay late pa ako. Hindi na ata makatarungan yun. Isa pa gusto ko ng makita si danika.

I parked my car at patakbong tinungo ang first class ko. Pagbungad ko sa pintuan ay magsisimula pa lang ang klase. Nakakahiya agaw eksena ako, nakatingin kasi silang lahat sa akin maging ang prof. namin.

'' I..I'm sorry sir '' hingal at nakatungo kong saad.

'' Are you okay now Ms. Magpantay? are you not sick anymore? '' tanong ng prof. namin, nagtaka naman ako, sick? ako?

Nang hindi ako makasagot agad ay tumugon ulit si prof.

'' Ms Maxine told me that you're not feeling well this past few days. She called the president of the school about it so we excused you for that time being ''

'' oh! ahmm ahm I'm fine now sir, thank you ''

Para naman akong natanga, ginawa yun ni danika? nag iisip pa naman ako ng ipapalusot ko, nagawan na pala ng paraan ng love ko.

'' please be seated Ms Magpantay just make sure you're going to pass all the requirements and reports you had in your class before this week ends ''

Tumango ako '' yes and thank you sir ''

Pumasok na ako at umupo katabi ng mga kaibigan ko.

'' okay ka lang ba? tinatawagan ka namin last day hindi ka sumasagot '' si bela, mukha naman talaga itong nag aalala.

'' I'm fine thank you... may naging problema lang pero okay na ang lahat ''

'' sure ka? '' si noora naman, napapagitnaan kasi nila akong dalawa. Nasa kanang bahagi ko ito.

'' yes, salamat ''

Hindi na ako ginulo pa ng dalawa at nagpatuloy na ang aming klase. Mabilis lumipas ang buong araw at uwian na ng hapon.

Naglalakad kaming tatlo ng lumapit si jimsy at may sinasabing hindi ko maintindihan dahil busy ako sa pagsipat sa phone ko. Sa dami ko na rin kasing text sa kanya hindi man lang ito magreply, galit ata talaga.

Ilalagay ko na sana ang phone ko sa bulsa ng bigla itong tumunog. Excited ko itong kinuha pero ang ngiti kong sobrang laki sa pag aakala kong si danika na ito ay biglang naglaho. Si sam pala....

'' hello? ''

'' hon tapos na klase mo? ''

'' oo hon, bakit? ''

'' gusto mo bang lumabas? ''

ano ba naman to si sam, magkasama pa lang kami kagabi nandito na naman. Galit pa nga sa akin si danika eh.

'' ahm hon pwede huwag muna mamaya may mga gagawin pa akong projects eh '' napapikit ako ng isang mata. Patuloy lang naman kami sa paglalakad at nanahimik pansamantala ang mga kaibigan ko.

'' ah okay hon, next time na lang... ingat ka pag uwi ha. I love you ''

'' I love you too ''

I ended the call.

'' sino yun si sam? '' tanong ni jimsy habang nakatingin sa kuko niyang bagong nail polish.

'' yes ''

'' ang sweet ni sam noh perfect boyfriend talaga '' yung dalawang babae kinikilig pa. I rolled my eyes inside my head.

Sweet talaga si sam pero mas sweet si danika, hay love nasaan ka na ba?

'' ahm guys! '' bigla kong bulalas. Napatigil kami sa paglalakad.

'' N..nakita niyo ba si danika or napansin man lang ? ''

'' hindi '' sagot sabay iling ni noora at bela

'' ako oo I saw her kanina, sinundo nung pogi niyang boyfriend. Halos na star struck nga ako eh ang perfect tingnan nung dalawa. Mga dyosa!!!!! '' maarte at may patili tili pang banggit ni jimsy.

Nasaksak na naman ako sa dibdib ko. So magkasama sila??? Hindi pa man lang ako nakakarecover ay may dinagdag na naman ang baklang ito.

'' may dala pa ngang isang bouquet of flowers si guy at may I'm sorry balloons pa, tuloy para silang may movie na ginagawa, ang dami ngang kinilig kanina eh... ''

'' talaga??? wow sayang hindi ko nakita '' si bela naka clasped pa infront ang dalawang kamay niya at halatang kinikilig. Ganun din ang reaksyon ni noora.

Natahimik naman ako, nalungkot ako bigla, kasama pala ni danika ang boyfriend niya, papano kapag hindi yun umuwi mamaya? huhu, naiiyak na naman ako.

Kinuha ko ulit ang phone ko at nag type ng message for her.

message sent.

THE MAXINE SISTERS SERIES (DANIKA ELLISE) GXG STORY - WHEN YOU AND I COLLIDETempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang